Pagusapan natin ang camera capabilities ng vivo V29e. Saan ba talaga ito mage-excel? Sa focus ba? or video? Lahat yan paguusapan natin.
Camera
Specification:
Gusto ko bigyan ng commendation ang vivo pagdating sa camera setup na ginawa nila dito sa V29e. Kasi karamihan ng mga phone sa ngayon na kapag dalawa lang ang camera, yung isa dun ay depth sensor pa. Kaya halos hindi na natin magagamit iyun kasi yung bokeh sa likod ay pwede naman software base. Pero ginawa ng vivo na imbes depth sensor ay ultrawide. Kaya magagamit natin at legit na dalawang camera.
Outdoor
Una nating pagusapan ay ang mga outdoor photos. Sobrang tirik na tirik ang araw ng kumuha ako ng outdoor sample photos. May expectation ako na lahat ng photos na makukuha ko ay maganda ang quality. Pero at the same time ay napaka-challenging din dahil tutok na tutok ang araw at halos walang building sa paligid. Talagang may challenge rin lalo na pagdating sa dynamic range.
Halimbawa, itong building na halos nasa likod na ng araw. Mabilis naman ito nakapag-adjust dahil imbes na dumilim ang buong building, for the most part ay kitang-kita pa rin ang majority ng information. Maganda pa dito ay karamihan ng mga ulap ay hindi wash out. Kaya pagdating sa ganitong scenario ay goods ang camera nitong V29e.
Kung depth of field naman ang paguusapan, makikita niyo na sharp at detailed pa rin ang puno. Pero pagdating sa background ay blurry naman. Maganda ang separation ng foreground at background. Pero kapag wala namang kahit anong obstacle sa photo at sobrang tirik ng araw, mapapansin niyo na pinapantay nito ang exposure. Dapat ang photo ay may blown out parts na pero clear pa rin ito.
Ultrawide
Pagdating naman sa comparison ng ultrawide, 1x, at 2x zoom. Natuwa ako dahil halos wala akong makitang difference pagdating sa color reproduction at exposure. Take note na “halos” ang sinabi ko, ibig sabihin ay hindi palagi. Minsan ay may difference ka paring mapapansin, although hindi pa rin ganun ka-noticeable. Ang ganda rin ng dynamic range sa ultrawide camera. Unlike sa ibang ultrawide camera na na-try ko, madalas ay pansin na pansin agad ang pagiging madilim ng subject compared sa main camera. Para sa akin, isa itong V29e sa may pinakamagandang ultrawide camera sa price segment nito.
Pero ayaw ko kayong bigyan ng sobrang taas na expectation pagdating sa ultrawide camera nitong V29e. Kasi baka pagnagamit niyo na ito sa personal ay sabihin niyo “Akala ko ba sobrang ganda?”. Hindi iyan ang ibig kong sabihin, lagi niyong tatandaan na ang ultrawide camera, lalo na sa mga Android phones ay hindi main protagonist at side kick lang ito. Kaya i-expect niyo na mas noisy pa rin ang quality ng ultrawide, lalo na kung iko-consider natin na ang ultrawide camera ay 8MP lang.
Low Light
Pagdating sa low light photos ay nagustuhan ko din itong V29e, lalo na kapag ginamit natin ang night mode. Talagang nadagdagan ang sharpness at liwanag kaya mas gumanda talaga yung low light photo.
Micro Movie
Meron din itong Micro Movie sa camera app. Select lang natin ito at makakapamili na tayo ng presets para mabago ang effects or grading. Madaming mapagpipiliin na depende sa content na gusto mo gawin. Pwede ito para sa food, travel, or vlog. Malaking tulong ito para sa magvo-vlogging at lalo na sa tiktok.
Video
Next ay ang video recording. Sa camera application, pwede ito mag-shoot ng up to1080p/60fps. Pero kung gusto natin ng stabilization ay baba ito ng 30fps. Para sa isang 1080p video ay okay naman ang quality at sakto lang, stable din ito habang naglalakad tayo. Pero ang video recording ng phone ay hindi strongest suit ng phone na ito. Mas okay pa rin sana kung meron itong 4K video recording kasi lumampas na ito ng Php15,000. Overall, not bad naman ang quality pero sa photos pa rin nag-excel ang phone.
Aura Light
Next na paguusapan natin ay ang Aura Light. Punta lang tayo sa Camera Application > Photo Mode > Flash > Aura Light. Nagbabago ang temperature ng kulay kapag ginamit natin ito. Para talaga itong ring light at malaking advantage ito sa madidilim na lugar. Imbes na flash ang gagamitin natin ay Aura Light nalang ang gamitin. Kapag flash ang gagamitin ay magiging obvious ang pagka-shiny at pagka-oily ng mukha natin. Pero kapag Aura Light ang ginamit natin ay para kang may studio right light at talagang maba-balance nito ang brightness at tama ng ilaw.
Ang laki ng difference kung iko-compare sa flash. Mas maganda ang timpla ng kulay ng balat natin compared sa flash. Tapos ang mga unnecessary shadows sa mukha natin ay maiiwasan.
Verdict
Sana nakatulong ito para makita natin ang camera capabilities nitong vivo V29e.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkell6
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: