May bagong phone ang vivo, ito ang vivo Y100.
Price
Specification:
Nasa baba ang link kung gusto mo bumili. Ang iu-unbox natin ay Breeze Green na colorway pero meron pa itong Crystal Black. May advantage kapag pinili natin ang Breeze Green, mamaya pagusapan natin.
Unboxing
Pag-open ng box, makikita agad natin ang Y100 na nakabalot sa plastic. Sa loob ng box ay may jelly case, quick start guide, 80W na charging brick, USB-A to USB-C cable, at SIM ejector pin. Ang jelly case ay sakto lang, may protection din sa camera module at may cover din para sa USB-C port.
Ang advantage ng colorway na ito, kapag nasa labas at natamaan ng UV light, nag-color change ang back panel nito. I recommend na piliin niyo ang Breeze Green para may additional na feature ang phone.
Design
Maliban sa meron itong color changing back panel, meron din itong IP rating na IP54. Kaya dust and splash resistance ito. Pwedeng-pwede ito ngayong summer kung magta-travel tayo o pupunta tayo sa medyo maalikabok na location. Hindi tayo magaalala na mapapasukan ito ng kaunting alikabok o ng tubig. Pero huwag niyo pa rin ito ilulubog sa tubig.
By default, ang haptics nitong Y100 ay naka-off. Ini-on ko ang haptics at plano ko nang i-off. Pagdating sa dual speaker, meron itong tinatawag na Audio Booster. Aabot ng 300% ang max volume nito, napakalakas talaga at hindi ako nabitin sa sound. Kapag naka-max ang volume ay hindi naman distorted ang tunog, pasado naman.
Display
Specification:
Pagdating sa color reproduction nitong Y100, wala akong masabi at goods na goods ang quality. 100% na DCI-P3 ang color coverage nito kaya mage-enjoy tayo dito sa panonood ng movies at videos. Ang Widevine Security Level ay Level 1 at sa Netflix application, Full HD ang maximum playback.
Sa display settings > screen colors, meron itong tatlong presets; Standard, Pro, at Bright. Pwede rin natin matimpla ang color temperature nito.
Sa screen refresh rate settings naman ay may tatlong option; Smart, 60Hz, 90Hz. At sa test na ginawa ay bumababa naman ito to 60Hz kapag hindi na tino-touch ang display. Malaki ang matitipid natin sa battery.
Performance
Specification:
Kung sakaling bitin pa tayo sa internal storage, good news dahil pwede tayo makapagsalpak ng up to 1TB na micro-SD card. Meron din itong extended RAM na up to 8GB kaya total of 16GB of RAM. Ang Antutu score na nakuha kapag naka-off ang virtual RAM ay 363533. Kapag naka-on naman, nakuhang score ay 355260. Medyo bumagal kaunti ng i-on na natin ang virtual RAM. Kung hindi naman tayo magbubukas ng napakadami o mabigat na application ay huwag niyo nalang i-on.
Kapag nag-open tayo ng game, pwede tayo mag-swipe from left to right para ma-open ang game mode. Pwede natin ma-select kung anong klaseng performance ang gusto natin para sa game na iyun. Pagdating naman sa performance nito sa gaming, hindi tayo mage-expect ng sobrang taas dahil hindi naman ganun ka-powerful ang chipset na inilagay ng vivo. Pero okay ito for casual gaming. Dito sa Asphalt 9, hindi nito na-generate lahat ng graphics at muntik na maging potato quality. Pero sa performance ng gameplay ay okay naman, wala naman akong na-feel na hiccups at struggle.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
Battery
Specification:
Charging
Specification:
Ang ganda ng SoT ng phone na ito, umabot ng 15 hours and 29 minutes. Grabe! Isa ito sa pinakamagandang SoT ngayong 2024 sa lahat ng phone na nasubukan ko na nasa ganitong price range. Talagang maasahan ang phone na ito at dito talaga nag-excel ang Y100.
Possible din ang mabilis na charging speed dito sa Y100 dahil sa tinatawag na Super Charge Pump. Para i-enable, punta lang sa settings > battery> battery health and charging. Make sure niyo lang na naka-able ang fast charging para sa fast mabilis na charging experience. Huwag kayo magalala na iwanan ang phone na ito kapag matutulog, kasi meron itong Super Charging Engine 2.0. Meron itong overnight charging protection at temperature control.
Verdict
Sulit ba itong vivo Y100? Kung gusto natin ng phone na ang ganda ng display at maasahan natin ang battery performance, itong Y100 ang hinahanap natin.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://bit.ly/vivo_Y100-LZD
Shopee – https://bit.ly/vivo_Y100-SHP
TikTok – https://bit.ly/vivo_Y100-TikTok
Website – https://bit.ly/vivo_Y100-Website
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: