Hindi lang itong bagong tablet ng Xiaomi ang ia-unbox natin, pati na rin ‘yung Folio Case, Smart Keyboard at Smart Pen. At dahil more than 2 weeks ng nasa akin itong Xiaomi Pad 6, marami akong ishe-share na sarili kong experience – kung okay ba ang display, performance, battery life at speaker. Mas maganda kung tapusin niyo muna itong article na ‘to para magkaroon kayo ng idea bago niyo bilhin itong Xiaomi Pad 6.
UNBOXING
Makikita sa box ang Xiaomi Pad 6 na branding sa gitna. Ang andito sa atin ngayon ay ang Gravity Gray na color na may 8/128GB na variant. Pag-open ng box, agad-agad na makikita ang Xiaomi Pad 6 na nakabalot sa parang tela na may nakalagay na top specs. Sobrang simple lang talaga ng likod nitong Xiaomi Pad 6, matte finished siya at ang camera module niya ay same sa design ng Xiaomi 13 Series na nasa iisang island lang at glossy. Sa loob ng box, meron din itong documentation, charging cable at 33W na charging break.
Dito naman tayo sa folio case. May pagka-leather ‘yung feel ng texture niya sa harap at mas soft naman ang texture niya sa loob. Ang gagawin lang ay ipapatong ang Xiaomi Pad 6 sa loob kasi may magnet na siya. Sobrang tibay ng magnet nito kaya hindi agad matatanggal. Sa likod ng folio case, meron itong nakalagay na Xiaomi branding. ‘Yun nga lang, kailangan niyo lang tandaan na ‘yung mga gilid niya ay exposed talaga.
DESIGN
Kapag naka-landscape mode, makikita sa taas ang volume up and down button, dalawang microphone at magnet para sa Smart Pen. Sa left side naman makikita ang powerlock button, dalawang speakers at branding ng Dolby Vision Dolby Atmos. Sa may right side naman, meron ulit microphone, USB-C port at dalawang speaker. Wala namang makikitang kahit na ano sa ilalim. Sa harap, mapapansin naman na sobrang proportioned ng mga bezel niya kaya ang ganda niyang tignan. Tapos, sa may gilid kapag naka-portrait mode ay makikita ang selfie camera.
Take note lang, kapag bumili kayo nitong Xiaomi Pad 6, wala itong fingerprint scanner. Ang tanging paraan para ma-unlock itong Pad 6 ay PIN, Password or Face Unlock.
Ngayon, kung pag-uusapan naman ang quad speaker nitong Xiaomi Pad 6, ay talaga namang malakas! Ang ganda niya ang crispy ng tunog at mukha siyang may maliit na bluetooth speakers. Ibig sabihin, malakas, malinaw at sobrang ganda.
DISPLAY
Meron itong 11″ IPS LCD 1800 x 2880 resolution, 1B colors ang kayang i-produce ng display nito, 309ppi, compatible siya sa HDR10 Dolby Vision at protected pa ng Corning Gorilla Glass 3. Kaya talagang flagship specs ang display nitong Xiaomi Pad 6 at maaasahan natin na sobrang ganda ng color reproduction niya.
Kahit lagyan mo pa siya ng matte na tempered glass, hindi na-compromise ang quality ng display niya. Same pa din ang colors niya sa glossy o walang tempered glass.
Meron lang itong isang problema. ‘Yung kanyang Widevine Security Level ay Level 3 lang. Pati sa Netflix application ay Standard Definition ang ang Maximum Playback Resolution niya. Kaya, hindi natin ma-u-utilize ang napakagandang display nitong Xiaomi Pad 6. Sana ma-fix ito ng Xiaomi sa mga susunod na software updates. Naisipan kong i-restart itong Xiaomi Pad 6 at naging Level 1 ang DRM Info niya pero hindi pa din nagbago sa Netflix.
SMART KEYBOARD
Pagka-open ng box, makikita ang Smart Keyboard na nakabalot din sa tela tulad ng Pad 6. Almost same ang texture niya sa folio case which is good kasi meron silang consistency. Komportable ako sa pag-type dito sa Smart Keyboard niya kasi nakakuha ako ng 54wpm sa typing test.
SMART PEN
Remember, 2nd Generation na itong Smart Pen. Ang kaibahan nito at sobrang tagal ng battery life niya kasi aabot siya ng 150 hours sa isang charge lang. Matte-finished din siya, napaka-ergonomic ng design niya at napakadali niyang i-grip.
Bago natin ito gamitin, kailangan muna itong i-connect sa taas kapag naka-landscape mode. May lalabas sa screen na Tap to Connect tapos hintayin lang natin siya ma-connect. Kung gusto natin mag-screenshot, press and hold lang natin siya sa screen. Tapos, okay na okay din ang palm rejection niya.
PERFORMANCE
Itong Xiaomi Pad 6 ay naka-Android 13 na out of the box, MIUI14, Snapdragon 870 5G ang chipset, mamimili tayo kung 6/8GB RAM at mamimili din tayo kung 128/256 internal storage.
Para doon sa mga curious, yes, meron itong Memory Extension na up to 5GB. Pero katulad ng paulit-ulit kong pinapaalala, huwag niyo itong gagamitin kung hindi naman kailangan.
Pagdating naman sa Antutu Score, ito ang pinakamataas na score na nakuha natin so far – 785679. Napakagandang score niyan para sa isang tablet! At kahit ano pang application at games ang i-open ko dito sa Xiaomi Pad 6, kayang-kaya niya.
Maganda din ang behavior ng refresh rate niya. Kapag ginagalaw ang screen, naka-120Hz siya pero the time na hindi na natin siya ginagalaw, ang bilis niya bumaba to 60Hz. At madalas, bumababa pa siya to 50Hz kaya tipid siya talaga sa battery.
Sa Real Racing 3, compatible na compatible siya sa high refresh rate gaming itong Pad 6 kasi naka-144Hz siya. Same na same din sa Monoposto, feel na feel mong naka 144Hz siya kasi napaka-smooth niya at lahat ng graphics ay na-generate niya ng maayos kahit na sobrang bigat ng game na ito. Sa Asphalt 9 naman, bukod sa na-generate niya lahat ng graphics, compatible pa siya sa 60fps na game play.
BATTERY
Sa result ng Wild Life Stress Test, from 29 degrees, umabot lang ito ng 35 degrees kahit na sobrang tagal ng test at walang na-generate na alarming heat.
Meron itong 8840mAh battery capacity at capable sa 33W fast charging. Wala akong maipapakitang SOT sa inyo kasi pagkabukas na pagkabukas ko nitong Xiaomi Pad 6 ay ginamit ko na siya agad. At masasabi ko sa inyo with confidence na kaya nitong umabot ng 2 and a half days. Napakaganda ng battery life ng tablet na to!
CAMERA
Sa selfie video recording, 1080p 30fps ang pinakasagad na resolution nito. Ang ganda ng quality niya kahit na hindi pang 4K ang quality.
Iyan na lahat ang gusto kong i-share sa tablet na ‘to. Nagustuhan ko talaga siya lalo na ang display. ‘Yun nga lang, may nakita tayong isang problema niya which is Level 3 lang ang Widevine Security Level niya at SD lang ang pwedeng ma-play sa Netflix. Sana ma-fix iyan ng Xiaomi sa mga susunod na software updates kasi sayang talaga ang display. Kung may tanong pa kayo sa tablet na ‘to, comment niyo lang diyan sa baba.
Kung gusto niyong mabili itong Xiaomi Pad 6, click niyo lang ang link na ‘to:
Lazada – https://invol.co/clijws7
Shopee – https://invol.co/clijwsp