Price
Ang paguusapan nating Xiaomi Redmi A3 ngayon ay Php3,399 lang kung 3/64GB na variant ang pipiliin natin. Pero if ever na gusto natin ng 4/128GB, Php3,999 naman. Kahit alin pa diyan ang piliin natin ay sobrang mura talaga ng phone na ito. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili. Pero bago mo bilhin ay basahin mo muna ang article na ito dahil ang dami kong nakitang red flag dito sa Redmi A3. Tamang-tama nakapula ang box.
Unboxing
Maganda ang pagkaka-package ng store sa Redmi A3. Balot na balot at may fragile na tape. Yung box ng unit ay naka-bubble wrap pa sa loob ng brown na box kaya may additional protection sa delivery.
Ang box ng Redmi A3 ay may red accent at may ilang top specs sa bawat side. Pag-open, una nating makikita ang A3 na nakabalot sa printed plastic. Ang ganda ng Redmi A3 at napaka-premium ng itsura ng phone. Yung likod nito ay leather ang feels at malaki ang camera module kaya aakalain mo talaga na camera centric ang phone na ito. Sa ilalim ng box ay may USB cable, 10W na charger, at documentation sa pinakailalim. Yung specs nitong Redmi A3 ay kaparehong-kapareho nito yung POCO C61. Sana ma-review natin ito pero focus muna tayo dito sa Redmi A3.
Design
Kagaya ng nasabi ko kanina, ang ganda talaga ng itsura ng phone na ito. Pero if ever na ayaw natin ng Green, meron itong Black at Blue. Ang ganda rin ng design ng camera module nito, mayroong mga hindi gusto yung ganitong camera module pero nakadagdag talaga sa pagigiging premium ng phone yung design. Unang tingin ay aakalain mo na ang phone ay nasa Php10,000+ ang presyo.
Sa taas ay makikita natin ang speaker at headphone jack. Sa right side naman ay may volume up and down buttons at fingerprint scanner na power lock button na rin. Sa left side naman makikita ang SIM tray. Sa ilalim naman makikita ang main mic at USB-C port. Kumpleto naman ang SIM tray natin at pwede natin salpakan ng micro-SD card + 2 SIM.
Dati, kapag bibili tayo ng Android phone na ganito ang presyo ay usually supported nitong Wi-Fi connection ay 2.4GHz. Pero good news dahil itong Redmi A3 ay may 5GHz na Wi-Fi connection. Mabilis ang magiging Wi-Fi connection natin dito. Yung feels ng haptics ay very basic kaya kung ako sa inyo ay i-off niyo na lang. Pagdating naman sa quality ng single firing speaker, okay naman at sapat naman ang lakas pero hindi ganun kaganda yung tunog. Medyo weird para sa akin na sa taas ng phone nila ito nilagay dahil kapag nag-landscape mode ay matatakapan natin ang speaker. Dapat na nakabaliktad ang pag-landscape mode natin kaya medyo maga-adjust tayo ng kaunti para hindi natin matakapan ang speaker.
Pagdatin naman sa fingerprint scanner ay maaasahan naman natin ito. Wala namang fancy na animation kapag nagu-unlock tayo. Most of the time ay mabilis at reliable naman, kaunting dampi ay mau-unlock naman ang phone.
Display
Meron itong 6.71″, HD+ or 720p display, 90Hz ang max refresh rate, 268 naman ang ppi, aabot ng 500 nits ang peak brightness, at protected ito ng Corning Gorilla Glass 3. Yun lang ay wala itong pre-installed na screen protector at wala ring jelly case na kasama sa box kaya marami tayong bibilhin agad na accessory para sa phone.
Pagdating sa quality ng display, sa ibang mga phone na na-review ko na 720p ang resolution pero sa unang tingin ay parang 1080p. Pero itong Redmi A3, sa unang tingin ay alam mo na agad na 720p kaya hindi ganun kaganda yung quality ng display na makukuha natin sa phone. Pwede naman ito sa mga videos sa YouTube pero hindi ganun ka-sharp ang quality. Wala rin itong kahit anong option sa display settings para matimpla ang color temperature. Meron lang itong Outdoor Mode para mas madaling makita outside. Meron din itong dalawang option para sa refresh rate: 60Hz at 90Hz.
Kapag naka-select tayo sa 90Hz ay naka-fix lang ito kahit hindi na ginagalaw ang display. Medyo nakakalungkot dahil matakaw ito sa battery. Ang Widevine Security Level nito ay Level 3 lang kaya hindi tayo makakapag-play ng kahit HD content or 720p, Standard Definition lang. Itong phone na ito ay hindi ko ma-recommend for media consumption.
Performance
Naka-Android 14 na ito out of the box, Helio G36 chipset, 3/4GB na LPDDR4X ang RAM, at 128GB na eMMC 5.1 ang storage. In fairness naman para sa presyo ay napaka-generous ng 128GB na storage. Plus, pwede rin tayo magsalpak ng micro-SD card kaya makakapag-store tayo ng madami-daming images or files.
Pero yung performance nito, isa ito sa pinakamabagal na phone na nahawakan ko. Pang-basic use lang talaga ito, which is yun naman talaga ang purpose kung bakit ganito lang ang specs na binigay sa atin ng Xiaomi. At kaya mura ang phone ay for basic usage lang talaga, for Facebook, Instagram, Messenger, text at SMS. Pwedeng-pwede ito sa mga tao na for basic usage lang o social media lang ang ginagamit na apps. Huwag pa rin natin i-expect na magiging smooth ang performance natin. Kahit ang pagkuha lang ng Antutu score ay hindi ko nagawa sa phone dahil talagang nagka-crash ang Antutu ng ilang beses. Siguro 4x kong inulit ang pagkuha ng score pero talagang nagca-crash ito.
Kapag 99% na ang Antutu test ay lalabas ang Not responding na error. Ilang beses ko itong inulit-ulit at in-off ko yung memory extension, ni-restart ko, i-turn off ko at lahat-lahat na pero ganun pa rin at hindi nito mapatakbo kahit man lang yung Antutu. Light version ng Antutu ang ginamit ko at automatic naman ito ido-download ng Antutu kapag na-detect nitong mababa ang specs ng phone. Kahit ang 3DMark ay hindi rin talaga nagamit at hindi ako nakakuha ng result dahil wala itong mado-download na Wild Life Stress Test.
Pagdating sa usage ng phone ay very basic lang ang dapat nating asahan. isang complain ko lang siguro sa Redmi A3 ay hindi man lang GO edition ng Android yung ginamit nila. Ambigat talaga ng feel kapag ginagamit ang phone. Actually, hindi ko ito ma-recommend as secondary phone. For example, meron kang mid-range or flagship phone na gusto mo partneran ng isang basic phone for secondary use. Hindi ko ito ma-recommend dahil mafe-feel mo talaga yung napakalaking difference ng dalawa pagdating sa performance. Mafu-frustrate ka lang kapag ginagamit mo ay medyo mabilis na phone as main at gagamit ka nito as secondary.
Camera
Ang main camera nito ay 8MP at may partner itong Auxiliary camera na 0.08MP. Ang selfie camera naman nito ay 5MP.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshot:
In fairness naman, 1080p/30fps ang pinakasagad na video recording na makukuha natin sa selfie camera nitong Redmi A3. Not bad for the quality, okay na okay naman. Medyo maputla lang tayo pero hindi dapat tayo mag-expect para sa ganitong presyo. Pero at least, kaya nitong mag-record ng 1080p dahil ang ibang mga phone ay 780p lang ang kaya.
Battery
Meron itong 5000mAh na capacity at capable sa 10W na charging. Wala akong mabibigay na idea pagdating sa battery consumption dahil ang Wild Life Stress Test ay hindi talaga gumana. Ang mabibigay ko ay ang charging speed.
Conclusion
Yan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa Redmi A3. Napakamura ng phone na ito at nagustuhan ko dito yung itsura. Ang ganda ng design ng phone na ito, napakasoysal ng itsura at hindi mo aakalain na ganun ka-mura ang phone. Pero sa performance, hindi ko kasi masabi na dapat ganito na ang performance para sa presyo or medyo tinipid tayo ng Xiaomi. Kagaya ng nasabi ko kanina, ang tanging marereklamo ko sa phone ay hindi GO edition yung binigay sa atin. Para mas magaan sana yung feels kapag ginagamit natin, mas smooth sana yung scrolling, hindi ganun kabagal. Pero dahil normal na Android 14 yung ginamit ay damang-dama mo yung mabagal na performance. Paano pa kaya kapag 3GB na variant yung pinili natin, baka mas mabagal pa iyun.
I recommend, kung talagang gusto niyo bilhin yung phone na ito ay dun kayo sa 4GB na RAM. Meron naman itong memory extension na additional 4GB, so technically, magiging 8GB ang RAM nito. Mare-recommend ko ba itong Redmi A3 para sa mga naghahanap ng basic phone? Para sa mga sobrang basic yung gagawin sa isang phone, messenger, YouTube, at hindi magii-store ng madaming files ay pwede naman. Pero kung magi-install ka ng madaming apps at sasabayan ng madaming files ay baka magkulang ito sayo, bili ka ng micro-SD card. Pero hindi ko mare-recommend na gumamit kayo ng madaming apps or mabibigat na apps dahil magkakaproblema tayo sa 4GB na RAM.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clle3bj
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: