Isa sa pinagmamalaki ng vivo dito sa Y28 ay yung 6000mAh na battery capacity. Check natin mamaya kung ilang SoT yung napiga natin dito.
Price
Specification:
Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing
Makikita natin sa box ng vivo Y28 ang napakalaking Y. Sa likod naman ng box makikita yung ilang top specs. Pagbukas, yung vivo Y28 agad yung makikita natin upon opening the box. Nasa atin ngayon yung green na colorway. Ang ganda nitong green at medyo may pagka-black na ito depende sa angulo. Pati ang camera module ay napaka-modern din ng itsura although may kaunting bump. Flat ang mga sides ng phone. Matte finish ang likod kaya hindi ito kapitin ng fingerprint at smudges kaya malinis ito tingnan, pero lagyan pa rin natin ito ng jelly case.
Sa ilalim ng box ay may jelly case at expose ang camera module at napaka-flimsy lang. Good start pero bili rin tayo ng mas maganda compared dito. Sunod naman ang documentation, vivo FlashCharge 44W na USB-A ang port, USB-A to USB-C cable, at SIM ejector pin.
Design
Meron itong IP64 na water and dust resistance, if ever na mabasa ito or maalikabukan ay okay lang dahil hindi ito papasukin. Huwag pa rin natin ito ilulubog sa tubig. Pagdating naman sa haptics ay naka-off ito by default at nang in-on ko ay naintindihan ko kung bakit nila in-off. Pero ang mganda dito sa Y28 ng vivo ay dual speakers ito, isa sa ilalim at isa sa earpiece. Ang lakas ng sound at meron pang 300% na audio boost. Napakalakas at malinaw pa rin kahit na nakatodo yung volume ay hindi muffled ang tunog.
Meron din itong headphone jack kaya kumpleto naman tayo ng port. Meron din itong pre-installed na screen protector at may punch hole selfie camera na rin. Medyo makapal ang chin nito pero expected na iyan sa ganitong presyo.
Battery
Specification:
20 hours and 9 minutes ang nakuha nating SoT dito. Grabe! Sobrang reliable ng phone na ito pagdating sa battery. Ang ganda ng endurance nito.
Napakabilis din ng charging speed nito kahit 6000mAh yung capacity. Sulit na sulit itong phone pagdating sa mga humahanap ng phone na Php8,000 pero reliable yung battery.
Display
Specification:
Pagdating sa overall quality ng display, para sa akin ay okay naman. Hindi naman maputla, hindi naman masyadong blueish yung color temperature pero by default ay pasado sa akin yung kulay. Good news din dahil sa Netflix application, ang Widevine Security Level nito ay Level 1 at ang max playback resolution ay Full HD kahit 720p lang ang resolution ng phone na ito.
Pagdating sa display settings ay may option para matimpla natin ang kulay or color temperature. Pwedeng warm, cold, or default. Pagdating naman sa screen refresh rate ay dalawa lang ang option natin, smart or 60Hz. Bumaba rin to 60Hz ang refresh rate kapag hindi na natin ito ginagalaw.
Performance
Specification:
Meron din itong extended RAM pero its either naka-on or naka-off dahil ang storage na kukunin ay naka-lock to 8GB. Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-on ang extended RAM ay 267776. Kapag naka-off naman ang extended RAM ay 270833, merong boost sa performance kapag naka-off ang extended RAM. Natuwa din ako sa result ng Wild Life Stress Test, pagkatapos ng test ay hindi man lang nabawasan ng kahit 1% yung battery, tapos ang temperature ay nadagdagan lang ng 3°C kaya maasahan talaga natin ang phone na ito.
Eksaktong-eksakto itong Y28 dun sa mga gagamit ng GPS based na application like Waze at Google Maps. Sa mga mahal naming riders ay tamang-tama po sa inyo ito.
Dito sa Asphalt 9, naka-sagad ang graphic settings pero hindi nito talaga na-generate lahat ng graphics. Pero smooth naman overall, wala namang noticeable na lag or frame drops. Hindi mo rin mafe-feel na hirap ang phone. Okay na okay naman ang phone pero pagdating sa graphics ay hindi tayo pwedeng mag-expect ng malaki.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshot:
1080p ang meron sa selfie video, hindi ito ganun ka-sharp. Ang color temperature nito ay medyo nasa cool side, bluish ito pero hindi sobra. Okay naman ang kulay ng damit at medyo accurate naman ito.
Conclusion
Yan na lahat ng gusto kong i-share sa inyo tungkol sa vivo Y28. Sa tingin niyo, sulit ba ito para sa presyo?
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllbjh4
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: