Para sa hindi pa nakakaalam, ang ZEISS ay matagal na sa industry at pinagkakatiwalaan pagdating sa lens. Meron silang binoculars, eyeglasses, microscope, cinema camera, at marami pang iba. Good thing na kahit sa midrange phone ng vivo ay meron nang ZEISS Optics. Talagang magiging clear as a day ‘yung mga images natin kasi mas nababawasan ang glare o reflections ng mga ilaw at marami pang iba. Nag-enjoy talaga ako sa paggamit dito sa V30 Pro. More than two weeks ko na rin ito ginagamit at grabe hindi ako na-disappoint sa camera.
Camera
Specification:
Apat na 50MP na camera ang inilagay dito ng vivo. Ganun katindi at wala pang halong filler na macro at depth sensor na camera. Mga kailangan at palaging ginagamit lang natin ang inilagay nila dito.
Sa mga nakuha nating photo, grabe ang kulay, details, at information na nakukuha ng phone na ito. Dahil merong VCS or vivo Camera-Bionic Spectrum itong main camera, mas nae-enhance pa ang color accuracy na nagbibigay ng 25% increase sa image clarity, at 15% sa color reproduction compared sa nagdaang generation ng V series. Satisfied ako sa camera ng phone. Ito ang gamit ko ngayon kapag nagsho-shoot ng mga photos.
Nag-excel din itong V30 sa night photos. Pagdating sa exposure at noise, wala akong masabi. Less noise talaga at hindi madumi ang image compared sa ibang mga phones na may night mode. Usually makikita talaga natin ang mga noise kapag sobrang dilim ng paligid, pero dito napakalinis pa rin. Nabalance din nito ang mga ilaw ng mga building. Walang details na nawala. Clear na clear pa rin ang mga bintana. Dahil ZEISS optics ito, walang kahit anong reflections or glare na makikita sa image na magpapadumi sa photo quality. Para dun sa mga may plano mag-travel, talagang magagamit niyo ang camera na ito. Walang problema kahit mag-take kayo ng photos sa gabi.
Meron pa rin itong Aura Light 3.0, kahit sobrang dilim ng paligid at binuksan natin ang Aura Light, mau-unveil sa atin ang paligid. Pero mas soft ang ilaw nito compared sa normal na flash. Pwede din natin ma-balance ang temperature depende sa kagustuhan natin or pede din namang automatic lang. Mas magiging clear at magiging maliwanag ang image natin kahit pa madilim ang paligid. Isa pang nagpabilib sa akin dito sa V30 Pro ay kapag against the light ang scenario. Sobrang liwanag ng likod ko dahil nasa likod ko ang bintana, pero kitang kita pa rin ang likod at hindi na-compromise ang exposure ko. Ang ganda ng image processing nitong V30 Pro.
Pagdating naman sa video recording, kaya mag-shoot ng 4K ng front at rear camera. Napansin ko lang na habang naglalakad tayo ay merong jiggly effect na nangyayari. Medyo kumukurap-kurap kaunti ang video natin. Maliwanag naman at okay ang quality. Pero nakaka-disturb sa una ang pagpitik-ptik ng video. Tiningnan ko sa settings at in-off ang Auto low light settings. Nang i-off ko ito medyo nag-improve ang 4k video recording. Naging stable, at nabawasan ang pagkurap. Dahil may IOS, stable ito for the most part. Pwede pa dagdagan ng stabilization pero magda-downsacle to 1080p. Pero para sa akin, okay na okay na ang OIS by default. Ang ganda ng camera nitong V30 Pro at na-satisfied ako. Ito na ang lagi kong ginagamit sa pag-take ng everyday photos.
Unboxing
Same pa rin ang experience ng unboxing dito sa V30 Pro. Nasa atin ngayon ang color White na 512GB. Ang itsura nitong V30 Pro ay almost 100% identical sa V30 na non-pro. Yung ZEISS logo lang talaga ang difference ng dalawa. Meron din itong kasamang jelly case, documentation, charging brick, USB-C to USB-A cable, at SIM ejector pin.
Price
Ang presyo ng phone ay Php34,999.00 para sa 12/512GB. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Battery
Specification:
Ang nakuha nating SOT ay 15 hours and 41 minutes. Grabe at maasahan ang battery performance ng phone.
Performance
Specification:
According to vivo, makakatangap itong V30 Pro ng 2 major OS update + 3 years security patches. Wala tayong magiging problema pagdating sa software update. Ang Antutu score na nakuha kapag naka-off ang virtual RAM ay 972110. Almost 1 million na rin. Ang score naman kapag naka-on ang virtual RAM ay 972431. Hindi naman dramatic and difference kaya kung ako sa inyo ay huwag niyo na i-on ang virtual RAM.
Pagdating naman sa gaming, sagad ang graphics dito sa SpongeBob – Cosmic Shake. Bihira ko magawa ‘to. Napaka-smooth pa rin ng performance dito sa V30 Pro, kaya maasahan natin na kahit mabigat ang game na patatakbuhin ay magiging maganda pa rin ang performance. Sa NBA Infinite, sagad na sagad ang graphic settings at ang anti-aliasing ay naka 4x, pero smooth pa rin ang gameplay. Sa Asphalt 9 naman, lahat ng graphics na-generate pati ang motion blur, smooth, at walang lag. Ang galing ng phone na ito!
Tandaan lang natin na pagdating sa thermals ng phone, kailangan na maghinay-hinay pa rin sa paggamit. Sa Wild Life Stress Test, from 32 degrees naging 45 degrees celsius ang temperature nito. Alarming na ang heat na iyan. Ang laki rin ng nabawas na battery percentage, nasa 16%.
Display
Specification:
Accurate ang kulay. Maliban sa sobrang vibrant ng kulay, depende sa color scheme na pinili natin, by default ay napakaganda na ng kulay na napo-produce ng phone na ito. Mage-enjoy tayo pagdating sa media consumption. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Ang Max Playback Resolution ay Full HD, at may support sa HDR 10 videos. Sa Screen refresh rate setting may tatlong option: Smart, Standard, at High. Ang standard ay fixed lang sa 60Hz. Sa High ay 120Hz at bababa sa 60Hz. Sa Smart Switch naman, ang default ay 90Hz.
Verdict
Sulit ba itong vivo V30 Pro? Kung ako ang tatanungin, for Php34,999.00, sulit ito kung Ikaw yung user na humahanap ng phone na nasa within 30k+, at humahanap ng napakagandang camera. Itong vivo V30 Pro ang pwede ninyong piliin. Pasok din ito sa’yo kung naghahanap ng magandang display, battery performance at overall performance sa mga everyday application, malaking storage, at malaking physical RAM.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
A. Website – https://bit.ly/v30prq
B. Shopee – https://bit.ly/vivo_V30ProWithZEISS-S…
C. Lazada – https://bit.ly/vivo_V30ProWithZEISS-L…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: