For straight 2 weeks, itong Xiaomi 13T Pro ang ginawa kong daily driver kaya maibibigay ko na ngayon ang in-depth full review ko dito. Pero kung hindi nyo pa napanood ang unboxing at first impressions ko dito sa Xiaomi 13T Pro, pwede niyo muna panoorin ang video na ito:
Spoiler alert: Sobrang sulit nitong 13T Pro!
CAMERA
Sa totoo lang, hindi ko alam pano uumpisahan yung part na ‘to dahil para sa presyo, superb talaga sa almost lahat ng condition ang camera nitong 13T Pro. Sige, breakdown muna ng camera specs.
Very realistic yung color reproduction ng camera at malaking factor dyan yung Leica lenses. Isa pa sa talagang kinabiliban ko lalo outdoor photos ay yung dynamic range niya. Almost lahat ng camera sa price segment na ito, magiging blown-out na ang langit, pero kahit nasa likod na yung langit at tirik na araw, walang nawalang details. Pumunta pa ako sa likod ng puno, expecting na sasabog ung exposure ng building sa background, pero hindi! Grabe gulat ko dyan!
Sa indoor shots, pasadong-pasado din yung 13T Pro, wala pa ring na-compromised na details – almost. Kahit pa sa low light conditions, nakaka-impress din yung output na ibibgay sa atin.
Pero as a content creator na naka-LOG yung color profile sa camera, sobrang laking puntos sa’kin na pwede tayong makapag-shoot dito ng 10-bit LOG 4K 30fps sa Pro Mode! Punta ka lang sa camera application, i-select mo yung pro mode, at pagkatapos ay i-swipe pababa ang screen para ma-activate na yung LOG. Automatic na iyan mapupunta sa 30fps. Napakalaking tulong nito kasi may peace of mind ako na kahit paano ay mas magiging pantay ang color profile na ia-apply ko sa mga videos ko kung gagamitin ko itong 13T Pro. Ang even selfie videos, pwede ding naka-LOG!
Naging possible ang magandang low light photos na ito sa 13T Pro dahil na rin sa chipset nito na MediaTek Dimensity 9200+. Meron itong Imagiq 890 na sakto sa mga RGBW sensors na meron din sa 13T Pro. Itong Imagiq ng Mediatek ay merong AI-ISP support sa RGBW sensors. Madadagdagan ng up to 30% improvement ang light sensitivity at magiging mas accurate ang mga HDR photos. Mas maraming details sa texture ang photos at mas magiging mas maganda ang low light images.
PERFORMANCE
Meron itong Mediatek Dimensity 9200+ Flagship SoC. Gawa ito sa TSMC 4nm process kaya alam mong maasahan itong chipset na ito. Meron din itong billions of mass-integrated transistors kaya powerful talaga, pero reduced ang power consumption compared sa ibang flagship chipset kahit pa very demanding yung games na laruin natin dito.
Nandito din ang first-ever Arm Immortalis-G715 GPU at world’s fastest LPDDR5X memory na exclusively supported ng Dimensity 9200+. Tapos naka-UFS 4.0 pa itong 13T Pro. Talagang napakabilis ng performance nito sa lahat ng scenarios.
Pagdating sa Antutu Score, ang pinakamataas na nakuha natin ay 1,528,829. Sobrang taas nyan. Kaya mae-expect natin na kahit ano pang games or applications ang ibato natin sa phone na ito ay kakayanin niya talaga.
Meron din ‘tong EnergySmart Screen 2.0 kaya may 10% display enhancement ito, again, compared sa competitor.
Pagdating sa connectivity, naka-WiFi 7 na tayo dito at may 5G mmWave, kaya yung internet natin palaging mabilis.
Pagdating sa gaming, mage-excel talaga itong Dimesity 9200+ dahil na din sa meron itong Variable Rate Shading (VRS) kung saan mas optimized yung gaming performance at graphics dahil ina-adjust na ng Dimensity 9200+ yung render quality. Mas mataas din ang FPS natin sa mga gameplay dahil sa Frame Rate Smoother 2.0.
DISPLAY
Meron itong 144Hz CrystalRes AMOLED Display. Disclaimer lang, ang 144Hz ay mae-experience sa mga games. Pero sa UI or sa normal usage natin ay up to 120Hz lang.
Grabehan din yung display ng 13T Pro. Talagang flagship na flagship yung quality at kulay. Ito nga pala yung 13T Pro nung hindi ko pa nalalagyan ng matte tempered glass.
Ngayon, kung pag-uusapan yung behavior ng Refresh Rate, yung Dimensity 9200+ ay merong MediaTek Intelligent Display Sync 3.0 kaya mabilis na nakakapag-adjust yung display depende sa kung ano yung gngawa natin. Makikita nyo na from 120Hz mabilis bababa to 60Hz kapag wala nang nadedetect na activity. Yung 144Hz naman ay maa-activate sa games. Kaya sobrang smooth at flawless ng UI experience dito sa 13T Pro. Tapos plus points pa sakin na hindi curved yung display natin dito.
Ito pa ang other specs ng Display ng 13T Pro:
- 480Hz Touch Sampling Rate
- 2600 nits peak brightness
- Dolby Vision / HDR10+
- DCI-P3
- Corning Gorilla Glass 5
BATTERY
Meron itong 5000mAh na battery na capable sa 120W HyperCharge – ganon ito kabilis ma-charge! Sa test na ginawa ko, from 16% to 100%, 23 minutes lang ang inabot.
Usually, tumatagal sa akin ito ng 1.5 days kung naka WiFi at data ako. Pero kung nasa bahay lang ako at naka WiFi lang, 2 days ang tinatagal sa akin ng isang charge.
VERDICT
Satisfied ako sa phone na ito at hindi ako magdadalawang-isip na irecommend ito sa mga naghahanap ng flagship level phone na less than 40k. Kung may mga downsides man akong nakita, sobrang minimal lang na hindi ko na napansin after ilang days ng paggamit.
Sulit ito para sa presyo at highly recommended. Kung gusto niyo bumili nito, pede nyo i-click ang link na ito: https://invol.co/cljxpzwÂ