Naghahanap ba kayo ng phone na less than PHP40,000 pesos pero flagship na ang specs? Saktong-sakto sa’yo itong Xiaomi 12T Pro na worth PHP37,999. Usually ang mga flagship phone sa ngayon ay nasa PHP40,000 o kaya minsan lalagpas pa ng PHP50,000. Pero itong Xiaomi 12T ay hindi man lang umabot ng PHP40,000. Ang pag-uusapan nating unit ay ang 12/256GB at gusto kong i-share sa inyo ang 1 month of usage ko dito para makita niyo ang mga pros and cons, camera, display, performance, battery life at marami pang iba.
UNBOXING
Same pa din ang design ng box ng Xiaomi, white pa din siya. Meron lang nakasulat na malaking 12, Xiaomi 12T Pro at 200MP Ultimate Camera na text sa harap. Pag-open natin, makikita natin ang document sleeve na may sim ejector, documentaion at jelly case sa loob. Sa loob pa ng box, makikita din ang Xiaomi 12T Pro unit na nakabalot sa plastic at may nakasulat na top specs. Maliban sa color black, meron din itong color Blue at Silver. Maganda naman ang color black kasi matte finish siya, hindi siya kapitin ng smudges at fingerprints. Hindi lang ganun ka-stand out yung itsura compared sa mga flagship phones sa ngayon. Well, para sa akin, hindi naman required na palaging maganda ang itsura ng mga flagship phone. Mas simple, mas malinis tignan! Sa ilalim ng box, makikita natin ang 120W na HyperCharger at USB-C to USB-A cable.
Sa taas, makikita natin ang IR Blaster at Harman Kardon na branding at secondary speaker. Sa may baba, andito naman ang USB-C port, main microphone, main speaker at sim tray na dual sim lang at walang lalagyanan ng micro SD Card. Sa may right side, makikita naman ang volume up and down button at powerlock button. Wala naman tayong makikita sa may left side na kahit na anong button. Sa harap, andito naman ang punch hole selfie camera sa may gitna. Hindi masyadong makapal ang puch hole selfie camera niya unlike sa ibang mga phone na may AMOLED Display na makakapal. Meron na din tayong pre-installed dito na screen protector.
Isa pa sa na-appreciate ko dito ay hindi nila ginawang curve ang gilid ng kanyang display kaya mas masarap siya gamitin at hindi feeling fragile yung phone mo. Isa din sa maganda dito sa Xiaomi 12T Pro ay yung kanyang haptics. Flagship phone talaga! Ang sarap niya gamitin at ang sarap mag-type.
SPEAKERS
Na-appreciate ko din ang speaker ng phone na ‘to kasi maliban sa malakas, immersive siya, maganda ang quality, may separation talaga ang left and right na speaker, hindi sabog at hindi ako nabitin sa maximum volume niya.
DISPLAY
Meron itong 6.67″ Crystalres AMOLED, 1220 x 2712 resolution, 120Hz ang maximum refresh rate at 446dpi. Yes, 1220P ang resolution nitong Xiaomi 12T Pro kaya ang crispy ng display. Tamang-tama yung pinangalan ng Xiaomi dito na Crystalres kasi sobrang clear talaga at hindi siya katulad ng nakasanayan nating 1080P. Ang maganda pa diyan, sabi ng Xiaomi, kahit 1220P ang resolution nitong Xiaomi 12T Pro, same pa din ang consumption kung ikukumpara natin sa 1080P.
Maliban sa Dolby Vision, wala na tayong makikitang difference sa display nitong Xiaomi 12T Pro kung ikukumpara natin sa display ng Xiaomi 12T. Meron itong 900nits peak brightness, protected ng Corning Gorilla Glass 5, 12-bit ang color (68 billion color) at HDR10+. Kung titignan natin ang kanyang DRM info, makikita natin na ang Widevine Security Level niya at Level 1. So makakapanood tayo dito ng mga HD content sa mga streaming services.
Pagdating sa display settings, meron tayong Vivid, Saturated at Original Color na mga color scheme at pwede ding ma-adjust ‘yung kanyang color temperature.
Pagdating sa refresh rate, naka-set na siya sa Default. So ibig sabihin, adaptive ang kanyang refresh rate. From 120Hz, pwede siyang bumaba to 30Hz. Pero if ever na gusto natin siyang i-fix sa 120Hz or 60Hz, pwede nating i-select ang Custom. Kapag walang activity na ginagawa sa Xiaomi 12T, kusa siyang bababa sa 60Hz pero kapag nilock natin siya at pinalitaw ang fingerprint icon, magiging 30Hz naman siya.
PERFORMANCE
Naka-MIUI 13 na tayo dito out of the box, Android 12, Snapdragon 8+ Gen 1 chipset, 8/12GB RAM at 256GB storage. Kapag naka-default ang refresh rate, umabot tayo ng 1,051,814 Antutu Score. If ever na gusto natin siyang i-lock to 60Hz, naging1,065,540 na ang Antutu Score.
Gusto ko din sanang ipakita sa inyo ang Stability Score lalo na pagdating sa Thermals gamit ang Wildlife Stress Test, kaso may bad news. Hindi niya natapos ang Wildlife Stress Test dahil nag-overheat na siya. Kaya para sa mga nagpaplanong gamitin itong Xiaomi 12T sa mga heavy games, okay lang naman at kaya siya ng phone pero mabibigo lang kayo sa Thermals nitong Xiaomi 12T. Ilang beses kong inulit itong Wildlife Stress test pero same lang ang nangyayari. Actually, sa Antutu pa lang, umabot na siya ng 47.8°C ang temperature. Usually, umaabot lang sa 30-41°C ang mga phone na nirereview ko. Pero dito, ang lala dahil umabot siya ng 47.8°C, so talagang alarming!
Pero ang good news naman dito sa Xiaomi 12T ay pagdating sa gaming, talagang umaabot tayo sa 120Hz dito sa Real Racing 3. Ibig sabihin, compatible sa high refresh rate gaming itong Xiaomi 12T Pro.
CAMERA
Sa camera department naman, meron tayong 200MP, f/1.7 main shooter na may OIS o Optical Image Stabilization na naka-Samsung HP1 sensor. Meron ding Ultrawide na 8MP na naka-Samsung S5K4H7 ISOCELL na sensor, 2MP, f/2.4 Macro Lens, at selfie camera na may 20MP, f/2.2 na naka-Sony IMX596 sensor. Very effective ang 200MP nitong Xiaomi 12T Pro, maliban sa kulay na hindi 100% accurate. Detailed, sharp at maganda ang dynamic range nitong phone na ‘to. Pwede din nating ma-zoom ang photos from Ultrawide hanggang 2x na digital zoom. Quality wise, walang problema. Meron lang siguro tayong difference na makikita sa color temperature ng main camera to ultrawide kasi warm na yung mga photo sa Ultrawide samantalang cool naman sa Main Camera. Kahit sa low light conditions, very usable pa din ang mga photo natin lalo na kung tinurn on natin ang night mode.
Hanggang 4K 30fps lang ang mga sample video natin pero hanggang 8K video recording ang kaya nitong 12T Pro. Stable na din by default itong 4K 30fps pero kung gusto mo pang madagdagan ang stabilization, pwede mong i-enable ang Steady Video pero magda-down scale siya to 1080p 30fps. Nakaka-disappoint lang ang selfie video kasi hanggang 1080p lang. Meron tayo ditong EIS o Electronic Image Stabilization by default pero may shaky effect pa din kaya di ko masasabing smooth ang selfie video.
BATTERY
Meron itong 5000mAh capacity which is very good kasi bihira ko lang yan makita sa mga flagship phone tapos compatible pa sa 120W na HyperCharge ng Xiaomi. Kapag naka-default ang refresh rate, umabot siya ng 12 hours and 11 minutes ang SOT. Ito pa ang good news, kapag naka-60Hz tayo na refresh rate, umabot ng 17 hours and 17 minutes, talagang very impressive! Pagdating sa charging time, inabot lang tayo ng 22 minutes from 17%-100%.
So based sa mga nabasa niyo, para sa inyo, sulit ba itong Xiaomi 12T Pro para sa presyo niya? Comment kayo jan sa baba.
Kung ako ang tatanungin, sulit siya. Pero gusto kong sabihin din sa inyo ang ilang mga cons na pwede niyong i-consider bago ninyo siya bilhin:
- Overheating – hindi niyo ito advisable na gamitin sa mga heavy games, matagal na photoshoot o video recording.
- Corning Gorilla Glass 5 – maganda pa din naman ang CGG5 pero nagdowngrade siya kasi Corning Gorilla Glass Victus na ang previous generation
- No 4K Selfie
Pero if ever na hindi niyo naman prioritize ang camera performance, mas mai-rerecommend ko ‘yung Xiaomi 12T na naka-MediaTek na chipset kasi wala akong na-experience doon na overheating. Pero kung ang priority mo ay photos and videos, mag-eenjoy ka dito sa Xiaomi 12T Pro.