Siguro ay mag-a-agree din kayo na kung sa E-commerce website kagaya ng Lazada at Shopee ay kailangan nating mag-ingat sa pagbili ng phone ay ganun na ganun ding pag-iingat ang kailangan nating gawin kapag bibili tayo ng phone sa mall kasi napakadali mawala ng focus natin kapag nasa mall tayo dahil napakadaming agent ng iba’t-ibang brands na lalapit sa atin kahit hindi naman natin gustong magtanong sa kanila para alukin tayo ng mga phones na binebenta ng kanilang brand. So kung hindi talaga tayo mag-iingat, madaling mawawala ang focus natin at makakagawa tayo ng maling desisyon sa pagbili ng phone. At pag-uwi natin, baka sobrang panghihinayang yung maramdaman natin.
Pag-uusapan natin ang 5 bagay na kailangan nating tandaan kapag bibili tayo ng phone sa mall:
“5G Mobile Network” vs “5G Wi-Fi”
Meron naging experience yung isang friend ko na bibili ng cellphone sa mall. Mabuti na lang talaga kausap nila ako nun or ka-chat at nagtatanong sila ng specs at model ng phone sa akin kung ano ang maganda nilang bilhin. Kasi nung mga time na yun, kausap na sila ng isang agent ng isang brand at sinasabi sa kanila na yung phone na gusto nilang bilhin ay 5G, na kung tutuusin ay hindi talaga iyong 5G phone, 4G LTE lang talaga siya. So bakit sinabi nung agent na 5G yung phone na yun eh hindi naman? Siyempre, para maisip agad ng customer na advance ang phone na yun at sulit iyon para sa presyo niya, na in reality, ang tinutukoy niya na 5G ay 5GHz connection sa wifi, hindi sa network.
At para sa mga hindi pa familiar, magkaiba ang 5G ng ating cellular network sa 5GHz connection ng ating wifi. Marami pong mga phones sa ngayon, lalo na mga mid-range at kahit mangilan-ngilan entry level phones ang pwede ng kumonek sa 5GHz connection at hindi lang dun sa 2.4GHz connection. At yung mga agent sa mall, hindi ko naman nilalahat, pero iba sa kanila, kagaya nung experience ng friend ko ay ginagamit ang “5G” na yun sa wifi para isipin ng kanilang customer na capable na talaga sa “5G connection” o “5G cellular network” yung phone na gusto nilang bilhin, na in reality, 4G lang talaga yung phone na yun. So guys, alamin niyo muna kung nagsasabi ba talaga ng totoo yung agent na kausap ninyo. Kasi maraming agent sa ngayon, again di ko nilalahat, ang magsasabi ng mga nakakakiliting mga words o hightech na mga words para lituhin tayo at para maniwala tayo na yung phone na pinu-push nilang bilhin natin ay yung the best sa lahat ng phones na nasa mall.
RAM Expansion
Sa ngayon, napakarami ng mga phone na mid-range phone ang merong tinatawag na “memory expansion” o “RAM extension”. So baka malito kayo kapag bumili kayo, malamang lapitan ulit kayo ng mga agent o kaya makikita ninyo sa isang placard or display na yung phone na yun ay may 12GB RAM na in reality meron lang siyang 8GB RAM talaga at dinagdag lang yung 4GB dahil sa RAM expansion or RAM extension. So kailangan din nating mag-ingat doon. Alamin muna ninyo kung talaga bang physically meron siyang 8GB RAM or meron siyang 6GB RAM at hindi pinagsama doon sa naka-display yung physical RAM at yung virtual RAM. Kasi tandaan na mas maganda pa rin kung malaki ang physical RAM ng isang phone at bonus na lang sa atin ang RAM expansion.
Quad-cam / Triple Camera
Madaming phones sa ngayon ang talagang naglalagay ng napakadaming cameras sa camera setup ng mga model ng phone. For example, meron tayong quad-camera setup o triple camera setup na nakaka-enganyo sa mata natin kung bibili tayo ng phone. Pero again, meron diyang mga gimmick lang para makuha ang atensyon natin kapag bibili tayo. For example, meron tayong mga phone na 50MP, 2MP na Macro Lens at 2MP Depth Sensor. Ang tawag dito ay triple camera setup. Pero in real life, talagang gagamitin mo lang palagi dun ay isa lang kasi yung dalawa ay Macro at Depth Sensor. Pero meron din namang mga phone na halimbawa, 50MP pero meron naman siyang 8MP Ultrawide at meron din 2MP Depth Sensor so triple camera setup pa rin yun pero in reality, dalawa ang magagamit mo sa mga camera na yun, yung 50MP na main shooter at yung Ultrawide na 8MP. At kung minsan yung Ultrawide Lens na yun ay ginagamit ng phone na yun para gawin ding Macro Lens. Uulitin ko guys, kailangan ninyong tignan mabuti kung ang camera setup ng phone na gusto niyong bilhin ay usable talaga.
Freebies
Given na maraming agent ang lalapit sa inyo at gusto talaga kayong tulungan na makapili ng mga phone. Pero isa sa mga pwedeng ipang-enganyo sa inyo ng mga agent na yan ay freebies. “Ay Sir dito na lang kayo kasi meron kaming mga freebies kaysa dun sa kabila.” Which in a sense totoo naman talaga yan at ako na-experience ko din yan nang minsang bumili ako ng phone. Pero tignan niyong mabuti ang mga freebies na yan. Kung minsan sasabihin nila na may free selfie stick kayo, may free bluetooth speaker kayo na sa tenga natin parang “wow, parang sulit yun ah!”. Pero kapag tinignan ninyo yung mismong selfie stick, sobrang cheap lang nung pagkakagawa o nung materials na ginamit tapos walang brand, o kung may brand man ay hindi natin kilala. Tapos sobrang pangit din nung quality nung selfie stick at kapag tinignan natin sa online store kung magkano yun, baka 50 pesos, 80 pesos or 150 pesos lang yung presyo.
Same din sa bluetooth speaker, kapag tinignan natin yung brand nung freebie na bluetooth speaker, hindi din kilala yung brand at yung hitsura niya parang ginaya lang sa isang kilalang brand tapos may kaunting pailaw na kung tutuusin kapag tinignan natin sa mga online store, 150 pesos o 250 pesos lang. Yes, okay naman na at least may freebie, pero sana hindi iyon ang maging reason para bilhin niyo ang phone na yun. Kasi baka hindi na naman tayo makapag-decide ng tama dahil lang sa mga freebies na yan.
List Your Options
Yes, wag kayong mag-i-stick sa isa lang kasi for example, pag punta niyo sa mall, yung talagang number one na target niyo na phone ay hindi available, anong gagawin niyo? ‘Yun yung benefit na meron kayong listahan na dala, meron kayong second option, third option hanggang fifth option para hindi kayo magtatanong sa mall kung “anong specs niyan?”, “anong specs nito?”, “maganda ba ‘to?” kasi malamang sa malamang meron ulit silang gagamiting mabulaklak na salita para doon kayo bumili. Para makagawa kayo ng mga listahan ng mga phones na gusto niyong bilhin, tignan niyo muna kung magkano ang budget ninyo. For example ang budget natin sa pagbili ay 15,000 pesos. Gawa tayo ng listahan ng mga phones na worth 15,000 pesos tapos ilista natin dun at i-sort natin by priority. So number 1, ito yung talagang hinahanap kong phone, kung wala ito, ito naman para pagdating natin sa mall at wala yung priority natin, meron pa tayong ibang option. Again, iiwasan natin sa mall na magtanong ng specs. Kailangan pagdating niyo sa mall, alam niyo na yung specs ng phone na bibilhin ninyo. Again, gusto ko lang ulitin at idiin sa inyo, huwag na huwag kayong pupunta sa mall para bumili ng phone na wala kayong idea kung anong specs ng phone na gusto ninyong bilhin dahil malamang sa malamang, umuwi kayong nagsisisi.
Sana nakatulong itong article na ito para kung bibili tayo ng phone sa mga mall ay maiwasan natin yung bad decision at magamit natin ang ating pinaghirapang pera sa isang phone na talagang bagay na bagay sa atin at hindi natin pagsisisihan bandang huli.