May pinadalang phone ang Unihertz sa atin. Ang name nito ay Unihertz Luna. Luna ang name kasi meron siyang ilaw sa likod katulad ng Nothing phone. Ang current price nito ay $249.99 as of September 6, 2023, na kung ida-direct convert natin ay papatak ng PHP14,200. Pero siyempre hindi pa kasama ang shipping fee diyan kaya baka pumatak siya ng around PHP15,000 or PHP16,000.
UNBOXING
Meron itong pattern sa harap ng box kung saan ito ang pattern na makikita sa lighting effect sa likod ng phone. Ang nandito sa atin ngayon ay color White at 8/256GB variant. Pag-open ng box, ang unang bubungad ay ang document sleeve na may sim ejector pin, extra screen protector at documentation. Tapos, makikita na ang Unihertz Luna na nakalagay na ang jelly case, charging break at USB-C to USB-A cable.
DESIGN
Medyo hawig talaga siya ng Nothing Phone pero pagdating sa overall na itsura ng likod, hindi ko masabi na ganun ka-appealing compared sa Nothing Phone. Tapos, ‘yung ginamit nilang coating sa mga gilid ay gasgasin talaga kasi plastic lang. Makapal din siya para sa 5000mAh battery capacity.
Pwede tayong mamili ng pattern ng kanyang LED light sa likod. Pero nagbabago lang naman ang ilaw sa bawat option. Dapat hindi Pattern ang ginamit nilang word dito, dapat Color na lang kasi di naman nagbabago ang pattern ng ilaw niya. Pwede ding piliin ang Ambient Light para laging naka-on ang LED light kapag naka-on ang device.
Yes, gumagana ang LED Light niya pero hindi ganun ka-appealing at hindi siya magiging reason para bilhin niyo ang phone na ‘to. Single firing speaker lang din ito at hindi maganda ang sound quality niya kasi sabog, mahina ang maximum volume at distorted. Hindi ko din nagustuhan ang haptic feedback niya. ‘Yung fingerprint scanner niya naman is may time na hindi siya nao-open ng isang dampi at medyo mabagal ang animation.
DISPLAY
Meron itong 6.81″ IPS LCD FHD+ resolution, 60Hz refresh rate at protected ng Panda MN228 Glass ang screen nito. ‘Yung Panda MN228 Glass ay parang cheap version ng Corning Gorilla Glass. Pero good to know naman kasi meron silang nilagay na protection dito kahit papano.
Ayos lang din ang kulay niya na nasa cool side. ‘Nung nag-play ako ng video sa YouTube na 2K 30fps, meron akong nakitang lag. Pero ‘nung nilagay ko siya sa 1080p, naging smooth siya kaya hanggang 1080p lang ang kayang playbac nito.
Bad news din kasi Level 3 lang ang kanyang Widevine Security Level kaya hindi tayo makakapag-play dito ng mga HD contents sa mga streaming services. Pagdating sa ganitong presyo, medyo red flag talaga ‘yan.
PERFORMANCE
Naka-Android 12 na ito out of the box, Helio G99 chipset, 8GB RAM at 256GB internal storage. Mataas din ang nakuhang Antutu Score dito, 434385. Pagdating sa gaming, di niya na-generate lahat ng graphics pero kaya niya naman patakbuhin ang game na may konting lag at framedrops. After naman ng Wild Life Stress Test, ang nabawas lang na battery percentage ay 7% at nadagdagan ng 2°C lang ang temperature. Kahit na almost Stock Android ang feels nitong phone, meron pa din akong natanggap na dalawang software updates.
CAMERA
Meron itong 108MP main shooter, 20MP night vision, 2MP macro lens at 32MP selfie camera. Yes, meron itong night vision pero hindi pa din siya ganun ka-appealing kasi hindi naman lahat sa atin ay kailangan ng IR camera. Mas maganda sana kung ang nilagay nila dito ay Ultrawide. Kaya din nitong magrecord ng 1080p 30fps sa selfie camera at meron din itong EIS. Ito ang mga sample photos:
BATTERY
5000mAh ang battery capacity nito na capable sa 18W charging speed.
Iyan na lahat ang gusto kong i-share dito sa Unihertz Luna. Kung sulit ba ‘to, kayo na ‘yung magdecide, comment kayo diyan sa baba.