Meron ulit akong inorder na phone sa Lazada, ito ang Umidigi G3 Max na may presyong PHP6,129 lang. Ang nandito sa ating variant ay 8/128GB at may kulay na Premium Orange. Tignan natin kung maganda ang specs nito para sa ganitong presyo ng phone.
UNBOXING
‘Yung text, color at design ng box nitong Umidigi ay parang Oppo. Meron itong tatlong color options: Midnight Blue, Iceland Blue at Premium Orange. Pag-open ng box, makikita agad ang Umidigi G3 Max at nakalagay na ang jelly case. Meron din itong 10W charger, USB-C to USB-A cable at sim ejector pin.
DESIGN
Meron itong Umidigi logo sa likod at ‘yung camera module niya ay parang Vivo naman ang style. Flat na din ang sides niya. Meron itong powerlock button na fingerprint scanner na din, volume up and down buttons, USB-C port, main speaker, main microphone, headphone jack, secondary speaker at sim tray na may dedicated micro SD card slot plus dual sim. Sa harap, meron itong notch at hindi naman sobrang kapal ng kanyang chin.
Gumagana din ng maayos ang kanyang fingerprint scanner kasi isang dampi lang ay bumubukas na ito kaagad. Single firing speaker lang ang meron dito pero pagdating sa sound quality, pwede na para sa PHP6,000. Compatible din ito sa 2.4GHz at 5GHz Wifi connection.
DISPLAY
Meron itong 6.6″ IPS LCD FHD+ resolution at 60Hz refresh rate. Pagdating sa quality ng display, hindi accurate ang kanyang kulay at minsan washed out na kapag maraming white ang nakadisplay. Pero meron itong Colors and Contrast sa Display Setting kaya pwede niyong timplahin ang kulay dito.
Level 3 lang din ang Widevine Security Level niya kaya hindi tayo makakapag-play dito ng mga HD content.
PERFORMANCE
Naka-Android 13 na ito, Unisoc T606 chipset, 8GB LPDDR4X RAM at 128GB UFS 2.1 internal storage. Ang ganda ng specs na nilagay nila dito. Hindi naman sobrang ganda pero okay na okay na para sa presyo niyang PHP6,000. Meron pa nga itong Memory Expansion up to 6GB, pero again, hindi ko iyang nirerecommend na gamitin.
Nakakuha din tayo ng 256024 Antutu Score at not bad iyan para sa presyo niya. Pagdating sa gaming, particualrly sa Asphalt 9, meron tayo agad-agad na mafi-feel na framedrops paminsan-minsan. Potato quality na din ang nagenerate niyang graphics pero kaya naman niya patakbuhin ang game. Meron lang talagang lag at framedrops paminsan-minsan.
CAMERA
Meron itong 50MP main shooter, 2MP depth sensor at 8MP selfie camera. 1080p 30fps ang pinakasagad na video recording nito at walang stabilization. Ito ang mga sample shots:
BATTERY
Meron itong 5150mAh battery capacity na capable sa 10W charging speed. Nakakuha din tayo ng 12 hours and 38 minutes at pagdating sa charging, from 9-100%, inabot siya ng 2 hours and 27 minutes.
Para sa inyo, sulit ba itong Umidigi G3 Max? Kung ako naman ang tatanungin ninyo, pwede na siya para sa presyo niya. So far, wala akong nakitang deal breaker na issue. Nakatanggap pa nga ako ng system update after ko ma-setup. Pero hindi tayo dapat mag-expect ng maraming software update dito kasi nga mura lang ito. Pero ang importante ay meron. In short, mairerecommend ko siya kasi sulit siya para sa presyo niya.
Kung gusto niyo ito mabili, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljuntn