Dahil marami sa inyo ang nagpaplanong magbakasyon, eksaktong-eksakto sa inyo ang pag-uusapan natin ngayon, ito ang Tronsmart Bang Max. Outdoor speaker ito na may price na PHP9,499. Talagang eksaktong-eksakto ito sa mga gathering kasi pwede tayong mag-insert ng microphone para makapag-videoke. Designed itong speaker na ‘to for outdoor kaya kung plano nating mag-camping, pwedeng-pwede itong dalhin.
UNBOXING
Malaki ang box nitong Bang Max na may kabigatan kasi 5.78kg ang weight nito. Sa harap ng box, may mga top specs na makikita maliban sa picture ng Bang Max. Pag-open ng box, meron itong power adapter, wired microphone, paperworks at auxiliary cables. Pagkatapos, makikita na ang Bang Max.
DESIGN
Sa unang tingin pa lang sa speaker na ‘to, alam mo na agad na hindi siya meant for indoor use. Meron itong malaking handle sa taas na eksatong-eksakto ang kapal at may rubber sa ilalim ng handle. ‘Yung texture ng body nitong Bang Max ay hybrid ng plastic at tela, tapos mesh ang itsura niya kaya nakadagdag iyon sa pagiging rugged at simple. Rubber lahat ng buttons sa taas na may battery indicator, power button, at bluetooth button. Kapag tinurn-on itong Bang Max, makikita agad kung ilan ang battery left. Andiyan din ang media control tulad ng volume, play at pause. Meron ding stereo pairing button kung saan pwede pa tayong mag-pair ng isa pang Bang Max. Meron pang Sound Pulse Audio Button para ma-activate ang signature sound ng Tronsmart. Meron ding Tune Con Button para makapag-connect ng up to 100 na Bang Max.
Sa likod naman makikita lahat ng ports tulad ng dalawang microphone inputs, auxiliary ports, USB-A port at port para sa charger. ‘Yung USB-A port ay magagamit natin kung gusto nating mag-play ng media gamit ang flashdrive at para makapag-charge na din ng iba nating gadget kasi pwede itong gamitin as powerbank.
Sa dalawang gilid naman makikita ang pailaw nitong Bang Max. Maganda naman siya kaso hindi ko siya masyadong ma-appreciate kasi nasa gilid. Maganda sana kung nilagay nila iyan sa harap. Kagaya ng nakita sa box kanina, meron itong IPX6 waterproof rating. So kahit matinding spray ng tubig ay makakayanan nitong speaker.
Tapos, ang bluetooth connection niya ay 5.3GHz na kaya pwede mag-connect dito ng up to 2 devices at once. Ang connection distance naman niya ay aabot ng 18 meters.
COMPANION APP
Ang unang step na gagawin ay i-download ang Tronsmart app. Kapag na-download na, i-open lang tapos i-select ang Tronsmart Bang Max. Pero siyempre i-make sure natin na naka-turn on ang speaker. Click lang ang “Allow” at “Pair”. Pagkatapos, pwede ng ma-control ang volume sa companion app, pwede ding i-play, pause, next track at previous track. Meron din itong Equalizer kung saan may mga music presets: Sound Pulse, Deep Base, Classical, Rock at Customize.
Sa may Play Modes naman, pwedeng makapamili kung Bluetooth, Auxiliary, TF Card o U Disk. Pwede na din i-setup dito ang Stereo Pairing Mode kung meron pa kayong isang Bang Max. Sa may bandang baba naman, merong makikitang LED Modes: Carousel, Deep Breath at Fashion Party. Sana sa susunod na software updates o releases ng Bang Max, meron ng Custom na option para tayo mismo ang mamimili ng kulay na gusto natin.
BATTERY
Meron itong 18000mAh. Sobrang laki niya kaya pwede talagang mag-charge dito ng iba pang device. Pagdating sa battery life, aabot ito ng 24 hours playback time. ‘Yang 24 hours na ‘yan ay 50% lang ang volume. Pero ‘yung 50% volume level ay sobrang lakas na niya talaga.
Pagdating sa sound quality ng speaker na ‘to, 130W ang max output niya. Siyempre maa-achieve iyan kung nakasaksak siya sa charger o power adapter.
Iyan na lahat ang gusto kong i-share tungkol dito sa Trosmart Bang Max. Pero siyempre hindi pa din perfect ang speaker na ‘to kaya gusto ko ding i-share sa inyo ang ilan sa mga improvement na pwedeng ma-consider ng tronsmart sa mga susunod na alteration:
- Magkakadikit ang buttons kaya hindi kaya na kapain lang siya kapag gusto natin pindutin.
- Walang volume indicator.
- Wala siyang lalagyanan ng phone para lalagyan kapag nagcha-charge.
- Walang strap.
- Walang custom lighting effect.
Hindi naman ito mga deal breaker kasi overall, pagdating sa design, waterproof rating, sound quality at ports ay kumpleto it. Kung sakali na gusto niyo iyong bilhin, ito ang link:
Lazada – https://invol.co/cljr4b3
Shopee – https://invl.io/cljr4hc