Ang paguusapan nating Android phone sa ngayon ay ang world smallest 5G phone, sabi ng Unihertz. Ito ang Unihertz Jelly Max, ang sad news ay hindi pa ito available sa market. Hindi pa ito under production at nasa Kickstarter pa ito at nagiipon pa sila ng funds para matuloy nila ang production. Pero at least, magkakaroon tayo ng idea kung ano ang aasahan natin sa phone before niyo bilhin kung sakaling magustuhan niyo ito. Nagiging available ito sa kanilang AliExpress, abangan niyo ang link sa description box sa video ko sa baba kapag available na.
Price
Nasa around $199 to $259 ang nakita kong presyo nito sa Kickstarter. Pero malaki pa ang chance na magbago iyan dahil nasa bandang October 2024 pa magii-start ang kanilang production.
Unboxing
Napakasimple lang ng box nitong Jelly Max, puting-puti allover at walang kahit anong picture. Sa bandang likod ay makikita natin ang specs ng phone. Pagbukas ng box, una nating makikita ay ang document sleeve. Sa loob nito ay may SIM ejector pin at documentation. Sunod naman ang Jelly Max, sobrang unique ng design nito. Maliban sa maliit, transparent na at curve pa ang likod kaya napaka-comfortable nito gamitin. Old style fingerprint scanner naman yung nasa likod at kakaiba yung shape ng camera module. Sa ilalim ng box naman ang 66W na charger na USB-C ang port at USB-C to USB-C cable.
Design
Medyo makapal ang phone pero given na iyan dahil maliit ang phone at pinagkasya nila ang medyo malaking battery capacity. Ang importante ay napaka-comfortable nito gamitin. Hindi ito nakakangawit kahit maliit. Yung ibang Android phone kasi na nagamit ko from Unihertz before ay medyo hindi comfortable gamitin dahil maliban sa rugged, hindi curve, makapal, tapos masyado harsh sa palm at hindi talaga comfortable. Unlike dito sa Jelly Max, una kong napansin ay hindi ka mangangalay kahit matagal-tagal mo ito gamitin. Para sa akin, yung design factor ng phone na ito ay pasadong-pasado for daily use.
Ang maganda pa ay nilakihan nila ang display size. Unlike sa mga naunang Jelly Phones nila na ang laki na ng bezels at ang liit pa ng display. Pero ito ay maliit na ang bezels, medyo makapal lang sa bandang baba pero okay lang iyun. Balikan muna natin ang likod nito, transparent, may Unihertz branding sa ibaba, may fingerprint scanner, at ang camera module ay may kaunting resemblance sa camera module ng Pixel phones. Nasa tabi naman ng camera module ang single firing speaker. At in fairness naman sa single firing speaker, malakas at maganda yung tunog at hindi sabog. Pero para sa akin, kapag lumampas ang phone sa Php15,000 ay dapat dual speakers na. Siguro, talagang mini-maximize nila yung space ng phone para mapagkasya yung mahahalagang mga components. Kaya isang speaker lang yung nasa sa atin.
Sa taas ng phone, makikita natin ang IR Blaster at secondary microphone. Sa may right side, yung pulang button ay ang programable key at sa baba niyan ay ang power lock button. Sa left side naman ang volume up and down buttons at sa bandang baba ang SIM tray. Ang SIM tray nito ay hybrid pero at least makakapagsalpak tayo dito ng micro-SD card. Sa ilalim naman yung USB-C port at main microphone. Good news, dahil ang harap nitong Jelly Max ay meron ng pre-installed na screen protector. Good news din dahil hindi tayo naka-notch selfie camera, naka-punch hole selfie camera pero nasa gilid. kaniya-kaniyang preference pero sa akin ay hindi naman ako na-bother na nasa gilid yung punch hole selfie camera.
Overall, pagdating sa design or form factor ng jelly max. Napaka-unique at napaka-comfortable gamitin. Okay na okay sa akin. Hindi malaking adjustment yung nangyari. Galing sa iPhone 15 Pro at ginagamit ko rin at the same time ang CMF Phone 1 na mas malaki onti. Switching sa Jelly Max ay hindi malaki ang adjustment kaya napaka-comfortable nito.
