May isang bagay na ino-overdo minsan ng mga phone brands sa kanilang bagong release na phone. Kagaya nalang nitong Umidigi G6 5G, ito talaga yung nag-trigger sa akin na sabihin sa inyo kung ano yung ino-overdo minsan ng mga phone brands.
Price
Ipinadala sa atin ng Umidigi ang phone, itong Umidigi G6 5G. As of writing this article, $119.99 ang presyo nito na kung ico-convert ay nasa around Php7,000. Hindi pa kasama dito ang shipping fee kaya siguro aabot ito Php8,000. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili. Not bad naman ang presyo nito dahil 6/128GB na ang variant nito. 5G na ang phone kaya ang chipset nito ay aasahan natin na hindi G99 or mga basic chipset.
Unboxing
Sa box makikita ang itsura ng mismong phone. Nasa atin ngayon ang Lake Green pero meron pa itong Space Black, Nebula Purple, at Glacier Blue. Sa harap makikita ang ilan sa specs na paguusapan natin mamaya. Makikita niyo rin sa mismong picture ng phone na meron talagang ginagaya yung Umidigi. Meron silang gino-goal na design or itsura sa phone nila, walang iba kundi ang iPhone.
Pag-open ng box, unang makikita ang phone na nakabalot. Sa ilalim ng box ay may jelly case, documentation, SIM ejector pin, USB-A to USB-C cable, at 10W charger. Ang jelly case ay flimsy lang pero may additional protection sa camera module.
Design
Maganda sa personal ang likod ng phone, lalo na’t hindi ito smudge or fingerprint magnet kaya napakalinis nito tingnan. Yung camera module ay may ginagaya talaga ang iPhone at grabe ang pagka-protrude ng camera. Kahit hindi naman flagship level ang camera specs ng phone na ito ay I don’t think na necessary na ganito kakapal ang camera.
Dual tone ang phone, sa camera side ay glossy at sa malaking part ay matte finish. Flat naman ang sides. Sa right side ay may power lock button na fingerprint scanner na rin at volume buttons. Sa left side naman ang programable key at SIM tray na hybrid, pwede itong salpakan ng dalawang SIM or isang SIM at micro-SD card. Sa harap naman, malaki-laki ang notch at mala-iPhone talaga dahil sa dual selfie camera nito. Meron na rin itong pre-installed na screen protector at makapal ang bezel ng chin compared sa forehead. Medyo bothersome sa akin yung corner ng phone dahil ang corner nito ay hindi kapareho ng shape ng corner ng mismong display.
Sa ilalim naman ang main speaker, main mic, at USB-C port. Sa taas naman makikita ang secondary mic at headphone jack. Pagdating sa design ay okay naman, wala naman akong masyadong napuna maliban sa hindi pantay na edge at makapal na bezel. Kasi may mga phone ngayon na sa ganitong presyo ay manipis na ang bezel. Sakto lang ang design ng phone pero para sa marami ay medyo lugi ito.
Design
Specification:
Napakadaming phone sa ngayon na ganito ang presyo pero 1080p 120Hz na ang display, kaya medyo kapos na naman ito. Obviously, iPhone talaga ang kinukuhang itsura ng G6 5G sa camera notch pero hindi lang iyan. Kapag ini-swipe ito papunta sa app drawer ay parang iPhone talaga.
Ito yung gusto kong iparating na message para sa lahat ng phone brands. Hindi masama na gayahin ang iPhone kasi trend setter sila pagdating sa design ng phone, UI, functionality, features, and iba pa. Hindi masama na gayahin ang iPhone pero please, do no overdo it.
Kagaya nitong phone, hindi ganun ka-high end ang chipset na makukuha natin sa phone. Hindi rin ganun kalaki ang RAM at hindi rin ganun kabilis ang storage, kaya sana ginawa nalang nila itong stock Android. Isang perfect example ang mga Nothing Phone, mala-iPhone talaga ang itsura ng frame at likod. Pero kapag ginamit na ang phone ay unique pa rin in a sense na stock Android ito. Merong mga mix features ng Nothing na hindi natin makikita sa ibang phone. Ganun lang sana na hindi nila na overdo ang pag-imitate sa design ng iPhone. Sana ganun ang ginagawa ng mga phone brand sa ngayon. Please, do not overdo it.
Pero syempre, dahil Android phone ito ay pwede naman gumamit ng third party Launcher. Correct kayo diyan para mas maging stock Android and I think ito talaga ang kailangan ninyong gawin para mas maging snappy ito. Kasi minsan, kapag pumunta ako sa app drawer ay may delay ng kaunti pero hindi naman malala. I suggest na gumamit kayo ng third party launcher.
Sa behavior ng refresh rate, sa settings ay pwede natin i-set to 60Hz or 90Hz. Wala itong auto kaya sa dalawang option lang ang pagpipilian. Kaya medyo magastos talaga sa battery kung 90Hz yung pipiliin natin dahil naka-lock lang ito. Ang advantage naman ay palaging smooth ang pag-browse natin pero magastos lang sa battery consumption.
720p lang ang resolution nito kaya SD lang ang mapa-play natin sa mga streaming apps kagaya sa Netflix. Okay lang sana kung High Definition ang mapa-play natin kaya hindi natin mae-enjoy ang Media Consumption dito. Wala din kahit anong customization na pwedeng magawa sa timpla ng display. Ang meron lang dito ay ang Night Light para mawala ang blue light.
Performance
Specification:
Hindi sinabi ng Umidigi kung anong klase ng storage type ang inilagay nila dito. Pinagbasehan ko lang ang storage test ng Antutu. Sa storage test na nakuha natin, 29932 ang score. Wala man lang lumitaw na UFS sa test na usually lilitaw kapag UFS ang storage type ng isang phone. Kaya eMMC malamang ang inilagay nila dito. Pero pagdating sa overall na Antutu score ay decent naman para sa presyo, 373067, not bad.
Sa performance sa gaming dito sa Asphalt 9, smooth naman sa gameplay at na-generate naman nito almost lahat ng graphics. Pagdating sa casual gaming at medium settings na game ay kayang-kaya naman ng phone. Dahil 720p lang ang resolution ng phone ay mae-expect natin na hindi mabibigatan ang chipset at hindi magastos sa battery.
Camera
Isa sa pinagmamalaki ng Umidigi ang camera nitong G6 5G. 50MP ang main camera nito at may 5MP camera na IR Night Vision. Ganun din sa harap, ang selfie camera nito ay 8MP main camera at 2MP na IR Night Vision camera din.
Ito ang sample video screenshots:
May 1x at 2x zoom ang camera. Tinanong ko ang Umidigi at sinabi nila ang ang IR Night Vision ng selfie camera ay ginagamit lang sa face unlock. Kahit gabi or pitch black ay mau-unlock natin ang phone sa tulong ng IR camera. Sa rear camera naman, sa picture lang magagamit ang IR camera at bawal sa video. Miss opportunity ito ng Umidigi at malaking bagay sana ito kung magagamit sa video.
Battery
Specification:
14 hours and 29 minutes ang SoT ng phone which is good and reliable. Lalo na sa mga gagamit ng phone na ito outdoor or gagamit ng GPS based application. Pero dahil 10W lang ang charging speed nito ay talagang matagal.
Conclusion
Masyadong nag-focus ang Umidigi sa paggaya sa iPhone, to the point na medyo na-compromise ang mahahalagang bagay. Gaya ng charging speed, sana man lang 18W para at least ay acceptable na ito para sa presyo. Tapos ang camera, sana nilagyan nalang nila ito ng ultrawide kaysa sa IR. Although magagamit pa rin naman ang IR pero hindi masyadong dine-demand ito ng mga typical user. Ang display ay sana 1080p at ang storage type ay sana man lang UFS.
Dont overdo kapag gusto natin gayahin ang iPhone. Hindi ko sinasabing masamang gayahin ang iPhone kasi gustong-gusto ko rin ng UI at itsura ng iPhone. Pero sana magkaroon pa rin ng unique at distinct na design ang bawat phone brand sa kanilang phone.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Aliexpress- https://www.aliexpress.com/item/10050…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: