Medyo kakaiba yung Android tablets na paguusapan natin ngayon kasi tailored ito for drawing or digital artwork. Ito yung ugee UT2 at ugee UT3. Kapag tiningnan ninyo yung website nila ay matagal na sila sa industry ng digital artwork at marami na silang drawing tablets. Kapag sinabing drawing tablets sa website nila, ito yung mga square na ini-connect sa pc at ginagamitan ng pen pero not necessarily na may display. Ang tawag ng ugee sa Android tablet nila ay drawing pad. Meron din silang Drawing Monitor na touchscreen.
Price
Specification:
Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Unahin natin ang UT2, makikita natin sa sleeve ng box ang itsura ng tablet, ilang information, at top specs sa ilalim. Slide lang natin ang sleeve at meron itong mismong box at folio case. Wala na kayong bibilhin pang ibang accessories pagka-deliver. Napaka-simple lang ng case at may lagayan ng pen. Rubber ang texture at may protection sa bawat gilid.
Pag-open ng UT2, makikita yung mismong tablet. Walang reflection ang screen ng tablet. Ang likod nito ay dual tone at may logo sa bandang gitna. Sa ilalim ng box ay merong charger na may ibat-ibang mga plug. Sa isa pang box ay may pantanggal ng tip ng pen, extra tip, stylus na chargeable with USB-C pero hindi magnetic, warranty policy, gloves, quick start guide, at cable.
Sunod naman ang UT3 at folio case ng UT3. Yung folio case ng UT3 ay leather ang feels sa palibot pero sa loob nito ay may separate na hard plastic. Open naman natin ang mismong box, una nating makikita ang UT3. Kakaiba yung itsura ng likod nito kasi ang camera module ay nasa bandang taas na gitna. Kagaya sa UT2 ay wala ring karefle-reflection ang tablet. Meron din itong mga box na may mga accessories, documentation, pen, pantanggal ng pen tip, extra pen tip, glove, charging cable, at charger. Unlike sa case ng UT2, itong UT3 ay may magnet sa bandang baba para sa pen.
Display
UT2 Specification:
Mas gusto ko itong UT2 dahil mas madali itong dalhin at mas maliit. Kahit matte finish yung display ay hindi compromise yung color accuracy kasi 72% pa rin yung NTSC color coverage. Sapat na sapat yan para maging accurate yung kulay sa bawat angle at content na idi-display sa tablet.
UT3 Specification:
Sa mga normal YouTube videos ay meron itong black bars sa taas at baba ng screen. Pagdating sa color accuracy, kagaya sa UT2 ay 72% pa rin yung NTSC color coverage kaya perfect pa rin sa mga digital artworks natin. Ang maganda sa UT3 ay Level 1 yung Widevine Security at makakapag-play tayo ng Full HD sa Netflix. Yung UT2 naman ay Level 3 lang ang Widevine Security at Standard Definition lang ang pwedeng ma-play.
Test
Itong dalawang tablet ay tailored talaga sa digital arts kaya mas maganda kung ang magte-test nito ay isang graphic artist. Yung graphic artist na magte-test sa tablet ay talaga gumagawa ng digital portrait. Pagkatapos ma-explore ng digital artist yung mga pre-installed apps para sa digital artworks ay masasabi niya na goods na goods naman daw. Pero yung ibang mga apps ay hindi pa paid kaya may makikita tayong mga adds na lilitaw. Tinanong ko siya kung kamusta yung latency kasi iyan yung isa sa mga main concern ng mga digital artist. At according sa kaniya ay hindi naman malala at hindi naman noticeable kapag ginagamit na natin. Sa website ng ugee, 20 milliseconds lang yung latency ng pen sa tablet.
Talagang nag-enjoy yung graphic artist sa paggamit ng tablet na ito. Ini-test na rin niya ito sa paggawa ng mga portrait at goods yung UT2 at UT3. According sa graphic artist, pagdating sa precision ay wala tayong mapapansin sa dalawang tablet maliban sa pen ng UT3 kasi meron itong pointer. Para sa mga artist, big deal ang pointer kapag nagda-drawing sila.
Sa settings ng UT3 ay meron itong advantage kasi may NXTPAPER technology ito. May option tayo para pumili ng display mode; Regular Mode ay accurate ang kulay at vibrant, Color Paper Mode naman ay yung texture ng display ay magmumukhang paper, at Ink Paper Mode kung saan magiging black and white yung buong display. Sa taas ng UT3 ay may dedicate button para sa NXTPAPER zone at pwede rin tayong mag-set ng action kapag ini-long press.
Performance
Parehas naka-Android 14 ang dalawang tablet, Helio G99 yung chipset, UFS 2.2 ang storage, at LPDDR4X ang RAM. 6GB yung RAM ng UT2 at 8GB naman ang UT3. 256GB yung storage ng UT3 at ang UT2 ay 128GB lang. Nakuhang AnTuTu score nitong UT2 ay 409930 pero for some reason ang score ng UT3 ay 375229 lang. Malaking factor siguro na malaki ang display ng UT3 kaya naka-apekto sa performance.
Battery
Itong UT2 ay 7000mAh ang battery capacity at 18W ang charging speed. Ang nakuha namang SoT ng UT2 ay 9 hours and 44 minutes lang. Para sa isang tablet, goods at saktong-sakto iyan. May ilang mga tablets ngayon na ang average ay 8 hours lang na SoT. Ang ideal talaga, para sa akin, pagdating sa mga tablet ay 12 hours. Itong UT2 ay nasa sakto lang, hindi nakakabilib pero hindi rin disappointing. Itong UT3 ay 10000mAh yung battery capacity at 27W yung charging speed. Although mababa ang AnTuTu score pero ang taas ng SoT, 11 hours and 42 minutes.
Conclusion
Ito yung ugee drawing pads, alin sa dalawang ito yung nagustuhan ninyo. Kung ako yung tatanungin, para sa presyo ng dalawang tablet na ito ay sulit ito. Kahit alin pa sa dalawa yung piliin natin dahil sa sobrang dami ng mga accessories. Makakapag-start na agad tayo mag-digital artwork kapag binili natin alin man sa dalawang tablet. Para sa akin, sulit itong dalawang tab para sa presyo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
AliExpress – https://www.aliexpress.com/item/10050…
Website – https://shop.ugee.com/
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: