May bagong V series ang vivo, ito ang V30. Excited ako kasi sa mga nagdaang V series, maganda talaga ang performance pagdating sa display, gaming, camera, at sa battery life. Ganiyan din kaya ang ie-expect natin sa phone na ito? Alamin natin.
Price
Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Simple lang ang box ng V30, pero masyadong dark para sa akin ang kulay. Ang nasa ating variant ay 12/256GB na color White. Ang V30 agad ang makikita natin pag-open ng box. Nung makita ko ang design ng phone, napatitig talaga ako nang ilang segundo kasi sobrang ganda! Sa loob ng box may jelly case, documentation, charging brick, USB-C cable, at SIM ejector.
Design
Kagaya ng sinabi ko kanina, sobrang ganda ng desin ng phone na ito. Kapag nakita niyo sa personal, maiintindihan niyo ako. Na-starstruck ako! Grabe napatitig talaga ako sa design ng V30. Mukha itong loob ng shell. Matte finish din ito kaya hindi kapitin ng smudges at fingerprint, maliban sa camera module kasi makintab. Parang ito ‘yung tipo ng design na magiging confident ka kahit walang case. Napakanipis ng phone na ito kaya premium na premium ang itsura. Sa bandang itaas, makikita ang secondary microphone, at may subtle text na makikita, “Professional Portrait“. Sa left side naman ng phone ay malinis. Sa right side ay ang volume up and down button at power lock button. Sa ilalim naman ay ang speaker, USB-C port, main mic, at SIM tray. Sa SIM tray naman ay dual SIM lang. Hindi tayo makakapaglagay ng SD card. Kung kaya ng budget natin, go for 512GB na variant para mas future proof. Sa likod naman ay ang camera module at ang LED flash. Nasa loob ito ng isang square na ang tawag ay Aura Light. Sa harap ay ang punch hole selfie camera. Pantay na pantay ang mga bezel. Meron na rin itong pre-installed na screen protector. Good news ito sa akin kasi mahirap humanap ng screen protector para sa curved display. Yes, curved display ang V30 at kahit ang likod ay curved din.
Itong V30 ay may IP54 dust and splash resistance. Kung matalsikan ng tubig o dalhin natin sa maalikabok na lugar ay walang problema. In-display ang fingerprint scanner at so far okay naman. Mabilis naman mag-unlock at reliable. Ang hindi ko lang siguro nagustuhan sa design ng phone ay ang speaker, single firing speaker lang ito. Pero ang matindi ay up to 150% ang max volume. Meron itong Sound Boost at hindi naman ako nabitin sa tunog. Kahit naka-max ang volume ay hindi sabog o distorted. Pero wala tayong separation ng left and right, kaya hindi gano’n ka immersive kapag nanonood. Pero ang advantage nito ay kapag naka-landscape mode ay hindi natin ito matatakpan. Para sa ganitong presyo nakakabitin talaga na single firing speaker lang ang meron.
Camera
Specification:
Ang Aura Light na square ay pwede natin gamitin kapag nagsho-shoot tayo ng photos at videos. Kapag I-enable natin ang Aura Light pwede natin matimpla ang temperature.
May 4K recording ito sa selfie camera. Ang downside lang ay kapag naka-4K ay walang stabilization. kapag naka-enable naman ang EIS, stable pero 1080p nalang ang quality. I suggest gumamit kayo ng gimbal, kasi pwedeng-pwede pang-vlogging itong front facing camera ng V30.
Pagdating sa photos na kuha ng rear camera, satisfied naman ako. Ang ganda ng photos. Napaka-accurate ng kulay at details.
Sa video recording, dahil may OIS ang 4K video recording, stable ito agad-agad. Kung gusto natin ito dagdagan ng EIS, magiging 1080p nalang ito. Okay na sa akin ang stabilization na nagawa ng OIS. At least naka 4K ito.
Pagdating sa camera performance ng V30, goods na goods. Gusto ko lang din i-mention, dalawang camera lang talaga ang nilagay nila dito. Talagang ‘yung mga ginagamit lang natin palagi. Thumbs up sa vivo! Pagdating sa low light photo or night photo, magiging maganda pa rin ang kuha natin, dahil ang V30 ay may Custom Bionic Spectrum na Main Camera. Plus meron itong Ultra Large na 1/1.55″ Sensor na OMNIVISION 50E. Kaya sa night photos na kuha ng phone, less noise, maganda ang lighting. Talagang mas maliwanag ito compared sa ibang phone sa ngayon. Kahit i-post natin sa social media, maganda pa rin ang quality at itsura.
