Pag-uusapan natin ngayon itong napaka-unique na phone at ang World’s Smallest ANDROID 13 Phone na Unihertz Jelly Star. Hindi pa sinasabi ng Unihertz ang official price nito pero magkakaroon tayo ng idea kapag tinignan natin ‘yung quick starter page para dito sa Jelly Star. Ang io-offer nilang price para sa magba-back-up ng kanilang project ay $169 na papatak ng PHP9,300+. Magiging ganyan siguro ang magiging official price nito or aabot ng PHP10,000 o PHP11,000. Tignan natin kung ano ang maio-offer ng Jelly Star para sa price na ‘yan.
UNBOXING
Sobrang liit lang talaga ng box niya at napakasimple din ng design. Makikita lang ‘yung blueprint ng Jelly Star, may Unihertz na logo, Jelly Star branding sa gilid at sa likod naman makikita ang ilang specs ng phone na ‘to kagaya ng 2000mAh battery capacity, 3″ display, 3GB RAM at 256GB internal storage.
Sa loob ng box, makikita ang document sleeve na may sim ejector pin, extra screen protector at documentation. Nakabalot naman sa plastic ‘yung mismong Jelly Star phone. Meron itong available colors na blue at red. Ang ganda ng design nitong Jelly Star. Hindi lang siya basta plain na maliit na phone at kulay black ang likod kundi transparent ang likod niya at nakikita natin ang kanyang internals. Meron din itong pattern ng LED sa likod. Meron din itong kasamang lanyard pero ang ironic lang kasi wala namang suksukan ng lanyard itong Jelly Star. Kaya di mo din siya magagamit unless bumili ka ng kanilang case. Nasa loob din ng box ang charging break na USB-A at USB-A to USB-C cable.
Again, napaka-unique at napakaganda ng hitsura ng design nitong Jelly Star. Medyo familiar din ang design kasi para siyang Nothing Phone. Meron itong fingerprint scanner at LED flash para sa kanyang single camera. Sa taas, meron itong IR Blaster, headphone jack at secondary microphone. Sa ilalim naman ay makikita ang main speaker at main microphone. Sa left side makikita ang volume up and down button at sa right side naman ang USB-C port, sim tray, programmable key at powerlock button. Ang kanyang sim tray ay hybrid kaya pwede tayong maglagay ng dalawang sim or isang sim at micro SD Card.
Ang isa pa sa hindi ko nagustuhan sa design nito ay nasa gilid ‘yung kanyang USB-C port. So if ever na magcha-charge tayo, makakasagabal siya habang hawak natin. Mas maganda kung hindi natin siya hahawakan habang naka-charge kasi sobrang uncomfortable. Pwera na lang kung manonood tayo kasi hindi makakasagabal ‘yung charging cable kasi naka-landscape mode naman tayo.
Isa din sa hindi ko nagustuhan is ‘yung placement ng programmable key. Dahil napakalapit niya sa powerlock button, madalas ito ‘yung napipindot ko. Mas maganda sana dahil iba ‘yung kanyang kulay, ito na lang sana ‘yung powerlock button. Nasa gitna din siya, kaya mas natural sana kung ito nalang yung pipindutin kaysa sa may bandang itaas. Pero makakasanayan din natin ‘yan sa katagalan.
Sa harap naman ay meron ng naka-install na screen protector, meron din earpiece at secondary speaker. Makikita din sa harap ang selfie camera at capacitive buttons na Home, Recent Apps at Back Button.
Kahit maliit itong Jelly Star, nakita niyo naman na siniksik ng Unihertz at kinumpleto nila lahat ng kailangan na buttons at ports. Meron itong headphone jack, USB-C port na siya, may micro SD card slot na kayang maghandle ng upto 1TB at dual speakers pa! Kaya talagang hindi tinipid kahit na napakaliit lang ng size niya.
In real life, kailanagan niyong makasanayan muna ‘yung fingerprint scanner kasi medyo malayo. Pero nababasa naman siya kaagad kaya walang problema. Kailangan lang talaga ng practice para masanay tayo.
Kapag tinignan naman natin sa may gilid, meron na siyang default na widget. Click lang natin siya para ma-on at pwede na nating gamitin ang LED sa likod as flashlight, as flash sa camera or as notification light kung meron tayong email, messages or calls na matatanggap. Useful naman siya pero medyo maaksaya lang siya sa battery, considering na maliit lang ang battery nitong Jelly Star.
Kung tatanungin niyo naman ako kung comfortable bang mag-type dito ng mga messages, hindi masyado. Depende ‘yan sa laki ng fingers natin. Napipindot naman siya, kailangan lang natin ng practice. Hindi din siya ideal for daily usage, pangback-up phone siguro pwede. Or pwede din siya sa mga anak niyo na nag-aaral pa lang gumamit ng Android phone.
DISPLAY
Ang kaniyang display ay 3″ IPS LCD 854 x 480 resolution, 60Hz refresh rate at 323 ppi. Kapag nagplay tayo ng 16:9 video sa YouTube, wala itong black bar sa taas or sa gilid. Talagang kapag nagfull screen tayo, saktong-sakto siya at iyan ang adantage niya. Pero siyempre para sa media consumption, medyo mahirap lang kasi ang liit nga nitong Jelly Star. Pwede na siya para sa mga bata para hindi masyado malaking display ang tinitignan nila.
Bad news lang kasi ang kanyang Widevine Security Level ay Level 3 lang kaya hindi tayo makakapag-play ng mga HD content sa mga streaming services. Which is okay lang kasi 480p lang ito, talagang hindi HD ang resolution.
PERFORMANCE
Naka Android 13 na ito out of the box, Helio G99 chipset, 8GB LPDDR4 RAM at 256GB internal storage. Again, hindi tinipid ng Unihertz ‘yung specs dito sa napakaliit na phone na ‘to. Alam naman natin na medyo aggressive ang Helio G99 na chipset pero idagdag pa natin na naka-480p lang ang resolution nito kaya dagdag sa performance iyon ng chipset niya.
Nakakuha tayo dito ng 335,755 Antutu Score. Not bad para sa ganito kalaking phone at talagang performer ng maituturing dahil sa score na ‘yan.
Pagdating sa Wildlife Stress Test, below average ang nakuha nating mga result kagaya ng battery consumption, nabawasan tayo ng 8%. Nadagdagan naman tayo ng 13° sa temperature kaya hinay hinay pa din kung maglalaro tayo dito. Medyo alarming ‘yung heat na magegenerate niya lalo na kung mabigat yung gamena nilalaro natin.
At hindi ko maire-recommend na mag-games tayo dito kasi nga ang liit. Baka ‘yung iba sa atin ay ma-cover na ng dalawang thumb natin ‘yung 50% ng display nito. Pagdating sa Asphalt 9, wala namang naging problema sa performance at walang framedrops na naexperience. Hindi niya na-generate lahat ng graphics pero hindi na iyon halos mapansin kasi sobrang compressed ng display na nakikita natin. Okay na okay siya, pleasing sa mata at responsive din sa bawat touch. Pero hindi ko pa din maire-recommend kasi mahihirapan lang kayo.
CAMERA
Meron itong 48MP rear camera na kayang mag-shoot ng 2K video at 8MP selfie camera na kayang mag-shoot ng 1080p video recording. At ‘yun yung nakikita kong advantage sa mga ganitong klaseng phone. Although, hindi ganun kalinaw ‘yung 1080p pero hindi ka mahihiyang mag-vlog kasi hindi nila nakikita na may hawak kayong phone, parang may hawak lang kayong action camera kaya hindi masyadong pansinin. Tignan natin ang mga sample shots:
Kung kayo ang tatanungin, pasado ba ang kanyang quality? Comment kayo diyan sa baba.
BATTERY
Meron itong 2000mAh battery capacity at 10W na charging speed. Hindi na tayo magrereklamo sa 10W kasi maliit lang naman ang capacity kaya hindi natin maituturing na mabagal ‘yan para sa phone na ‘to.
Nakakuha din tayo ng 7 hours and 42 minutes lang na SOT. Hindi siya impressive pero expected na ‘yan dahil nga napakaliit lang ng phone na ‘to. Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi siya ideal sa daily usage pero pwede siya maging backup phone or phone para sa mga anak ninyo na nag-aaral pa lang gumamit ng Android phone.
So, para kanino itog Unihertz Jelly Star? Kung ako ang tatanungin ninyo, katulad ng kanina ko pa sinasabi, para ito sa mga bata na nag-aaral pa lang gumamit ng Android Phone. Hindi sila mahihirapan gumamit nito kasi kasyang-kasya sa kamay nila at maliit din ang mga daliri nila.
Maliban sa mga bata, pwede din ito sa mga adults. Pwede natin itong i-kwintas kung makakabili tayo ng case sa website ng Unihertz. Pwede din ito kung mahilig tayong mag-travel sa mga tourist spots at ayaw natin ilabas ang mamahalin nating daily driver na phone. Kailangan lang din talaga nating mag-adjust sa pagta-type kasi malaki-laki na ang fingers natin.
Sa tingin niyo ba, sulit ba siya sa price na PHP9,300 o PHP10,500? Kung ako ang tatanungin ninyo, para sa akin sulit siya. Napaka-unique, napaka-useful at maganda ang chipset na nilagay nila. Siguro ang kailangan lang i-improve ng Unihertz sa susunod nilang maliliit na phone ay ang battery performance kasi nasa 8 hours lang ang nakuha nating SOT dito. Pero kaya naman tumagal ‘nun ng isang araw kung hindi tayo magde-data dito.
Kung gusto niyo pang malaman ang ibang details ng phone na ‘to, click niyo lang ang link na ‘to: https://www.unihertz.com/pages/jelly-…