May makikita kayo sa likod ng phone na mga LED notification. Dalawa itong bilog sa likod. Iilaw ito ng pula kung meron kang miss call or lowbat. Iilaw naman ito ng green kung meron kang new message. Kahit nakalapag ito sa lamesa ay makikita natin kung merong notification. Hindi na natin kailangang palaging i-unlock ang phone.
Sa settings, meron itong Intelligent Assistance. Dito makikita yung notification for charging, battery low, at miss notification. Isa pang nagustuhan ko dito ay meron itong call recorder. Medyo mahal ang app na ito kapag binili natin sa play store. Automatic itong magre-record ng call once na may in-accept tayong tawag. Para sa akin, magandang feature iyan lalo na sa dumadaming scammer ngayon. At least, meron tayong peace of mind na agad-agad ay meron tayong evidence na may kumausap sa atin dahil recorded agad.
Isa pa sa nagustuhan kong feature nitong Jelly Max, hindi naman unique pero bihira makita, meron itong build in FM Radio. Pwede na ito makasagap ng FM Signal depende sa location natin. Hindi na natin kailangan ito kabitan ng earphones para lang makasagap ng signal. Hindi kagaya sa ibang phone na meron ng FM Radio pero kailangan ng saksakan ng wired earphones. Kung paguusapan naman ang haptics, hindi naman sobrang maganda pero pwede na para sa isang mid-range phone. Lalo na sa ganitong size.
Display
Meron itong 5.05″ IPS LCD, 720p resolution, at 60Hz naman ang max refresh rate. Pagdating sa quality ng display ng Jelly Max, okay naman sa akin at wala naman akong naging complain. Hindi naman maputla, hindi sobrang saturated, at hindi rin naman bluish or madilaw. Saktong-sakto lang para sa akin ang display. Hindi ko naman sinasabi na super accurate yung display ng phone. Dahil 720p lang at hindi natin i-expect na sa ganitong brand ay magbibigay sila ng sobrang accurate na panel pero by default ay pwedeng-pwede na.
Nakakalungkot lang sa Jelly Max ay wala itong kahit anong color customization na pwedeng gawin pagdating sa display. Hindi rin tayo makapagtimpla ng color temperature. Pwede lang natin i-on ang night light or pag-disable ng kaunti sa mga blue light para mas maging maganda yung pagtulog natin. Pero by default ay okay na okay naman sa akin yung color reproduction ng phone na ito. Yun lang ay 60Hz para sa taong 2024 at may possibility na lumampas ito ng Php15K ay medyo mapapaisip ka kung okay sayo ito. Pero dahil nga maliit lang ang phone na ito ay baka hindi mo rin masyadong mapansin na kailangan mo ng mataas na refresh rate kapag ginagamit mo ang phone. Ang napansin ko habang ginagamit ang Jelly Max ay hindi ganun kataaas ang touch sampling rate na to the point na nakikita ko talaga na may ghosting kapag nagii-scroll ako. Yun lang yung isang complain ko pero yung 60Hz na refresh rate ay hindi masyadong issue sa akin.
Kung paguusapan naman ang typing experience sa phone, okay naman ito lalo na sa mga average yung size ng kamay o daliri ay hindi kayo mahihirapan dito. Makakasanayan mo naman ito pagtagal at hindi naman ako masyadong nahirapan kapag nagta-type ako. Hindi kagaya sa mga maliliit na phone ng Unihertz na malaki talaga ang adjustment kasi ang laki ng bezel ng phone kaya ang liit talaga ng display na nasa 4″ mahigit. Pero itong phone ay 5″ at galing naman tayong lahat sa dating mga phone kaya okay lang sa akin. Pero kapag malaki talaga yung kamay mo, mahaba ang daliri mo, malapad ang daliri mo ay medyo mahihirapan ka sa phone na ito. Pero sa average na pinoy na kamay ay okay sa atin ito.
Para sa mga nagpa-plano na manood dito ng movies, TV series, or media consumption in general. Sa Netflix application, ang Widevine Security ay Level 3 at ang max playback resolution ay Standard Definition lang. Sayang dahil naka-720p naman ang resolution natin pero hindi man lang tayo umabot ng HD. Pero considering nga na maliit lang ang display ng phone na ito ay baka maging okay na rin sa atin yung quality ng standard definition kapag nagii-stream tayo kasi ang liit lang.
Performance
Naka-Android 14 na ito out of the box, Dimensity 7300 ang chipset, 12GB LPDDR5 RAM, 256GB UFS 3.1 ang storage. Base sa spec sheet ng performance nito, para sa akin ay masasabi ko na small but terrible itong Jelly Max. Pwede naman sana na ilagay nila dito ay 6GB or 8GB na RAM pero 12GB na LPDDR5 at mabilis iyan. Tapos Dimensity 7300, kaparehas ito ng CMF Phone 1 pagdating sa chipset.
Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-off ang virtual RAM ay 675554. Kapag naka-on ang virtual RAM, ang score ay 638257. Ang laki ng nabawas sa performance kapag in-on natin ang virtual RAM. I suggest dahil malaki na ang 12GB na RAM ay huwag niyo na gamitin ang virtual RAM.
Test natin ito sa Asphalt Unite. Pagdating sa performance ng phone sa game ay okay naman, smooth, walang lag or frame drops. Yun lang ay hindi nito na-generate lahat ng graphics kaya napaka-basic lang at napaka-flat ng gameplay. Pero smooth ito overall, malaking bagay na 720p lang, mataas ang RAM, at maganda ang chipset. Pagdating sa gaming ay okay ito at magugustuhan natin ang performance.
Battery
Meron itong 4000mAh na battery capacity at 66W ang charging speed. Para sa isang maliit na phone, impressive ito at mabilis ang charging speed. Kung ako ang tatangungin, nakuha na natin yung binayaran natin sa phone dahil maganda yung chipset, malaking RAM, malaking storage, maliit na display, at maliit na form factor. Pwede na sana ma-compromise yung charging speed at gawin nalang na 33W pero 66W ang binigay sa atin.
Ang SoT na nakuha natin ay 14 hours and 33 minutes. Grabe, para sa ganitong kaliit na phone na 4000mAh ay malaki na talaga ito. Maasahan natin pagdating sa battery endurance itong phone. Magandang SoT at mabilis pang i-charge, talagang sulit na sulit para sa akin ang phone na ito.
Camera
On paper ay 100MP ang main camera, may secondary camera rin ito na Telephoto 3.4x 8MP, at ang selfie camera naman ay 32MP. Ang bad news lang dahil ang ipinadala nila sa akin ay prototype. Ibig sabihin, hindi pa ito for production na quality at ang pinakana-compromise daw na quality sa unit na ginagamit ko ngayon ay camera. Hindi ko maipakita sa inyo ang sample images dahil hindi talaga iyun ang final na camera performance. Hindi ko nalang din ipapakita dahil baka ma-miss interpret ng mga tao.
Pero sa Kickstarter page, makikita natin dun na maganda yung performance ng camera. Considering na 32MP ang selfie camera ay malaki yung chance na makakapag-take tayo ng 4K selfie video recording. Ang ganda pang-vlog nito dahil hindi masyadong halata dahil maliit lang. Ang daming possibilities ng phone na ito for vlogging. Para lang tayong may hawak na action camera.
Conclusion
Sulit ba itong Unihertz Jelly Max? Kung ako ang mag-guest ng final price, siguro Php18,000 plus shipping fee, mga ganun. Pero malaki pa rin yung possibility na lumampas from Php18K. Nakita naman natin sa performance, form factor, display, Antutu score, gaming performance, SoT, at charging time na sulit ang phone na ito. Napaka-unique nito in a way na bihira na tayo makakita ng ganitong kaliit na phone. Yung iPhone 15 Pro ay kino-consider na maliit na phone na sa ngayon pero kung tutuusin ay malaki pa iyun mga wayback 5 years or 10 years ago. Bihira na talaga mga maliit na phone.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Kickstarter– https://www.kickstarter.com/projects/…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: