May bagong phone ang vivo, ito ay ang vivo Y36. Tignan natin ang full specs nito at i-unbox na din natin.
UNBOXING
Same pa din ang box nito, napakasimple lang, kulay puti at may vivo branding sa may gilid at Y36 sa may taas. Makikita pa din sa likod ng box ang ilang specs niya kasama na ang display, battery at extended RAM. Ang variant na nasa atin ngayon ay ang 8/256GB na Glitter Aqua.
Pag-open ng box, ang unang makikita ang ang mismong Y36 na nakabalot sa protected film. In fairness, ang ganda talaga nitong Glitter Aqua. If ever na ayaw natin nito, meron pang isang colorway na Meteor Black. Meron itong IP56 dust and splash resistance. So, if ever na maabutan tayo ng ulan sa labas at gamit natin ito, matalsikan man siya ng ulan o alikabok, hindi tayo masyadong mag-aalala.
Sa loob pa din ng box, meron pa itong documentation, jelly case, 44W Vivo Flash Charge, USB-C to USB-A cable at sim ejector pin.
DESIGN
Katulad ng sabi ko kanina, nagustuhan ko talaga ang itsura niya. Tapos, ‘yung mga gilid niya ay flat na flat din at wala tayong curve na mararamdaman sa bawat gilid niya. Medyo nalungkot lang ako kasi for PHP12,999, single firing speaker lang ang meron ito. Sa ganitong presyo, usually ay dual speaker na. Pero ang single firing speaker nitong vivo Y36 ay malakas naman na. Hindi ako nabitin sa maximum volume niya at ang maganda pa diyan, meron itong Audio Booster kung saan kapag naka-enable iyan, aabot ng hanggang 200% ang maximum volume niya.
Meron itong 6.64″ IPS LCD Full HD+, 395 ppi, 650 nits peak brightness, 90Hz maximum refresh rate at aabot ng 240Hz ang Touch Sampling Rate. In fairness naman sa display nitong vivo Y36 kasi maganda talaga. Makakapanood pa tayo ng mga full HD content sa mga streaming services kasi ‘yung kanyang Widevine Security Level ay Level 1.
Kapag tinignan natin ang Display Settings, makikita natin na ang refresh rate ay merong tatlong option: Smart Switch, 60Hz at 90Hz. Na-test ko din ang kanyang Smart Switch at kusa siyang bumababa from 90Hz to 60Hz kung kinakailangan kaya makakatipid tayo sa battery. Meron ding tatlong preset ang kanyang Screen Colors: Standard, Pro at Bright. Kung gusto niyo pang maging vibrant ang color, piliin niyo lang ang Bright. Tapos, pwede pa natin i-adjust ang color temperature.
PERFORMANCE
Naka-Funtouch OS 13 na ito out of the box on top of Android 13, Snapdragon 680 4G chipset, 8GB RAM + additional Extended RAM 3.0, 256GB storage at pwede pang mag-handle ng 1TB micro SD card.
Good news, dahil ang sim tray nito ay may dedicated slot para sa micro SD Card.
Kapag i-enable naman natin ang Extended RAM, mabibigyan tayo ng additional 8GB of Virtual RAM. In total, pwede tayong magkaroon ng 16GB RAM. Pero, keep in mind na kapag i-enable ‘yan, medyo babagal ang performance kaya mas maganda kung i-off na lang kung hindi naman kailangan na magpatakbo ng madaming application.
Sabi din ng vivo na meron itong Multi Turbo 5.5. Ibig sabihin, makakatulong talaga iyon para hindi kaagad mag-hang ang performance ng phone kung sakali man na konti na lang ang space na natitira sa kanyang physical RAM.
Nakakuha naman tayo ng 336,038 Antutu Score. Saktong-sakto iyan para sa kanyang specs at talagang mapapatakbo sa phone na ‘to ang ang mga everyday applications natin. Pagdating naman sa thermals at battery consumption, impressive itong Y36 kahit pa mabigat na application ang patakbuhin natin kasi 2% lang ang nabawas sa kanyang battery at 2°C ang nadagdag sa temperature.
Pagdating naman sa gaming, meron itong tatlong option para sa performance: battery saver, balance at boost. Hanggang 60fps lang din ang ma-experience nating game play dito sa vivo Y36. Pagdating sa mismong performance, wala tayong naging problema kasi hindi siya ma-lag. Pero kapag nagpatakbo tayo ng mabigat na game tulad ng Asphalt 9, okay pa din naman ang game play kasi walang lag at framedrops pero ‘yung graphics na na-generate ay basic lang.
CAMERA
Meron itong 50MP main shooter, 2MP depth sensor at 16MP selfie camera. Ito ang mga sample shots:
BATTERY
Meron itong 5000mAh battery capacity na capable sa 44W charging speed. Sa tingin ko, dito talaga nag-excel itong vivo Y36 dahil sobrang laki ng SOT niya. Almost 18 hours ang nakuha, 17 hours and 45 minutes to be exact. Kaya pagdating sa endurance, maaasahan natin ang phone na ‘to lalo na kung gagamitin natin ito maghapon.
Kung interesado kayong bilhin ang phone na ‘to, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljcatw
Sa tingin niyo ba ay sulit itong Vivo Y36 para sa presyo niya? Comment niyo diyan sa baba.