Pag-uusapan natin ngayon itong Xiaomi 13T Pro. Mga ilang days ko na din ginagamit ito kaya gusto kong ibigay ang first impressions ko dito sa phone na ‘to at unboxing experience. Ang official price nito ay PHP26,999 na may 12/256GB, PHP37,999 na may 12/512GB at PHP39,999 na may 16GB/1TB na variant. Itong Xiaomi 13T Pro ay co-engineered ng Leica ang mga camera nito kaya abangan niyo ang full review ko dito after ng ilang weeks.
UNBOXING
White lang ang box nito na may Xiaomi 13T Pro na text sa harap. Ang nandito sa atin ngayon ay color Black na may 12/512GB na variant. Pagbukas ng box, ang bubungad ay document sleeve na may sim ejector pin, documentation at jelly case. Tapos, makikita na ang Xiaomi 13T Pro na nakabalot sa printed paper na may top specs na nakasulat. Grabe sa pagka-glossy nitong Xiaomi 13T Pro, sobrang reflective talaga. Sa ilalim ng box, meron pa itong USB-C to USB-A cable at 12W charging break.
DESIGN
Kagaya ng nabasa niyo kanina, grabe sa pagka-glossy at fingerprint magnet nitong Black. Pero kung hindi niyo gusto ang ganitong kulay, meron pa kayong dalawang option: Meadow Green at Alphine Blue. ‘Yung Black at Meadow Green ay parehas glass ang likod na protected ng Corning Gorilla Glass 5 kaya hindi tayo masyadong mag-aalala kung mabilis siya magasgasan. Pero siyempre kapitin talaga siya ng fingerprints at smudges. Kung ayaw niyo ng ganyan, piliin niyo ang Alphine Blue na matte-finished at mas magaan ng 6g. Ang tawag ng Xiaomi sa likod ng Alphine Blue ay BioComfort Vegan Leather na ang ibig sabihin ay hindi madaling magasgas at hindi kapitin ng dumi at smudges. Kung anuman ang piliin niyo, ang lahat ng Xiaomi 13T series ay may IP68 water and dust resistant.
Meron itong dual speakers na Dolby Atmos. Ang ganda ng tunog niya! Hindi ako nabitin sa maximum volume, hindi muffled at hindi basag ang tunog niya. Masarap talaga siyang gamitin sa mga video consumption at games. Ang nagustuhan ko talaga sa speakers niya ay ‘yung kanyang placement kasi hindi siya natatakpan kapag naglalaro or nanonood tayo.
DISPLAY
Naglalaro sa 1080p at 2K ang display kasi ang resolution nito ay 2712×1220. Either way, mas high quality talaga ang kanyang display compared sa mga Full HD lang na phones. Maliban diyan, DCI-P3 na ang color coverage nito at flat ang display. Pagkatapos 68B colors ang kayang i-produce nito at meron itong 144Hz maximum refresh rate. Abangan niyo ang Full Review ko dito kasi oobserbahan ko pa ang behavior ng kanyang refresh rate.
PERFORMANCE
Dimensity 9200+ ang chipset na nilagay nila dito, LPDDR5X ang RAM at UFS 4.0 ang storage type. Talagang matindi! Sinabi din sa launching ng Xiaomi 13T series na meron itong 4 years of Android updates at 5 years Security Patches. Base din sa reasearch ko, ang Dimensity 9200+ ay close na close pagdating sa performance ng Snapdragon 8+ Gen 2 kaya talagang flagship na performance ang mae-experience natin sa phone na ‘to. Example lang ng Antutu Score na nakuha ko dito ay 1455049. Abangan niyo sa Full Review kung anong setting iyan.
CAMERA
Meron itong 24mm Leica main camera na 50MP, 50mm Leica Telephoto na 50MP din pero 2x optical at 15mm Leica Ultrawide na 12MP. Based sa launching nitong Xiaomi 13T ay marami tayong pwedeng magawa sa camera system nito. Ang pinaka nagustuhan ko ay pwede tayong mag-capture ng photos at pwede nating i-edit sa Lightroom at sa iba pang mabibigat na photo editing software. Pagdating sa video, pwede tayong mag-shoot dito ng 4K 30fps na 10 bit lag. Malaking tulong iyan sa mga content creator at video professionals dahil pwede tayong makapag-shoot ng professional videos gamit lang ang camera nito. Ito ang mga sample photos:
BATTERY
5000mAh ang battery capacity nito na capable sa 120W na charging at kasama na din ang charging break sa box. Abangan niyo sa Full Review ang nakuha kong SOT sa PC Mark at ang real life usage ko na SOT.
Iyon na muna lahat ang gusto kong i-share dito sa Xiaomi 13T Pro. So far, tuwang-tuwa ako sa phone na ‘to. Talagang hindi ako nabitin! Although ‘yung zoom niya ay hindi kagaya ng zoom na naeexperience natin sa ibang flagship phones. Pero ‘yung camera capbilities nito ay talagang flagship talaga!
Kung meron pa kayong tanong o gusto niyong maisama sa Full Review, comment lang kayo diyan sa baba.