Price
As of writing this article, ang presyo nitong Tecno Spark Go 2024 ay Php4,045.00 kung 4/64GB. Meron din itong 3/64GB variant na Php3,848.00. Nasa baba ang link kung gusto mo ito bilhin.
Unboxing
Nakalagay sa box at balot na balot ng bubble wrap ‘yung phone. Makikita sa box ng Tecno ang malaking ”2024”. May 8GB of RAM na nakalagay kasi sinama nila ‘yung 4GB na virtual RAM. Pag-open, unang bubungad ay ang Spark Go na nakabalot sa printed plastic with top specs. Sa ilalim ng box ay nakalagay ang warranty card at jelly case. Ang jelly case ay makapal at may extra protection sa camera bump, pero ang mga ganiyang klase ay mabilis manilaw. May 10W na charger din na USB-A ang port, USB-C to USB-A cable, at SIM ejector pin.
Nasa ating color way ay Gold, pero meron pang White at Gravity Black. Itong Gold ay nagdu-dual tone depende sa tama ng ilaw. Ang camera module ay napaka-glossy at may holographic design. Ang likod ay may pagka-premium feels at flat ang sides ng phone. May volume up and down button sa right side, at power lock button na fingerprint scanner. Sa left side naman ang SIM tray, na may dalawang SIM slots at micro-SD card slot. Kumpara sa ibang murang phone, itong Spark Go ay naka-punch hole selfie camera at may pre-installed na screen protector. Tungkol naman sa feels ng haptics ay talagang entry level ang quality. Hindi sobrang panget ng feels at okay pa rin ito at hindi ko in-off.
Sa speakers ay magkaiba ng pwesto, kaya pagnag-landscape mode tayo ay matatakpan ang secondary speaker. Pagdating sa overall na tunog, dahil may DTS LISTEN ito, maganda ang separation ng sound at ang quality. Hindi naman sabog kahit itodo natin ang volume. Although hindi ito kasing lakas compared sa ibang friendly budget phone pero pwede na para sa presyo. Ang performance naman ng fingerprint scanner ay pwede na, hindi sobrang bilis at hindi sobrang bagal.
Display
Specification:
Pagdating sa default na timpla ng kulay ay acceptable naman. Walang option para matimpla ‘yung kulay nito, kahit temperature. Pagdating naman sa screen refresh rate, may tatlong option: 90Hz, 60Hz, or Auto Switch. Auto Switch ay kaya mag-switch from 90Hz to 60Hz kung kinakailangan. Sa test na ginawa ko ay bumababa talaga. Bad news lang ang Widevine Security Level ay Level 3. Hindi ito makakapag-play ng HD content sa mga streaming services.
Performance
Specification:
Magaan ‘yung nilagay nila ditong android version. Mafe-feel natin na mas snappy ito compare sa ibang phone na naka-Unisoc T606. Pagdating naman sa UI ay may ilang bloatware dito. Merong virtual RAM up to 4GB sa 4GB physical RAM. Ang Antutu score nito pagnaka-on ang extended RAM ay 238966. Very decent para sa presyo. Pag in-off naman ang extended RAM ay 243841, nag-improve unti. Kung sapat naman na sa atin ang 4GB of RAM, wag na natin gamitin ang virtual RAM. Para ma-feel natin ang full speed ng phone.
Hindi compatible sa Asphalt 9 itong Spark Go, kaya Asphalt8 lang ang na-download ko. Okay naman ito sa casual gaming at hindi naman hirap. Hindi naman ito kasing bigat ng , pero okay din ‘yung graphics at 3D pa rin. Test ko na rin sa NBA infinite. Sa graphic setting naka-disabled ang super at ultra setting, hanggang medium or high lang. Pagdating sa gameplay, okay naman at hindi hirap. Wala namang lag at smooth naman ang gameplay. Again, pagdating sa graphics ng mabibigat na game ay wag na natin asahan. Maasahan naman natin ang phone sa mga everyday application, media consumption, at iba pa.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Main camera at front facing camera ay kaya mag-record ng up to 1080P/30fps.
Sample Selfie camera video screenshots:
Medyo blueish ang color. I don’t think na nakaka-30fps tayo dito kasi may mga ghosting akong napapansin. Ang maganda naman dito sa selfie camera ng Spark Go, ay merong LED light sa harap. Helpful yan kapag madilim ang paligid natin. ‘Yun nga lang, kapag nakatingin sa camera ay masakit sa mata, kasi maliwanag at sobrang sharp ng ilaw. Sa main camera naman ay medyo may problema sa auto focus. May 4x digital zoom at kita pa rin ang mga text.
Battery
Specification.
Pagdating sa battery consumption ay normal naman. Matapos ang Wild Life Stress Test, 3% lang ang nabawas sa battery. Sa temperature ay medyo mataas, nadagdagan ng 5 degrees Celsius. Expect natin na matagal mag-charge itong phone na ito.
Verdict
Para sa presyo nito, acceptable na ‘yung performance at value na makukuha natin. Although meron pang pwede i-improve ang Tecno sa mga susunod. For example, hindi eMMC ‘yung gagamitin nilang storage para mas mabilis. Pagdating naman sa RAM, sana sa susunod ay 6GB of RAM na at 128GB ‘yung internal storage. Overall, sa ngayon acceptable ito para sa presyo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkrqwp
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: