Ang ia-unbox natin ngayon ay itong Vivo Y27 na may price na PHP8,999 lang at merong 6/128GB. Pero gusto pa din makita kung ano ang ie-expect natin sa phone na ‘to kaya samahan niyo akong tignan.
Kulay white pa din ang box nito katulad ng mga entry level phones ng Vivo. Meron itong logo ng Vivo sa harap at nakalagay ang ilang specs nito sa likod. Ang kulay nito ay Burgundy Black pero meron pa itong isang kulay na Sea Blue.
Pag-open ng box, ang unang-unang makikita ay ang Vivo Y27 na nakabalot sa plastic. Itong Burgundy Black ay hindi pure black kasi kapag tinilt mo ‘yung phone, magiging Wine Red siya. Tapos, matte-finished siya. Kapitin nga lang siya ng smudges pero nawawala din agad. Napakalinis lang ng itsura niya at napakasosyal!
Sa loob ng box, meron pa itong jelly case, documentation, 44W FlashCharge, USB-A to USB-C cable at sim ejector pin.
Pagdating sa design, makikita sa taas ang sim tray na may dedicated micro SD card slot at dual sim. Sa may right side naman ang volume up and down button at fingerprint scanner. Malinis na malinis naman ang left side at sa ilalim makikita ang USB-C port, main microphone headphone jack at main speaker. Sa harap, may kakapalan ng kaunti ang chin compared sa forehead at naka-notch ang selfie camera.
Abangan niyo ang Full Review ko sa phone na ‘to kasi gusto kong i-test ang battery life niya. Medyo promising kasi 60Hz siya, Helio G85 ang chipset at 5000mAh battery capacity kaya mukhang malaki ang makukuha nating SOT dito. Plus, idagdag pa na 44W ang charging speed. Typically, kapag bibili tayo ng phone na less than PHP10,000 ang nakukuha lang natin ay 18W.
Tignan naman natin ‘yung mga napansin ko after ko siya ma-setup. Una, ang dami niyang bloatware. Pero pwede naman ito i-uninstall. ‘Yun nga lang, may gagawin tayong additional steps. Kung ia-uninstall niyo ang mga unnecessary apps, makakatipid kayo sa storage at RAM. Speaking of RAM, meron itong Extended RAM na 6GB.
Meron akong dalawang Antutu Score na gustong ipakita sa inyo. ‘Yung una ay 266032 Antutu Score kapag naka-on ang Extended RAM. Kapag naka-off naman, nakakuha tayo ng 260011 Antutu Score. Medyo weird ‘yan kasi bumaba ang score na dapat tataas kasi naka-off na ang Extended RAM. Sana maayos ‘yan ng Vivo sa mga susunod na software update.
Speaking of software update, nakakuha tayo ng software update agad ‘nung sineset-up ko ito. Kaya pagdating sa software update, wala naman tayong magiging problema diyan kasi may magandang reputation ang Vivo pagdating sa OTA updates.
Una kong impression sa kanya ay hindi siya ganun ka-smooth. Yes, 60Hz siya pero kung minsan may lag siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa dami ng bloatware o dahil mabigat ang Funtouch OS. Remember 6GB na ito kaya wala akong nakikitang reason para mag-lag siya.
Pagdating sa display, kapag colored ang naka-display, wala naman akong issue sa kanya. Pero kapag white ang naka-display mron akong nakikita na kaunting yellowish tint sa may bandang baba. Kung pag-uusapan naman ang quality, okay naman siya kasi sharp naman ito at okay din ang mga text.
Pagdating sa DRM Info, Level 1 naman ang kanyang Widevine Security kaya makakapag-play tayo dito ng mga HD contents sa streaming services.
Bago ko din makalimutan, pwede nating ma-adjust ang kulay ng display kasi kapag nagpunta tayo sa Display Settings, meron itong tatlong presets na Default, Warm at Cool. Pero sure ako na hindi ito magiging accurate kasi napakamura lang ng phone na ‘to kaya hindi maglalagay ang Vivo dito ng napakagandang display.
Overall, medyo nakaka-feel ako dito ng malaking potensiyal kaya gusto ko siyang i-try ng ilang araw pa. Kung kayo ang tatanungin, sa tingin niyo ilan ang SOT na makukuha natin dito? Comment kayo diyan sa baba.
Kung gusto niyo itong i-check sa Lazada o Shopee, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljrvfd