Pagusapan natin kung ano ang makikita nating differences dito sa dalawang phone. Ito ang Tecno Camon 30 Premier 5G at vivo V30 Pro 5G. Kapag tiningnan ninyo in paper ang specs ng dalawang phone ay halos identical talaga pero pagdating sa presyo ay medyo malayo.
Price
Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing. Pero before niyo sabihin na overprice ang vivo at mas sulit ang Camon 30 Premier. Pagusapan muna natin kung ano ang battery performance, Antutu score, storage test, at camera performance ng dalawang phone.
Design
Hindi na natin paguusapan ang difference ng dalawang phone pagdating sa design dahil sobrang subjective na nito. Itong vivo V30 Pro ang ginagamit ko as secondary phone dahil na-in love talaga ako sa performance ng phone sa lahat ng aspect. Pero syempre ay iba-base ko sa real usage ang comparison natin ngayon.
Pero kung ako lang ang tatanungin, pagdating sa design ay mas gusto ko pa rin itong V30 Pro. Una sa lahat, manipis ang phone kahit na almost same lang ang specs ng camera nito. Ang ganda rin ng likod nito at napakalinis tingnan. Kahit wala kang gamitin na case dito ay hindi ito mapupuno ng smudges.
Whereas itong Tecno Camon 30 Premier ay okay at napakaganda naman ng design nito. Nagustuhan ko rin ang design ng phone na ito. Pero hindi ganun kanipis ang phone dahil siguro sa periscope telephoto lens. Vegan leather ang likod nito kaya hindi naman ito smudge or fingerprint magnet. Pero napansin ko lang na minsan, oily yung fingers ko at hiniwakan ko ang phone ng walang case, siguro dahil itim ang case ay kitang-kita talaga ang print. Lalo na sa part ng likod na medyo smooth ang texture.
Alin man sa dalawang phone, hindi naman natin ito gagamitin ng walang case. Pero again, mas gusto ko itong V30 Pro pagdating sa design. Napakalaki ng difference nito pagdating sa nipis at again ay nasa atin kung ano ang preference natin.
Performance
Itong dalawang phone ay naka-Dimensity 8200 ng MediaTek. Itong Tecno Camon 30 Premier ay 8200 Ultimate ang chipset. Actually, hindi ko makita ng black and white yung malaking difference sa normal na 8200 sa 8200 Ultimate. Nagsearch na ako sa internet ng difference nila pero parang may konting kick lang itong Ultimate pagdating sa gaming performance. Pero other than that ay parehas na parehas naman yung performance ng chipset na ito.
Ang Antutu score ng dalawa ay malaki-laki ang difference. Itong vivo V30 Pro ay 982669 ang nakuhang score habang ang Tecno Camon 30 Premier ay 948075 lang. Identical din ang starting temperature ng dalawa na 29.9°C pero nagkaiba naman ito sa ending temperature. Sa vivo V30 Pro ay umabot ng 37.9°C ang temperature after ng Antutu test. Ito namang Tecno Camon 30 Premier ay umabot ng 41.6°C, medyo mataas ang naging temperature nito.
Gusto ko lang i-remind kayo na itong dalawang phone habang nag-Antutu test, parehas naka-performance mode or game mode. Yung pinakasagad na performance nila ang nakuha natin habang kinukuha ang Antutu score. Sa round na ito, para sa akin ay mas okay ang performance nitong V30 Pro dahil mas mataas ang Antutu score at mas maganda ang thermals.
Isa pang proof pagdating sa thermals ng dalawang phone na ito ay ang Wild Life Stress Test result. Parehas ang starting temperature ng dalawa na 32°C. Makikita sa Camon 30 Premier ay umabot ng 48°C ang temperature. Pero itong vivo V30 Pro ay 45°C lang ang final temperature. Malaki talaga ang difference nito pagdating sa thermals at performance overall.
Pagdating naman sa Storage Test, makikita niyo na almost same lang ang score ng dalawa. Mas mataas lang ng kaunti ang sa Camon 30 Premier pero parehas lang itong 82K. Dahil sa mga scores na nakuha natin sa ibat-ibang mga test ay masasabi ko na personally, mas gusto ko overall itong vivo V30 Pro pagdating sa thermals at overall performance. Pero again, hindi ganun kalayo ang difference at gabuhok lang at masasabi pa nga nating identical. Mas maganda lang talaga ang thermals ng V30 Pro dahil hindi ito mabilis uminit.
Battery
Specification:
Mas mabilis lang ang charging speed nitong Camon 30 Premier 5G dahil 80W ito habang ang V30 Pro ay 70W. 10W lang ang difference ng dalawa. Pero pagdating sa SoT ay ang layo, almost 16 hours ang nakuha natin sa V30 Pro. Sobrang optimize ng phone pagdating sa UI, talagang polish ng vivo itong V30 Pro. Tested ko naman na itong phone dahil nagamit ko na ito as my secondary phone. Itong Camon 30 Premier ay medyo aggressive talaga ang chipset at mas naging aggressive ang performance. Kaya makikita ninyo na medyo okay lang ang SoT habang ang V30 ay maasahan natin.
Charging
Specification:
Hindi pareho ang starting battery level ng dalawa kaya hindi ko masabi kung alin ang mas mabilis. kahit ganun ay hindi dramatic ang difference ng dalawang phone.
Display
Specification:
Ang V30 Pro ay AMOLED, 2800 nits, at may Schott A Glass. Ang Camon 30 Premier naman ay LTPO AMOLED, 1400 nits, at Corning Gorilla Glass 5.
Pagdating sa kulay ay makikita ninyo na medyo may difference ang dalawa. Dahil ang V30 Pro na ginagamit ko ay nilagyan ko ng matte na screen protector. Ayaw ko naman tangalin dahil curve ang display nito. Isang dahilan din kung bakit nagustuhan ko ang display ng Camon 30 Premier dahil ayaw na ayaw ko ng curve display. Pero dahil sa mas mataas na peak brightness ay mas preferred ko gamitin itong V30 Pro outdoor. Dahil kahit tirik ang araw ay makikita ko ang text at display.
Sa behavior ng display pagdating sa screen refresh rate. Itong Camon 30 Premier ay naka-LTPO AMOLED kaya dapat mas mabilis yung pagbaba ng screen refresh kapag hindi ginagalaw. Mabilis naman ang pagbaba nito to 60Hz. Sa vivo V30 Pro, mula 120Hz ay bumababa naman ito to 60Hz kapag hindi na ginagalaw. Almost same lang din ito ng tagal sa pagbaba to 60Hz pero ang Camon 30 Premier ay pumipitik ng 120Hz paminsan-minsan.
Isang difference rin ay kapag pumunta tayo sa screen refresh rate ng vivo. Kapag pinili natin ang Smart Switch, ang pinaka-max screen refresh rate na ibibigay nito sa atin ay 90Hz lang. Kaya nilo-lock ko ito sa High para from 120Hz ay baba to 60Hz. Depende lang ito sa mas gusto nating behavior pero para sa akin ay pantay ang dalawang phone.
Camera
Ito ang mga sample photos:
Sa unang picture, mas maganda ang bokeh ng Tecno Camon 30 Premier dahil mas shallow ito compared sa vivo V30 Pro na mas flat. Pero ang details ng puno, ang mga ugat ay mas makikita naman sa V30 Pro. Sa pangalawang picture, parang iisang camera lang ang ginamit sa pag-take ng picture. Hindi ganun kalaki ang difference na makikita natin. Konting-konting difference lang sa timpla ng kulay dahil mas yellowish sa Camon 30 Premier.
Sa Selfie camera, mas maganda ang bokeh ng V30 Pro. Pero pagdating sa pagiging natural ng itsura ng bokeh at yung edge detection ay mas maganda ang Camon 30 Premier. Pero yung details ng mukha ko, texture ng balat, wrinkles, at pawis ay kuhang-kuha sa V30 Pro. Sa night photos naman ay mas maliwanag ng kaunti sa V30 Pro pero hindi naman ganun ka-dramatic ang difference nila. Parehas okay ito pagdating sa night photography pero mas maganda lang ng kaunti ang V30 Pro dahil Zeiss Optics yung camera nito.
Ito ang mga sample video screenshots:
Sa selfie video, parehas ang resolution ng video at 4K. Pero sa Camon 30 Premier ay naka-zoom in dahil sa EIS na wala naman sa V30 Pro kaya mas maalog itong vivo. Pero pagdating sa quality, ang hirap mag-decide kaya siguro ay magkakatalo na lang sa dynamic range. Mas maganda ang dynamic range sa Camon 30 Premier dahil mas kita ang ulap compared sa V30 Pro.
Verdict
Medyo nahirapan ako sa comparison na ito at ilang beses ko na rin nasabi na gabuhok lang at almost identical ang dalawang phone. Malaking factor dito ang preference natin at trust sa brand pagdating sa pagpili sa dalawang phone. Almost 10K ang difference sa price at pagdating naman sa software update ay parehas din itong may magandang promise sa atin. Kung meron kang budget ay alin sa dalawa ang pipiliin mo? Tecno Camon 30 Premier o vivo V30 Pro?
Magkakaiba tayo ng magiging verdict sa dalawang phone pero gusto ko lang i-share ang opinion ko. Mas pipiliin ko ang V30 Pro, mas marami akong edge na nakuha sa phone compared sa Camon 30 Premier, hindi malayo pero meron. Lalo na pagdating sa performance, thermals, battery life, at sa camera, especially sa night photography. May kaunting edge ang V30 Pro dahil sa Zeiss Optics na inilagay ng vivo. Although itong Camon 30 Premier ay may edge din dahil meron itong periscope telephoto camera habang ang V30 Pro ay telephoto lang.
Isang malaking difference sa pag-take ng rear video ay hindi natin macha-change seamlessly ang lens ng Camon 30 Premier compared sa V30 Pro. Isa din iyan sa pwede ninyong i-consider. Kahit na mas mahal ang vivo V30 Pro ay pipiliin ko pa rin ito. Alam ko na mas gusto ninyo ng mas mura at kung hindi kayo nabo-bother sa difference ng dalawa ay makakatipid kayo dito sa Camon 30 Premier.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
vivo V30 Pro – https://invol.co/cll8i43
Tecno Camon 30 Premier 5G – https://invol.co/cll5zqg
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: