Itong phone na pag-uusapan natin ngayon ay mahirap talaga ubusin ang battery. 23800mAh ang battery capacity nito at sa test ko ay mahigit 2 days pwede natin ito magamit ng tuloy-tuloy.
Price
Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing. 8849 ito ng Unihertz, sub-brand ito o subsidiary, parang Xiaomi at POCO.
Unboxing
Napakalaki ng box ng 8849 Tank 2 Pro. Familar yung design ng box sa iba pang Unihertz na na-unbox natin. Nasa atin ngayon ay 8/256GB na variant. Pag-open ng box ay phone agad ang makikita natin. Sa ilalim ay may tempered glass, documentation, USB-C to USB-C cable, at nakakatuwa dahil ang charger nito ay 120W na. Kahit na malaki ang battery capacity nitong Tank 2 Pro ay maasahan natin na hindi ito ganun katagal i-charge.
Design
Napaka-rugged ng phone na ito. Sobrang kapal ng phone na ito at parang dalawang phone yung hawak mo. Napakabigat din ng phone at hindi mo ito magagamit ng matagal dahil mangangawit ka talaga. Ang frame nito at sa likod ay aluminum, the rest ay plastic na. Ang edge ng phone ay may bumper para sa added protection at may makikita rin tayong mga naka-expose na screws. May LED na dalawa ito para sa ilaw. Halimbawa ay nagka-camping tayo o pumunta tayo sa madilim na lugar ay pwedeng-pwede natin ito gamitin as flashlight. Sobrang liwanag din ng flashlight ng phone at hindi mo kayang tingnan dahil masakit sa mata.
Sa camera module ay makikita niyo na meron itong IR Camera. Meron din itong Projector, may butas ito para sa exhaust at isa pang butas pang-intake ng hangin. Napapalamig ang phone habang ginagamit natin ang projector kasi alam naman natin na ang mga projector ay mabilis talagang uminit. Meron itong malaking battery capacity, IR Camera, at Projector kaya perfect na perfect ito sa mga magka-camping, travel, highking, at iba pang outdoor activiteis.
Sa ilalim makikita yung naka-cover na USB-C port at headphone jack at meron din itong sabitan ng lanyard. Meron din itong dalawang programable key, volume up and down buttons, at SIM tray. Hindi na natin kailangan ng SIM ejector pin sa tray, pwede itong lagyan ng dual SIM at micro-SD card slot. Nakapag-review na tayo dati ng phone na may projector. Pero ang kaibahan ng projector nitong Tank 2 Pro ay may pang-adjust ito ng focus. May crown ito sa gilid na pwede nating i-ikot-ikot. Napaka-convenient dahil hindi na natin kailangan umatras or umabante para makuha yung sharpness na gusto natin.
Sa harap naman makikita yung punch hole selfie camera. Pantay naman ang bezel sa gilid at taas pero sa baba ay medyo makapal. Sa right side naman makikita ang power lock button na fingerprint scanner na rin. Hindi naman super bilis ang pag-unlock pero reliable dahil lagi nito nau-unlock ang phone sa isang dampi lang.
Battery
23800mAh yung capacity nito. Kapag nagte-test tayo ng battery, PCMark ang ginagamit nating application pero sa Tank 2 Pro ay pinapatay nito ang application kapag nasa kalagitnaan na. Makikita naman natin sa battery usage kung ilan na yung na-consume na screen on time ng PCMark hanggang sa mamatay ito. Nakalagay dito ay 22 hours and 35 minutes, ganun katagal tumtakbo yung PCMark pero meron pa rin itong 66% na natitira sa battery. Ganun kalaki ang SoT na makukuha natin dito. For two days na tutuloy na paggamit ay hindi pa rin malo-lowbat itong Tank 2 Pro.
Charging
Specification:
Para sa ganitong battery capacity ay mabilis na iyan. Nag-check din ako ng consumption ng projector nito. Nag-play ako ng YouTube video nang tuloy-tuloy at 4 hours and 9 minutes ito naka-play sa projector. Pero meron pang natitirang 50%. Pwede tayo mag-play sa projector ng around 8 to 9 hours ng tuloy-tuloy. Impressive iyan para sa isang phone na may projector.
Ang projector nito ay merong 854 x 480 resolution at aabot ng 100 lumens yung brightness. Meron din itong key stone correction, pine-prevent nito yung screen na maging trapezoidal. Kapag nag-play tayo sa projector at hindi pantay ang hawak natin ay usually magiging trapezoidal yung lalabas na shape sa video na naka-project. Nangyayari iyan kapag walang keystone correction pero dahil meron itong Tank 2 Pro ng keystone correction ay kahit hindi pantay ang hawak natin o hindi pantay ang pinaglagyan ay kusa nitong ia-adjust yung image para pumantay. Habang nanonood tayo sa projector ay pwede natin i-lock ang main display para mas tipid sa battery.
Puntahan naman natin ang IR Camera. Malaking tulong din ito para sa mga pupunta sa madidilim na environment.
Ito ang mga sample photos:
Ang laking tulong nito at makikita talaga natin ang nasa dilim na hindi nakikita ng mata natin or normal na camera phone.
Display
Specification:
Medyo bad news dahil ang Widevine Security Level nito ay Level 3 lang at Standard Definition lang ang max playback resolution sa Netflix.
Performance
Specification:
Pagdating sa main display at performance ay medyo basic talaga o entry level. Naging mahal lang talaga ang phone dahil sa malaking battery capacity, mabilis i-charge, may projector, at may IR Camera. Hindi ito para sa mga typical user lang.
Ang Antutu score nito ay 428529. Very decent naman at pwedeng-pwede natin magamit sa everyday application natin.
Verdict
Yan lang muna ang gusto ko i-share sa inyo. Again, ito ang Unihertz Tank 2 Pro na may 23800mAh na battery capacity + may projector pa. Pero sana yung projector ay lagyan nila ng covering na kagaya ng flap sa ibaba ng phone. Sana sa susunod na alteration ay nakalubog at may cover na ang projector. Kahit na grabe yung protection na inilagay nila sa phone, kapag bumagsak ito at nauna ang salamin ng projector ay wala na agad tayong projector.
Ang phone na ito ay hindi para sa lahat, para ito sa mga magta-travel, magka-camping, or gusto ng backup phone na matagal talagang ma-lowbat.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Aliexpress: https://www.aliexpress.com/item/10050…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: