Kung mobile photography lang naman ang paguusapan ay sa tingin ko, itong vivo X200 Pro ang talagang mananalo. Kasi mala-DSLR yung photos na makukuha natin sa phone. Hindi lang camera aspect ang titingnan natin, pati na rin ang battery, charging speed, display, at performance overall. Para masabi natin kung sulit ba talaga ito bilhin o hindi.
Unboxing
Ito ang itsura ng box ng X200 Pro, kagaya pa rin sa previous generation na square at manipis. Nasa atin ang 16/512GB na variant at Titanium na colorway. May dalawang maliit na box sa ilalim. Sa isang box ay may USB-C to USB-A cable at 90W charger na USB-A ang port. Sa sunod na box naman ay may SIM ejector pin, jelly case at mga documentation. Makapal ang case at may added protection sa camera module kasi naka-protrude talaga yung camera module nitong X200 Pro.
Price
As of writing this article, itong X200 Pro ay mabibili natin sa vivo flagship store ng Lazada for Php68,299. Nasa baba ang link para sa updated pricing.
Design
Napakaganda at napaka-premium ng feels kapag hinawakan natin itong X200 Pro. Napakasimple lang nito overall, walang design, may vivo branding lang sa ibaba, makapal ang camera module, at may ZEISS branding. Napaka-comfortable nito gamitin at yung makapal na naka-protrude na camera module ay parang may additional grip para sa finger. Dalawang nano SIM ang pwede nating ipasok sa SIM tray nitong X200 Pro or isang nano SIM at isang e-SIM. Pero kapag nagsalpak tayo ng e-SIM, automatic na ang ating SIM 2 ay ang nano-SIM.
Ang fingerprint scanner nito ay Ultra Sonic na kaya sobrang reliable at isang dampi lang ay mau-unlock na ang phone. Dahil flagship phone ito ay sobrang ganda ng haptics kaya I suggest na gamitin niyo. Sa quality naman ng dual speakers nitong X200 Pro ay sobrang ganda, ang lakas ng tunog at hindi ako nabitin sa max volume. Kahit nakasagad ay hindi sabog, talagang ang ganda ng separation ng left and right kapag naka-landscape mode. Panalong-panalo yung speaker nito.
Camera
Specification:
Huwag natin kakalimutan yung ZEISS optics ng mga camera nitong vivo X200 Pro. Malaking tulong ito para maging malinis yung itsura ng mga photos natin, walang reflections, walang artifacts, lalo na sa mga situation na madaming ilaw. Meron pa itong V3+ Imaging Chip na inilagay ng vivo sa phone. Ito ang kanilang self-develop chip na nage-enhance sa computational imaging ng kanilang smartphones. Specifically, para gumanda pa lalo yung mga photos at videos ng mga phones nila.
Photos
Ito ang mga sample photos:
“Sobrang Ganda ng Quality”. Kahit anong lente pa yung gamitin natin sa phone ay same lang yung color reproduction at sharpness. Napaka-vibrant ng kulay at accurate rin. Hindi oa yung timple lang ng kulay at kahit anong mode pa yung piliin natin ay sobrang pleasing sa mata. Vibrant pero hindi overly saturated.
Ito ang mga sample macro photos:
Grabe din ang mga macro shots sa phone. Maaliw kang kumuiha ng mga subjects sa malapitan na kung tutuusin ay iyan yung hindi na natin masyadong nae-enjoy sa mga phones na may macro mode.
Ito ang mga sample low light photos:
Bilib na bilib din ako sa quality ng mga low light photos. Well, hindi naman ako nagulat dahil sa experience ko na palaging nage-excel ang vivo sa mga night photos. Tapos may tulong pa ng ZEISS optics kaya napakalinis ng quality.
Ito ang mga sample portrait photos:
Mukhang DSLR talaga yung quality sa X200 Pro. Malupit ang edge detection, sobrang natural ng dating, at mukhang hindi processed ng AI. Makikita niyo yung strands ng hair sa ulo, sa ibang mga phone ay mabubura na iyan or napaka-soft na ng quality pero sa X200 ay well preserved talaga.
Ito ang mga sample video screenshots:
Ang pinakasagad na pwede nating ma-record sa phone ay 8K. Naka-on din ang Dolby Vision pero hindi ko alam kung masasama dahil sa pag-edit. Up to 10x zoom ang meron at ang layo ng mararating. Kahit na gamitin natin ang 10x zoom ay stable pa rin. May digital zoom naman ito na hanggang 20x. Sa selfie video naman, pwedeng-pwede pang-vlog ang quality, stable, at may Dolby Vision din.
