Pag-uusapan natin ngayon ang bagong release na Vivo Y22S. Ishe-share ko sa inyo ang unboxing experience, first impression sa ilang aspect ng phone na ‘to, battery life at camera capabilities. Titignan din natin kung bakit Max Out The Night ang slogan ng Vivo sa phone na ‘to.
Starting November 5, 2022, magiging available na ang Y22S sa lahat ng offline at online store ng Vivo. Meron itong dalawang variant: 4+4GB Dynamic RAM and 128GB ROM na may presyong PHP10,999 at 8+8GB Dynamic RAM and 128GB ROM na may price na PHP12,999. Meron pa yang kasamang mga freebies kaya click niyo na itong link para sa higit pang information https://invol.co/clfnvvc
UNBOXING
Pag-open natin ng box, Y22S agad ang bubungad sa atin na nakabalot sa isang protective film. Meron itong dalawang colorway: Summer Cyan at Starlit Blue. Meron din itong matigas na jelly case, documentation, 18W charging break, USB-C to USB-A cable at sim ejector pin.
Gustong-gusto ko itong Summer Cyan na colorway kasi ang ganda ng design niya at may maganda siyang effect. Pero anumang color ang piliin natin, itong Y22S ay may IP5X at IPX4 na rating. Ibig sabihin, dust and water resistant ito, kaya hindi natin masyadong iintindihin kung papasukan ‘to ng alikabok o ng tubig agad-agad.
Ang maganda pa diyan, meron itong dedicated micro SD Card slot na kayang mag-handle ng 1TB at pwede din tayong maglagay ng dual sim. Meron din itong support hindi lang sa 2.4GHz wifi connection kundi pati na rin sa 5GHz.
CAMERA
Meron itong 50MP Super Night main shooter, 2MP macro at 8MP selfie camera. Sa mga sample outdoor shots, okay naman ang quality, sharp naman at okay din ang dynamic range niya kasi kahit against the light ang subject natin, kita pa din ang mga details. Okay din ang highlights at contrast. Kahit i-zoom pa natin digitally ang mga photo, okay pa din siya. Kahit mga indoor photos, okay pa din katulad ng picture ni Chao Fan na kahit i-zoom, kita pa din ang details ng balahibo niya. Sa portrait mode naman ng main camera, hindi perfect ang edge detection niya pero pwedeng-pwede na. Makikita niyo din ang difference ng shot ng regular 50MP photo at night mode photo.
Sa selfie video, 1080p 30fps ang pinakasagad na resolution na pwede nating marecord dito sa Y22S. Wala itong stabilization kaya medyo maalog talaga siya kapag ginamit natin ito habang naglalakad o habang nasa sasakyan tayo.
DISPLAY
Meron itong 6.55″ LCD HD+, 720p, 270ppi, 90Hz refresh rate at 70% NTSC color coverage. Pretty accurate naman siya, hindi siya perfectly accurate pero pwede na para sa isang 720p. Maliban sa naka-90Hz refresh rate, naka Level 1 na din ang Widevine Security kaya makakapag-play talaga tayo ng mga HD content sa mga streaming services. Nagustuhan ko din sa display settings ang Color Temperature Adjustment, so pwede nating ma-adjust ang temperature ng display depende sa gusto ng mata natin.
PERFORMANCE
Naka-Funtouch OS 12 na itong Y22S, Snapdragon 680 4G ang chipset, 4/8GB RAM LPDDR4X, 128GB internal storage at pwede tayong maglagay ng up to 1TB na micro SD Card. Tapos pwedeng maging x2 ang RAM niya kapag i-enable natin ang Extended RAM. So ang 8/128GB variant ay pwedeng maging 16GB dynamic RAM at ang 4/128GB variant ay pwedeng maging 8GB in total.
Nakakuha din tayo ng 285,877 Antutu score kapag naka-60Hz na refresh rate. 286,864 naman na Antutu score kapag naka-90Hz na refresh rate.
Pwede nating i-set ang Ultra Game Mode sa Boost para ma-maximize natin ang kanyang performance. Plus, meron din itong Multi-Turbo 5.5 kung saan ipa-prioritize ng Multi-Turbo ang game if ever na meron tayong naka-on na applications sa background habang naglalaro para mas smooth, mas stable ang performance at maiwasan ang lag. Sa Asphalt 9, hindi niya na-generate lahat ng graphics pero hindi naman laggy ang ating game play. Hindi naman kasi para sa mga gamer itong Y22S dahil para lang siya sa mga casual na gaming.
BATTERY
Meron itong 5000mAh battery capacity na capable sa 18W fast charging. Kapag naka-Smart Switch ang refresh rate, nakakuha tayo ng 21 hours and 29 minutes SOT. Grabe, isa ito sa mga pinakamatagal na SOT na nakita ko so far ngayong 2022! Pagdating sa charging, from 15-100%, 1 hour and 57 minutes ang inabot.
Kung kayo ang tatanungin, bibilhin niyo ba itong phone na ‘to? At ano ang feature o specs ng phone na ‘to ang nagustuhan niyo? Comment kayo sa baba.
Kung ano ang tatanungin, ang final first impression ko ay ang ganda talaga ng design niya. Sa unang tingin mo dito, matititigan mo talaga, ganun siya kaganda. Pero siyempre, hindi naman puro likod lang ang titignan mo sa buong araw na gamit mo ‘tong phone na ‘to. Kaya para sa akin, ang talagang nag-excel dito sa Vivo Y22S is yung battery life. Kita niyo naman, almost 22 hours! Kung sakali na plan niyong gamitin itong phone na ‘to sa mga work lalo na sa mga gumagamit ng location-based na application kagaya ng Waze at Google Maps, maaasahan niyo talaga ‘to sa buong maghapon.
Yes, 720p lang ang display niya, medyo kulang para sa taong ‘to kasi dapat 1080p na pero ginawa naman nilang 90Hz. Isa pa, almost accurate din ang colors kaya pwede na para sa mga video consumption natin like streaming ng movies at TV series.
Pagdating sa camera, pwede na din para sa presyo niya. Hindi siya very impressive pero pasado na din. Yun nga lang, kapag magte-take tayo ng video gamit ang phone na ‘to, dapat gumamit tayo ng tripod o monopod o kaya mobile gimbal.