Pag-uusapan natin ngayon itong portable speaker na Tronsmart Halo 100 at may presyo ito na PHP4,999. Tignan natin kung ano ang pwede nating ma-expect dito sa speaker na ‘to before niyo ito bilhin.
UNBOXING
Makikita natin sa harap ng box ang picture ng Tronsmart Halo 100 at ilang mga text. Sa likod ng box naman makikita ang iba pang mga top features ng ng speaker na ‘to. Pag-open natin ng box, ang una nating makikita ay ang speaker na nakabalot sa protective plastic.
First impression ko nang makita ko ang speaker na ‘to ay gandang-ganda ako. Malaki siya para sa mga normal na bluetooth speaker pero ang compact pa din nito dahil sa magandang design. Plus, meron pa itong handle para kahit saan, pwede natin itong ipwesto o dalhin.
Sa loob pa din ng box, meron itong male-to-male na auxiliary cable, USB-C to USB-A cable for charging, user manual at iba pang mag documentations.
DESIGN
‘Yung harap nitong Halo 100 ay mesh na metal na may Tronsmart emblem sa gitna. At dahil nga mesh, kitang-kita natin ang mga tweeter sa loob. Obvoiusly, sinadya ‘yan ng Tronsmart para ma-appreciate natin ang RGB lighting dito sa harap.
Sa ibabaw makikita ‘yung mga controls na flat rubber all over kaya kailangan nating diinan para ma-feel natin ang bawat pagpindot. Tingin ko pagdating ng panahon, magiging uneven na ang texture nito. Sa ilalim naman, meron itong mga rubber feet para hindi madaling gumalaw-galaw sa pinagpwestuhan natin nitong Halo 100 lalo na kapag nagpapatugtog tayo. Meron din itong plastic strap na hindi removable. Sa likod ng Halo 100 makikita ang mga ports. Kasama na ang USB-A port, AUX port, micro SD card reader at USB-C port for charging. Kung gusto naman nating i-reset itong Halo 100 to factory settings, sundutin lang natin ang reset button na butas.
Pagdating sa controls, meron itong power button, volume down, play and pause button, volume up, light switch, stereo paring, mode button, SoundPulse at LED indicator.
FEATURES
3-Way Sound System
Meron itong isang tweeter at dalawang mid-tweeters. Meron din siyang isang woofer at 5.6″ passive radiator sa likod para mas ramdam natin ang suntok ng base niya. Kung ako ang tatanungin ninyo sa sound quality nito out of the box, as in wala pang customization, panalo talaga! Dinig na dinig sa buong kwarto ‘yung kanyang sound kaya maa-appreciate mo talaga ‘yung pagiging immersive ng sound nitong Halo 100. Hindi din ako bitin sa maximum volume dahil nasa 70% pa lang, medyo nahihiya na ako sa kapitbahay namin. Hindi naman sobrang dagundong. Sapat na sapat ‘yung dagundong or ‘yung base nitong Halo 100 para maramdaman natin siya kahit na medyo malayo pa tayo. At mind you guys, 60W ang output power nitong Halo 100 kaya malakas talaga siya compared sa mga bluetooth speakers sa ngayon.
Lighting Effects
Kapag na-install na natin ang companion app, pwede na nating baguhin ang behavior ng light effect. Meron itong Ballet, Party, City of Phantoms, Carousel, Starry Night at pwede din nating i-off ang lighting effect kung gusto nating makatipid ng battery. Ang na-appreciate ko dito sa Halo 100 is hindi lang ang woofer ang umiilaw kundi pati na din ang dalawang tweeters kaya mas maganda talaga tignan.
Ultra Portable
Merong handle or mini strap itong Halo 100 para madali natin siyang madala o maipwesto kung saan natin gusto. Pero balewala din ang handle kung mabigat naman. Mabuti na lang 2.72kg lang ang weight nitong Halo 100 kaya magaan na talaga siya para sa ganitong kalakas na speaker. Meron din itong IPX6 na IP rating kaya meron siyang protection sa tubig na talagang eksakto naman para pwede natin siyang mailagay kahit pa sa tabi ng swimming pool. Bagay na bagay din siya kapag nilagay natin siya sa office setup natin.
Kung sakali na gusto natin siyang ilagay sa labas, rest assured na matagal itong malo-lowbat dahil 6000mAh ang battery capacity nito. Depende sa light effect setting, pwede itong umabot ng 18 hours of playback time. Pwede din nating gamitin ang USB-A port niya sa likod para i-charge ‘yung iba nating gadget.
Reminder lang, kahit ultra portable itong Halo 100, huwag niyong ipapatong sa balikat niyo habang nagpapatugtog.
Dual Audio Modes at Stereo Pairing
Pwede tayong makapag-connect ng dalawang device dito sa Halo 100 via Bluetooth para sa convenience natin. Akala ko magsasapawan ‘yung dalawang device pero hindi naman pala kasi maghihintayan sila. Kapag naka-pause or naka-stop ‘yung audio ng isa, tsaka lang gagana ‘yung isa. Again, convenient ‘to para kapag nag-switch tayo ng device, hindi na mahabang setup ang gagawin natin.
Sa stereo pairing naman, kung meron tayong dalawang Halo 100, pwede natin silang i-connect para mas malakas ang audio at mas immersive din. Magandang setup ‘yan lalo na sa mga malaking gathering.
Personalized Audio Effect via Companion App
Pwede din natin i-personalized ang audio effects nitong Halo 100 gamit ang kanyang Companion App. May presets na din naman like SoundPulse na magbibigay sa atin ng mas clear at mas surround na sound. Kahit umabot na sa peak level ang output nitong Halo 100, mame-maintain ‘yung magandang tunog at hindi madi-distort ang audio kapag naka-SoundPulse tayo.
Meron din itong Deep Base kung saan mas malakas ang palo ng base sa preset na ‘to. Meron pa itong Classical, Rock at pwede din tayong gumawa ng sarili nating timpla.
Anong verdict niyo dito sa Halo 100? Comment kayo jan sa baba!
Para sa akin, magandang speaker ‘to overall. Malaking bagay ang design, sound quality at higit sa lahat, ‘yung kanyang presyo. Isipin ninyo PHP5,000 lang ito pero ang dami na nating features na makukuha.
CONS NITONG HALO 100
- Strap – Sana ginawa nilang detachable ‘yung strap or handle niya. Kasi sa ngayon, talagang permanent lang na nakakabit ‘yung kanyang handle or strap.
- Controls – Hindi ko masyadong nagustuhan na ‘yung controls niya sa ibabaw kasi rubber. Okay naman na rubber pero sana naman hindi siya sobrang flat kasi sa tingin ko talaga magkakaroon siya ng uneven texture pagdating ng panahon.
Iyan lang namang dalawa ang hindi ko nagustuhan dito sa Halo 100. Pero overall, katulad ng sinabi ko kanina, sulit ‘to para sa presyo niya. Kung may tanong pa kayo sa speaker na ‘to, comment lang kayo jan sa baba.
Kung gusto niyong bilhin ang speaker na ‘to, click niyo lang itong link: https://invl.io/clfxlzl https://invol.co/clfxlz4