Ito ang mga sample selfie photos:
Battery
Specification:
Ang nakuha nating SoT ay 19 hours and 17 minutes, ang tindi! Talagang maasahan natin ang battery endurance nitong X200 Pro. Talagang optimize na optimize yung phone at kahit flagship yung specs ay maganda talaga yung battery performance.
Display
Specification:
Napakalinaw rin ng brightness ng phone kahit tutok sa araw. Pero out of the box, itong vivo X200 Pro ay meron nang pre-installed na screen protector. Hindi naman ini-declare ng vivo na curve yung display ng phone pero yung mga edges nito ay may kaunting-kaunting curve. Nakakatulong ito para mas smooth yung pag-swipe natin sa gilid at mas comfortable ito.
Sa display settings, meron itong screen colors at may apat na option na pagpipilian; Standard, Professional, Bright, at Adaptive. Sa screen refresh setting naman ay tatlo ang option;Smart switch para kusa na itong maga-adjust, Standard kung gusto lang natin ng 60Hz, at High kung naka-lock sa 120Hz. Makikita niyo rin sa Chrome browser na umamabot ng 1Hz yung refresh rate at ganun katipid yung performance nitong X200 Pro. Meron din itong option para baguhin ang screen resolution, 1260p yung pinakasagad para talagang napaka-sharp ng text at image na naka-display sa X200 Pro. Pero sa buong testing ko ay sapat na sapat na sa akin yung 1080p na resolution.
Performance
Specification:
Pagdating sa virtual RAM, ang option lang na pwede nating gawin ay i-enable or i-disable. Automatic na maga-adjust yung FuntouchOS kung ilang capacity yung kukunin nito sa storage para gawing RAM. Up to 16GB ang pwede nitong kunin sa storage. Ang AnTuTu score kapag naka-off ang extended RAM ay 2375815, sobrang taas ng score na nakuha natin. Kapag naka-on naman ang extended RAM ay tumaas pa at naging 2545048. Kung talagang kailangan ninyo ng mas malaki pa sa 16GB na physical RAM ay pwedeng-pwede at mas magiging maganda pa ang performance.
Mayroon lang tayong kailangan bantayan sa X200 Pro at iyan ang thermal throttling or stability. Kasi sa Wild Life Stress Test ay 36.6% lang ang stability score nito at makikita niyo sa graph na bumagsak talaga ang stability nito. At after ng 20 minutes ay nabawasan ito ng 5% sa battery, not bad, pero pagdating sa temperature ay nadagdagan ito ng 15°C. Talagang sobrang init na ng phone. Napansin ko din na noong nagta-take ako ng sample photos at videos ay kapansin-pansin ang init. Hinay-hinay lang tayo sa paggamit sa phone, flagship level ang specs pero hindi ito designed para sa gaming, kayang-kaya naman ng phone pero para sa longevity ay dapat maingat tayo.
Pagdating sa gaming, makikita niyo sa Asphalt Unite na okay naman ito. Na-generate naman nito lahat ng graphics as expected at sisiw lang sa phone ang ganitong klaseng games. Pagdating naman sa CarX Street, nakasagad lahat ng graphics settings, walang hiccups, kayang-kaya, walang stutter, walang frame drops, at sobrang smooth ng gameplay. Mage-enjoy talaga tayo sa mabibigat na games sa X200 Pro.
X200
Ito naman ang non-Pro version ng X200. Pagdating sa size as mas maliit yung non-Pro version pero para sa akin ay ito yung perfect sa daily use. Kasi napaka-comfortable ng size nito para sa paggamit natin. Ang nakuha ko namang SoT ay 21 hours and 5 minutes.
Ito ang mga sample photos screenshots:
Ito ang mga sample video screenshot:
4K 30fps ang video recording at wala itong Ultra Stabilization pero meron itong OIS. Kapag ginamit natin ang Ultra Stabilization ay magdo-downscale ito to 2.4K resolution.
Conclusion
Iyan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa vivo X200 Pro. Sana nakatulong ito para makapag-decide kayo kung ito na ba yung next phone ninyo na gagamitin sa buong taon. Lalo na paparating na yung summer ay kailangan natin ng phone na maganda talaga yung pictures. Kung flagship phone yung hinahanap natin ay pwedeng-pwede niyo i-consider itong X200 Pro at hindi kayo magsisisi.
Sa lahat ng aspect ay napakaganda nito, ang ganda ng camera performance, ang ganda ng battery performance, top notch ang display, at ang overall performance ay napakabilis din. Wala akong cons na masasabi maliban na lang sa bloatware at pre-installed apps. Other than that, ay okay na okay itong X200 Pro.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clmap2b
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: