May bagong phone ang Vivo, ito ang V29 5G. Abangan niyo ang full review ko dito kasi more than 1 week ko ng ginagamit ang phone na ‘to at marami na akong data na nakuha tulad ng accuracy ng display, battery life, camera at performance. Ilalabas ko ang full review kapag nirelease na ng Vivo ang kanilang official SRP.
UNBOXING
Silver ang overall na kulay ng box tapos merong malaking bilog na makikita sa gitna ng box, malamang na dahil sa oral light ng kanyang camera. Ang andito sa atin ngayon ay ang Purple na colorway at 12/256GB variant.
Pag-open ng box, ‘yung V29 agad ang makikita na nakabalot sa plastic. Grabe, napakanipis at napaka-elegante ng phone na ‘to! Sa loob pa din ng box, meron din itong jelly case, documentation, Vivo FlashCharge, USB-A to USB-C cable at sim ejector pin. ‘Yung jelly case nito ay may added protection sa bawat gilid pero ang laki ng butas sa camera module kaya compromise pa din ang napakagandang camera ng phone na ‘to. Suggestion ko na humanap na lang kayo ng case para sa phone na ‘to.
DESIGN
Sobrang ganda at napaka-elegante ng design ng likod nito. Gradient at may glittery effect na may pagka-wavy ng design ng likod niya. Napakanipis din ng phone na ‘to pero alam ko ang concern ninyo na may kapalit ang ganitong form factor, ito ay ang mas maliit na battery capacity. Kaya abangan niyo sa full review kung okay ba ang battery life ng phone na ‘to.
Sa taas, meron itong nakasulat na Professional Portrait at may secondary microphone. Sa gilid, meron itong volume up and down buttons at powerlock button. Sa ilalim naman makikita ang main speaker, USB-C port, main microphone at sim tray. Sa harap makikita ang punch hole selfie camera sa gitna at meron itong in-display fingerprint scanner. Napaka-premium ng phone na ‘to kasi ‘yung mga bezel niya ay proportioned at may curved display. Pero alam natin ang disadvantage ng mga curved display na mahirap silang hanapan ng screen protector at tempered glass. Mabuti na lang, itong Vivo V29 5G ay may pre-installed na na screen protector kaya hindi tayo mamomroblema kapag binili natin ang phone na ‘to.
Anong gusto niyong isama sa Full Review nitong Vivo V29 5G? Comment lang kayo diyan sa baba. Siyempre abangan niyo ang battery performance, charging, Antutu Scores, Wildlife Stress Test, kung okay ba siya sa gaming at kung ano ang behavior niya sa refresh rate.