Another rugged phone na naman ang pag-uusapan natin. This time galing naman ito sa Ulefone, ito ang kanilang bagong Power Armor 19T. Kagaya ng ibang rugged phone na napag-usapan natin, meron pa din itong IP68, IP69K at Military Grade Protection. Kung titignan natin ang website ng Ulefone, meron itong price na $569.99 as of July 27, 2023. Pero syempre, hindi lang iyan ang gagastusin natin kasi meron pa itong Shipping Fee na $39.05. Kaya ng magiging total ng babayaran ay $609.04 na kung ida-direct convert natin ay papatak ng PHP33,267.15.
UNBOXING
Sobrang familiar ng design at accent ng box nitong Power Armor 19T. Sa ibabang side ng box makikita ang ilan sa mga top specs niya tulad ng 108MP main shooter, thermal camera, Helio G99 chipset, 12GB RAM, 256GB internal storage, 120Hz display at 9600mAh battery capacity.
Pag-open natin ng box, may makikita tayong document sleeve na may lamang tempered glass. Pagkatapos, makikita na natin ang mismong Power Armor 19T. Grabe! Likod pa lang solid na solid na. Meron itong pa-slant na texture for added protection. Makikita din sa likod ang camera module niya kasama na ang 108MP main shooter. Pero hindi lang camera ang star sa kanyang camera module kasi meron itong Thermal Camera. Medyo mahal iyan kapag bibilhin mo ng dedicated! ‘Yung Thermal Camera ay basically kapag tinutok natin siya sa isang object, makikita na natin agad ‘yung temperature kahit hindi na natin lapitan ‘yung object na ‘yun. Plus, meron pa itong 5MP microscopic camera. Mapapansin niyo din na may kakapalan ang phone na ‘to pero 409g lang itong Power Armor 19T. Sa loob pa din ng box, meron din tayong makikitang documentation, 66W charger, lanyard at USB-C to USB-C cable.
DESIGN
Likod pa lang, alam mo ng rugged phone ito kasi sobrang daming screws kaya kahit mabagsak natin iyan, hindi agad-agad iyang maghihiwa-hiwalay. Sa kanan, mapapansin niyo na ‘yung volume buttons ay may texture. Kaya hindi ka malilito kung ‘yung nakakapa mo ba ay volume buttons o powerlock button. ‘Yung powerlock button niya naman ay fingerprint scanner na din. Sa kabilang side makikita naman ang programmable key at sim tray na hybrid. Sa ilalim, makikita niyo na may takip ang type-C port at single firing speaker. Sa taas, makikita naman ang headphone jack na may cover. Kaya pwedeng-pwede talaga siya ilubog sa tubig. Actually, meron itong Underwater Camera Mode kaya pwede siyang gamitin as action camera. Mas malinaw pa ‘yung mga videos na makukuha natin underwater.
Meron itong parang pogo pins sa gilid na tinatawag na Smart Expansion kung saan pwede tayong mag-connect ng mga accessories na gawa ni Ulefone para ma-maximize natin ang paggamit sa phone na ‘to.
Isa siguro sa downside nito ay ang notch niya sa harap pero hindi naman deal breaker. Hindi naman ganun kakapal ‘yung notch niya kaya acceptable na siya para sa akin lalo na kung ang kapalit ay protection para sa kabuuan ng phone na ‘to. Medyo makapal din ang chin nito pero siguro dahil na din ‘yan sa protection na nandito sa body ng phone na ‘to.
ACCESSORIES
Ito ‘yung ilan sa mga accessories na pwede niyong bilhin kasama ng Power Armor 9T sa website nila.
Una, meron tayong Armor Case at Phone Multi Mount for Armor Case. ‘Yung Armor Case ay merong suksukan sa likod para maikabit ‘yung ibang accessories kasama niya tulad ng clip at hook. Hindi naman natin magagamit ang Car Mount kung walang Armor Case kaya dapat magkasama silang bibilhin. Maganda na merong dedicated car mount itong Power Armor 19T kasi medyo makapal siya at hindi siya magkakasya sa typical na car mount na ginagamit natin. Isusuksok lang natin ulit siya sa Armor Case katulad ng clip at hook kanina. Naa-adjust din siya kung gusto nating habaan.
Next, pwede din tayong makabili ng Dual Camera Endoscope. Ikakabit naman natin ito sa Smart Expansion na nasa gilid ng phone. Para magamit ito, kailangan natin ng screw para matanggal ang screw na katabi ng Smart Expansion. Hindi ko alam kung anong maitutulong sa atin ng accessory na ito pero nakita ko sa website nila na pwede siyang maitin kapag nagre-repair tayo ng appliances or sasakyan natin kasi may ilaw din ito. Para magamit ito, ihu-hook lang natin siya sa butas tapos higpitan ang screw. Pwede din natin ma-adjust ang ilaw niya. May haba din ito na 2 meters.
Last ay ang Digital Microscope. Ikakabit din natin ito sa Smart Expansion. Meron itong pang ayos ng focus, snap na ginagamit para mag-start ng video at zoom in. Malaking tulong ‘to sa mga anak natin na may passion sa science, talagang mag-e-enjoy sila sa paggamit nito.
DISPLAY
Meron itong 6.58″ FHD+ 1080 x 2408 resolution, 401 ppi, 120Hz maximum refresh rate, 240Hz TSR at Corning Gorilla Glass 5 protection. Para maiwasan din ang smudges at fingerprint, naglagay pa ang Ulefone dito ng Oleophobic Coating. Walang naka-apply na screen protector dito sa Power Armor 19T pero masasabi ko na hindi siya kapitin ng mga smudges at fingerprints.
Kapag tinignan natin ang DRM Info, ang Widevine Security Level niya ay Level 3 lang. Kaya sayang ang kanyang Full HD+ resolution at hindi natin ma-u-utilize masyado kasi Standard Definition lang ‘yung mape-play natin sa mga streaming services kagaya ng Netflix.
Sa Display Settings niya, meron akong napansin na nakaka-disappoint. Gusto ko sana tanggalin ang Notch para magmukhang full screen sana kaso mali ang spelling ng display sa ‘Top Screen Dislpay’. Medyo nakakahiya ‘yan kaya sana ma-fix iyan ng Ulefone sa mga susunod na software updates.
Sa Screen Refresh Rate, meron itong apat na option: 60Hz, 90Hz, 120Hz at Auto refresh rate. Accurate din naman ang Auto refresh rate niya kasi from 120Hz, bababa siya to 60Hz kung kinakailangan.
PERFORMANCE
Naka-Android 12 na ito, Helio G99 chipset 12GB RAM at 256GB internal storage. Sa Settings, meron itong Memory Expansion. If ever na hindi pa kasya sa inyo ang 12GB, pwede niyong dagdagan ng up to 5GB na virtual RAM. Pero kagaya ng palagi kong sinasabi, babagal ang performance ng phone kapag gumamit ng virtual RAM.
Mataas-taas din ang score na nakuha sa Antutu Score: 427025. Kaya kayang-kaya niya ang mga mabibigat na games at daily applications na ginagamit natin.
Ang ganda din ng naging result ng Wild Life Stress Test pagdating sa thermals. 2% lang ang nabawas sa battery at 1°C lang ang nadagdag sa temperature niya.
Okay din ang graphics na nagenerate niya sa gaming at wala ding lag o framedrops. Sa Monoposto naman na game, nakasagad ang graphics natin dito at nag-struggle na siya at parang hindi siya nakaka-30fps man lang.
CAMERA
Meron itong 108MP f/1.8 main shooter na may Samsung HM2 sensor, 5MP microlens na may 60x magnification, FLIR lepton 3.5 sensor para sa thermal imaging at 16MP f/2.0 Sony IMX481 selfie camera.
Para mabuksan natin ang Thermal Camera, hanapin lang natin sa apps ang MyFLIR. Kapag na-open na ‘yan, automatic ng mao-open ang thermal scanner.
Ito naman ang mga sample photos:
BATTERY
9600mAh ang battery capacity ng phone na ‘to na capable sa 66W fast charging. Meron din siyang 15W na wireless charging at pwede pa nating i-charge ang iba pa nating device sa phone na ‘to.
Kapag naka-Auto refresh rate, nakakuha tayo ng 16 hours and 57 minutes SOT. Kaya talagang maaasahan ang phone na ‘to kapag magta-travel tayo kasi hindi tayo agad-agad malo-lowbatt kahit 2 and a half days pa natin gamitin sa mga normal application natin. Pagdating naman sa charging, 1 hour and 6 minutes lang ang inabot from 18-100%.
Para sa PHP33,300 na price, sa tingin niyo ba ay sulit ang makukuha nating value sa phone na ‘to? Comment kayo diyan sa baba.
Kung ako ang tatanungin ninyo, hindi ito sulit kung hindi niyo naman kailangan ng ganitong protection. Marami tayong mabibiling phone na ganito din ang specs na nasa PHP12,000 lang. Pero kung talagang kailangan natin ng ganitong klasend protection, sulit siya syempre. Plus, meron ka pang mga additional features na talagang hindi mo makikita sa ibang phone lalo na kung bibili ka ng mga accessories na nabasa niyo kanina.
Kung sakali na nagustuhan niyo ang phone na ‘to, click niyo lang ang link na ‘to: https://www.ulefone.com/power-armor-1…