Display
Specification:
Sobrang ganda ng display. Napaka-vibrant ng color, sobrang accurate, at pwede nating babaan ang resolution ng display. Sa display setting > screen resolution, pwede tayo mamili kung pinaka-max na 1260p. Nasa pagitan ito ng 1080p at 1440p. Parang 1.5K ang resolution kapag iyan ang pinili. Mas sharp ang images at text. Pero kung sapat na sa atin ang 1080p, pwede naman at makakatipid pa tayo sa battery. Pero dahil sa battery performance ng phone na ito, pinili ko ang 1260p palagi. Ang display nitong V30 ay may SCHOTT Alpha Glass Protection. Almost same ito sa protection na kayang ibigay ng Corning Gorilla, pero mas mababa ang presyo. Para sa mga nagpaplanong manood dito ng mga movies at TV series, good news dahil ang Widevine Security Level ay Level 1. Sa Netflix, Full HD ang playback at may support pa sa HDR 10.
Kung gusto pa natin timplahin ang kulay, may tatlong presets ito sa settings at pwede ma-adjust ang color temperature. Pagdating naman sa screen refresh rate, kakaiba ang behavior ng screen refresh rate ng phone. Dahil na rin siguro ito sa pwede isagad or babaan ang resolution. Kapag 1080p ang resolution, bumababa ito from 120Hz to 60Hz. Pero nag-iiba nag behavior kapag nag-switch tayo to 1260p. Ang nagiging default nito ay 90Hz instead of 120Hz na max refresh rate. Nakakita ako ng workaround dito para 120Hz pa din ang default. Balik lang tayo sa screen refresh rate at i-lock sa 120Hz. Pero kahit naka-lock na ito sa 120Hz, bumababa pa rin ito sa 60Hz. Pero to be honest, napansin ko lang naman ang behavior na ito nang i-on ko ang “show refresh rate”. Noong hindi naka-on, hindi ko naman napansin na naka-90Hz lang pala ako, kasi smooth pa rin ang display.
Performance
Specification:
Napaka-decent ng performance ng phone na ito. Mapapaisip ka kung kailangan mo pa ba bumili ng flagship phone kung meron namang V30. Ang hindi ko lang nagustuhan sa FuntouchOs ay medyo madami pa rin ang bloatware. Napakagaan naman ng FuntouchOS lalo na sa ganitong specs. Pero meron pa rin itong pre-installed apps. Pwede naman natin i-uninstall iyan pero additional steps na naman.
Meron itong extended RAM na up to 12GB, total of 24GB of RAM. Ang Antutu score naman kapag naka-on ang extended RAM ay 802969. Tumaas naman ang score kapag naka-off ang extended RAM, 814860. I suggest, huwag niyo na gamitin ang extended RAM kung hindi naman kailangan. Malaki na ang 12GB at maganda naman ang RAM management ng Android 14. Sa Wild Life Stress Test, from 30 degrees celsius, umabot ng 41 degrees ang temperature after ng test. Sa battery naman, take note, naka-1260p tayo dito, ang nabawas ay 7% lang. Pagdating sa battery consumption, maganda ang performance na ibibigay sa atin ng phone.
Pagdating sa gaming, dito sa NBA Infinite, sagad lahat ng graphic settings nito. Pati ang Anti-aliasing ay nakasagad. Pagdating sa mismong gameplay, napaka-smooth, walang stutter at walang lag. Goods na goods ito pagdating sa gaming.
Battery
Specification:
Sa battery settings, meron itong Battery health and charging. Sa page na ito makikita kung ilan na ang battery health ng phone. Ang ganda niyan para makita natin talaga kung nade-degrade na ang battery. By default, naka-disable ang Fast charging. Kaya kung gusto natin magamit ang 80W na charging speed ng phone, i-on lang natin ito. Sa SOT naman, ito ang reason kung bakit sinabi ko kanina na hindi ko na binabaan ang resolution, 17 hours and 3 minutes. Hindi tayo mabibitin sa battery performance ng V30. Na-charge naman natin ang phone from 20% to 100% witihin 41 minutes.
Verdict
Sulit ba itong vivo V30? Kung ako ang tatanungin, Oo. Maliban lang sa dalawang downside na nakita natin kanina – ang single firing speaker at mga bloatwares – na hindi naman deal breakers for me. The rest, okay na okay ang phone na ito kung naghahanap ka ng phone na maganda ang display, design, camera, performance, at battery. Halos sa lahat ng aspect, panalong-panalo itong V30. Goods na goods ito para sa presyo. Highly recommended ang phone na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Website – https://bit.ly/v30prq
Shopee – https://bit.ly/vivo_V30AuraLight-Shopee
Lazada – https://bit.ly/vivo_V30AuraLight-Lazada
TikTok – https://bit.ly/vivo_V30AuraLight-TikTok
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: