Napakamura talaga ng phone na ‘to at isa ito sa pinakamurang phone na na-review ko ngayong taong 2022. Ito ang narzo 50i prime at ito ay mabibili natin sa halagang 4,999 pesos pero may promo ang narzo sa Lazada, magiging 3,799 pesos nalang siya until September 30. Pero gusto nating malaman kung okay ba ang performance niya overall, Usually, sa ganitong presyo, halos wala nang mapipiga sa performance. Ganon din kaya dito sa narzo 50i Prime? Bago yan tingnan muna natin yung mga laman ng box.
UNBOXING
Wala namang special sa box nitong narzo 50i prime dahil parehong-pareho yung design ng box sa ibang mga phones na nakita na natin. At di ko maiwasang mapansin yung gaan ng box niya, kung sakaling inorder mo ito online baka maisip mo kung may laman ba talagang phone sa loob ng box, ganun talaga siya ka-gaan!
Pagka-open natin ng box, Documentations agad ang bubungad sa atin, at sad news walang kasamang jellycase sa box, at wala din itong kasamang charging brick.
DESIGN AND BUILD QUALITY
Sa left side makikita natin yung kanyang SIM Tray. Good news naman guys! Kumpleto siya ng slot, micro SD card slot at dual SIM.
Sa right side makikita naman yung volume up & down buttons pati narin yung power-lock button.
Sa likod naman makikita yung kaniyang single camera na may LED flash. Infairness maganda yung design niya, may texture kaya hindi kapitin ng dumi o smudges at maganda yung magiging grip natin dito.
Sa ilalim naman andito yung kaniya headphone jack, main microphone, micro USB port at yung kanyang speaker.
Ang isa sa nakakalungkot dito, sa design palang syempre may compromise na. Una sa lahat naka-micro USB port siya at ikalawa, wala din siyang fingerprint scanner. Pero alam niyo kung ano yung nakaka-bilib? Ang ganda ng haptics ng phone na’to, kahit sobrang mura lang pero ginandahan nila yung haptics. Pero syempre hindi siya kasing-ganda ng mga flagships o kaya mga mid-range phones, pero hindi ko inexpect yung ganitong quality sa isang less than 5k na phone.
SCREEN DISPLAY
Sa harap naman makikita natin yung kanyang selfie camera na nasa loob ng notch, medyo makapal yung kanyang chin pero expected na ‘yan sa ganitong price ng phone. Pero ang maganda diyan yung kanyang display ay 6.5″, may kalakihan ng kaunti pero 720p lang ‘yan, 1600×720 yung kanyang resolution at aabot ng 400 nits yung typical brightness.
Pagdating sa mismong display, okay naman sa’kin yung quality kase hindi naman sobrang putla ng pagkakatimpla sa kulay, medyo vibrant naman kahit papano. Hindi pixelated kapag tinitigan n’yo mabuti yung mga letters dito sa display, tamang-tama lang yung pagka-sharp para mabasa natin ng maayos, okay yung display overall. Pero siyempre as expected, level 3 yung kanyang Widevine Security, kaya talagang hindi siya makakapag-play ng mga HD content sa Netflix.
PERFORMANCE
PROCESSOR | Unisoc T612 CPU: Octa-core CPU, up to 1.82GHz GPU: ARM Mali-G57 |
OPERATING SYSTEM | realme UI R Edition Based on Android 11 |
STORAGE | RAM: 3GB LPDDR4X ROM: 32GB UFS 2.2 Up to 1TB External Memory |
Ulitin ko lang baka hindi niyo napansin, UFS 2.2 yung nilagay na storage ng realme, hindi siya kagaya ng ibang mga sobrang murang mga phones na naka eMMC yung storage; at malaking bagay yan sa performance kase 300% yung difference ng UFS 2.2 sa eMMC pagdating sa transfer rate, kaya ma-eexpect natin na mabilis-bilis naman ma-open dito yung mga application. Pero para magkaroon pa kayo ng ideya, i-check naman natin yung kanyang AnTuTu score.
Sa AnTuTu Benchmark naman, nakakuha tayo ng 175,366 na score. Actually not bad na yan para sa ganitong price, kumpara sa nakuha ng mas mahal na Wiko 10 na nakakuha lang ng 136,298 na score.
At sa mga magtatanong kung meron bang Virtual RAM itong narzo 50i Prime, wala po at understandable naman ‘yon kase 32GB lang yung kanyang storage. Pero nakakalungkot lang kase 32GB na nga lang yung storage pero nilagyan parin ng sandamakmak na bloatwares! Marami pa tayong i-uuninstall, kailangan pa nating linisin. Alam niyo yun? May Extra step ka pang gagawin para lang lumuwag-luwag yung storage.
At after ko mag install ng Asphalt 9 at AnTuTu, gaya ng makikita niyo diyan sa picture, 8GB na lang yung natitirang storage. Pero ang maganda naman dito sa narzo 50i Prime, pwede tayo maglagay ng up to 1TB na SD card.
Napatakbo naman niya ng maayos yung Asphalt 9, yung frame drops na naexperience ko dito sa phone na’to ay hindi naman ganun ka lala, minor lang, to the point na baka hindi mo na din mapansin.
Pagdating naman sa graphics, hindi din sobrang lala, hindi sagad na potato quality yung ibinigay nyang graphics sa’tin. Nakaka-bilib! Para sa ganitong phone na almost puno na yung storage tapos 3GB lang yung RAM pero kinaya pa’rin niya yung ganito kabigat na game. Ang isa sa mga dahilan kung bakit maganda yung performance nitong narzo 50i Prime kahit pa sobrang baba ng specs niya ay dahil sa realme UI R Edition para siyang Android (Go edition), kaya sobrang gaan lang talaga ng mga tumatakbong process sa background.
BATTERY LIFE
5000mAh yung kanyang battery capacity at 10W naman yung charging speed, at capable siya sa reverse charging.
Medyo natawa lang ako sa website ng realme kase nilagay pa talaga nilang fast charging yung 10W, hindi na po fast charging yan ngayong 2022. At dahil quick review lang ‘to guys hindi na’ko nakakuha ng SOT (Screen on Time) at di ko na’rin na-test yung kanyang charging speed, pero asahan niyo na dahil sobrang gaan lang nung UI niya which is realme UI R Edition tapos malaki pa yung kaniyang battery capacity, makakaasa kayo na matagal talaga malow-bat yung phone na’to, kaya siguradong malaki ang makukuha nating SOT. Pero pagdating sa charging, asahan niyo din na hindi siya ganun kabilis, malamang na umabot nang dalawang oras o higit pa yung kanyang charging speed.
CAMERA
Yung single camera niya sa likod ay 8MP f/2.0, tapos yung selfie camera naman niya ay 5MP f/2.2.
Yung mga photos na nakunan ko ay kasing level ng presyo niya, kung magkano ‘to parang ganun din yung quality ng mga photos, kase minsan sharp minsan hindi, merong hindi nakafocus dun sa subject, at medyo mabagal talaga yung shutter ng phone na’to kaya kailangan talaga naka-steady yung subject na kinukunan natin pati narin yung kamay natin. At kahit yung 1080p 30FPS na video nitong narzo 5i Prime, soft na talaga yung quality.
VERDICT
Meron akong apat na nakitang cons dito sa phone na’to.
CONS |
Una, 2.4GHz WiFi connection lang yung kaya niya, bad news ‘to para sa mga nag vi-video conference palagi, medyo delikado kayo sa phone na’to kase makakaranas talaga kayo ng mga lag. |
Pangalawa, Yung viewing angles ng kanyang display, pag nakaharap sa’tin yung display okay naman pero medyo dumidilim siya kapag naka-tilt yung phone. |
Pangatlo, Wala siyang fingerprint scanner. |
Pang-apat, Napakadami niyang bloatwares out of the box. |
Pero overall, kung gusto niyo ng back-up phone or kung gusto niyong bigyan yung anak n’yo o lolo’t lola n’yo ng phone, dahil naguumpisa palang sila matuto sa paggamit ng android phone, perfect ‘tong narzo 50i Prime. Hindi sila mahihirapang gamitin yung phone na’to.
Sana nakatulong ang article na ito sa inyo! Pwede rin ninyong bisitahin ang aming YOUTUBE CHANNEL at agad na mag-subscribe para ma-update kayo sa samu’t-sari pang unboxing and reviews na aming gagawin, dito lang yan sa SULIT TECH REVIEWS!