Na-announce na ng Vivo kung magkano itong Vivo V29 5G. Meron itong dalawang variant na pwedeng pagpilian kapag bibili kayo. Una ay ang 12/256GB na may price na PHP24,999 at 12/512GB na may price na PHP26,999.
DESIGN
Kagaya ng sinabi ko sa Unboxing nitong V29, ang ganda niya talaga sa personal. Ang nandito sa akin ngayon ay ang Starry Purple pero kung gsto niyo na i-level up ang design, pwede niyong piliin ang Magic Maroon kung saan may color-changing effect. Ang isa pa sa maganda sa design nitong V29 ay meron itong IP54 rating na dust and water resistant. Ang downside lang sa design nito ay medyo madulas talaga siya sa kamay. Kaya advise ko, bumili na kayo kaagad ng case para maingatan niyo talaga kasi madulas siya kapag hindi gumamit ng protection.
Ang ginamit ng Vivo na in-display fingerprint scanner ay Optical kaya mabilis siya at responsive. Pagdating naman sa haptics, okay din siya pero hindi siya flagsip level na feels at pwede na para sa isang mid-range phone. Single-firing speaker lang din ito pero kapag narinig niyo ang sound nito, malakas siya at hindi ako nabitin. Kahit i-max pa ang volume, hindi siya muffled at tunog lata. Pero para sa ganitong presyo, dapat dual speakers na ang meron tayo. Pagdating sa sim tray, dual sim slot lang ang meron dito at wala tayong mapaglalagyan ng micro SD card. In short, hindi expandable ang storage nitong Vivo V29 5G. Advise ko, kung may budget naman kayo, go for 512GB para hindi kayo mabitin sa storage. At dahil maganda ang camera nito, malamang na mabilis mapupuno ang storage niyo.
DISPLAY
Meron itong 6.78″ Curved AMOLED 1260 x 2800 resolution, 452 ppi at aabot ng 120Hz ang maximum refresh rate. May support ito sa HDR10+ at aabot ng 1B colors ang kayang i-produce ng display nitong Vivo V29. Keep in mind na ‘yung resolution niya ay alanganing Full HD+ at 2K, talagang naglalaro siya sa gitna.
Napaka-crispy ng quality nito at ang ganda ng color reproduction kaya talagang maa-appreciate natin ang design kapag nag-play tayo ng HD contents at 4K videos. Sa Display Settings > Screen Colors, pwede tayong mamili ng mga color mode na Standard, Pro at Bright.
Pag-usapan naman natin ang refreh rate. Meron itong tatlong option: Smart-switch, 60Hz at 120Hz. Usually, kapag sinelect natin ang Smart-switch, bababa siya to 60Hz kung kinakailangan. Pero sa case nito, gusto kong i-inform kayo na kapag sinelect natin ang Smart-switch, 90Hz ang maximum refresh rate na magagamit natin, hindi 120Hz.
Pagdating sa media consumption, good news kasi Level 1 ang Widevine Security Level nito at Full HD ang Maximum Playback Resolution na may support sa HDR10 sa Netflix. Kaya mae-enjoy natin ang streaming natin. Ang kagandahan pa dito sa Vivo V29 5G, sobrang nipis ng mga bezel niya sa kahit anong side at meron na ding pre-installed screen protector ito.
PERFORMANCE
Naka-Funtouch OS 13 na ito out of the box, Android 13 na ‘yan, Snapdragon 778G 5G chipset, up to 512GB storage at 12GB RAM. Meron din itong Extended RAM na 8GB RAM. Basically, aabot ng 20GB RAM itong Vivo V29 5G. Again, huwag niyo na lang gamitin kasi malaki na ang 12GB para sa everyday applications natin. Overall, napaka-smooth at napaka-stable naman ng UI nito at wala akong error na nakita. ‘Yun nga lang, ang dami niya pa ding pre-installed apps. Mabuti na lang, pwede natin i-uninstall.
Ang pinakamataas na Antutu Score na nakuha natin dito sa Vivo V29 ay 607301, kaya mae-expect natin na maganda talaga ang performance niya. Pagdating sa thermals, 6% lang ang nabawas sa battery percentage after ng test at 8°C lang ang nadagdag sa temperature.
Triny ko siya sa CarX Rally na naka-max lahat ng graphics pero umaabot lang ito ng 30fps, minsan 40fps. Smooth naman na ‘yan pero nag-expect ako ng mas mataas pa na frame rate. Kapag binabaan naman ang graphic settings, umaabot na ito ng 100+fps kaya confirmed na pwede itong Vivo V29 sa high refresh rate gaming.
CAMERA
Meron itong 50MP main shooter na may OIS, 8MP ultrawide, 2MP depth sensor at 50MP selfie camera. ‘Yung bilog naman na nasa baba ng camera module ay tinatawag na Aura Light 2.0 kung saan meron itong Smart Color Temperature Adjustment at Soft and Even Lighting. Basically, ang tulong na maibibigay sa atin ng Aura Light ay mas nagiging pantay ang kulay ng skin tone at mas maganda ang kulay kahit ma madilim ang environment. Para itong photo na may softbox. Ito ang mga sample shots:
Sa video recording naman ng selfie camera, makakapag-record tayo dito ng 4K 30fps. Wide enough din ang framing niya. Pero kung gagamitin niyo ito sa vlogging, kailangan niyong i-activate ang Electronic Image Stabilization (EIS). Pero kung gagawin niyo iyon, magda-downscale to 1080p 30fps ang video recording at magzo-zoom in ang framing.
BATTERY
4600mAh ang battery capacity nito at capable sa 80W na fast charging. Nakakuha tayo ng 14 hours and 58 minutes SOT na may setting na Smart-switch at 50% brightness. Pagdating sa charging, from 19-100%, 59 minutes ko lang na-charge.
Iyan na lahat ang gusto kong i-share tungkol dito sa Vivo V29 5G pero gusto diko ding malaman ang thoughts niyo dito kaya comment lang kayo diyan sa baba.
Kung ako ang tatanungin ninyo, okay sa akin ang phone na ‘to maganda siya. Kung gusto niyong bilhin ito, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljtam4