Pagusapan natin ngayon ang vivo V29e. Marami sa inyo ang nagisip kung talaga bang sulit ang phone na ito. Hindi ko kayo masisi kasi una sa lahat ay naka-Snapdragon 695 5G ang chipset nito, at okay pa ba ito para sa taong 2023? Pangalawa, less than 5000mAh ang battery capacity nito at okay kaya ang performance nito? Mabilis kaya ito ma-charge? Maganda kaya ang camera? Lahat iyan ay sasagutin natin sa video na ito, unbox na muna natin.
Price
Nasa baba ang link kung gusto mo bumili at i-check ang updated price.
Unboxing
Kagaya pa rin ng ibang V series ng vivo, kulay gray pa rin ang box. May bilog din ito sa gitna at manifesting iyan ng Aura Light na makikita natin mamaya. Nasa ating variant ay 12/256GB na Forest Black. First time ko makakita ng ganitong colorway sa isang vivo phone. Pag-open ng box, ang V29e ang makikita natin agad. Sa ilalim ng box ay may jelly case na may added protection sa camera module. Meron din itong documentation, 44W charging brick na USB-A ang port, cable na USB-A to USB-C, at SIM ejector pin.
Design
Ang ganda ng Forest Black na colorway. Matte black ito at may pagka-green depende sa tama ng ilaw. Meron pa itong ibang colors na Rose Gold at Ice Creek Blue. Flat ang mga sides nito. Sa right side ay may volume up and down button at power lock button. Sa left side ay malinis. Sa taas naman ang secondary microphone. Sa ibaba naman ang SIM tray, main mic, USB-C port, at speaker. Sa SIM tray, dual SIM lang ang pwede dito. Sa harap ay naka-punch hole selfie camera at may pre-installed na screen protector. pagdating sa bezel, almost proportion pero medyo makapal ang chin.
Single firing speaker lang ang meron dito sa V29e, nakakalungkot iyun kasi lagpas Php15,000 ang presyo nito at dapat dual speaker na ito. Pero pagdating sa overall quality ng speaker, sapat naman ang lakas, sakto lang din ang quality, pero makukulangan lang sa immersion. Ang biometrics dito ay in display, okay naman ito at mabilis naman ang pag-unlock. Sa haptics naman ng phone, by default ay naka-off pero pag-on ay okay naman.
Sa settings > sounds & vibration, merong makikita na Audio Booster. Kapag i-enable ito, ang max volume ay aabot ng 150%.
Display
Specification:
Pagdating sa color reproduction, maganda at for the most part ay accurate naman. Mage-enjoy talaga tayo sa media consumption. Ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Sa Netflix application, ang Maximum Playback Resolution ay Full HD.
Pagdating naman sa settings ng screen refresh rate ay may smart switch: from 120Hz ay baba to 60Hz. Meron din itong 60Hz or 120Hz. Sa behavior naman ng auto refresh rate, from 120Hz ay bumababa naman ito to 60Hz. Makakatipid naman tayo sa battery.
Pwede rin natin matimpla ang kulay; Standard, Pro, at Bright. Pwede rin natin matimpla ang color temperature.
Performance
Specification:
Ang Antutu score na nakuha natin ay 447734, not bad at almost half million ang score. Sa thermals naman ay maganda din, from 34°C ay umabot lang ng 39°C after ng Wild Life Stress Test. Pagdating naman sa battery after ng test, 3% lang ang nabawas.
Game test natin ito sa Asphalt 9, smooth naman overall. Hindi nito na-generate lahat ng graphics. Pero enough naman ang smoothness para ma-enjoy natin ang buong game.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshots:
Battery
Less than 5000mAh ang battery capacity nito, 4800mAh lang at capable lang ito sa 44W na fast charging. Pero ang SoT na nakuha ko dito ay 18 hours and 10 minutes. Grabe, kahit na wala sa 5000mAh ang capacity nito ay grabe ang SoT na nakuha natin dito. Pagdating sa charging ay isang oras lang ang inabot, from 19% to 100%.
Verdict
Sa tingin niyo ba ay sulit itong vivo V29e 5G? Abangan niyo ang sunod kong update para sa dedicated camera at dedicated game review ko dito sa V29e.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkell6
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: