May nakita na naman tayong murang Android phone, ito ang TECNO Spark 30C. Nabili ko ito sa TikTok shop ng TECNO.
Price
Nasa baba ang link para ma-check niyo ang updated pricing. Titingnan natin kung sa murang presyo ay sulit yung phone kasi 128GB na yung storage nito + 120Hz pa yung screen refresh rate.
Unboxing
Naka-box yung parcel nung dumating at nakabalot sa bubble wrap. Pag-open, makikita natin yung naka-bubble wrap na mismong box ng TECNO Spark 30C. Wala namang special sa mismong box ng phone maliban sa tricolor ito. Sa bandang baba ng box makikita yung top specs. Pag-open ng box, makikita agad natin yung Spark 30C na nakabalot sa isang printed plastic na may specs. Nasa atin ngayon yung Orbit White, sobrang ganda at napakasimple lang. Matte finish at hindi kapitin ng smudges or fingerprint kaya pleasing talaga sa mata.
Sa ilalim ng box ay may documentation, jelly case na may added protection sa camera bump, USB-A to USB-C cable, SIM ejector pin, at 18W na charging brick na USB-A ang port.
Design
Kagaya ng sinabi ko kanina na simple, maganda, matte, at modern yung itsura ng phone considering na napakamura lang ng phone na ito. Mas mura pa ito sa ZTE Blade A75 na na-review natin previously from Smart. May dalawa pa itong colorway na Orbit Black at Magic Skin 3.0. Mare-recommend ko itong White dahil ang linis ng itsura at hindi mo aakalain na ganun ang presyo.
Sa right side makikita yung volume up and down button at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa taas makikita yung secondary speaker at ang pinakahuling butas ay ang IR Blaster. Nasa left side naman yung SIM tray na may dual SIM slot at micro-SD card slot. At sa ilalim yung USB-C port, main mic, headphone jack, at main speaker. Sa harap naman makikita yung punch hole selfie camera. Yung bezel nito sa taas at dalawang gilid ay pantay pero sa chin ay mas makapal. Meron itong pre-installed na screen protector out of the box at IP54 rating so dust and splash resistance na ito pero huwag natin ito ilulubog sa tubig.
May IR Remote ang Spark 30c, sa control center ay may dedicated button ito para sa remote control. Isa pang good news, hindi lang 2.4GHz compatible itong Spark 30c pati na rin sa 5GHz. Dual speaker ang meron sa phone, ito yung palagi ko sinasabi na kahit mura lang yung phone ay pwedeng-pwede talaga lagyan ng dual speakers. Reliable naman ang fingerprint scanner at mabilis naman ang animation. Ang gaan din ng phone at mas magaan ito compared sa ibang mga entry level phones na napagusapan natin.
Display
Meron itong 6.67″ IPS LCD, HD+ 720p Res, 120Hz max refresh rate, at 263ppi. Considering ang presyo ay masasabi talaga natin na napaka-affordable nito para sa specs ng display. Kapag pure white ang ini-open natin sa display ay makikita tayong noticeable na yellowish tint sa may bandang ibaba. Nakakatuwa dahil ang Widevine Security Level nito ay Level 1 at makakapag-play tayo ng Full HD sa Netflix. Isang bonus sa atin ito at nakakatuwa na pwedeng-pwede sa media consumption itong phone.
Sa display settings > screen refresh rate ay merong apat na option na pwedeng pagpilian; 120Hz, 90Hz, 60Hz, at Auto-switch. Sinubukan ko lahat ng option na iyan at ang 120Hz at Auto ay same na same lang ng behavior. May mga times na bumabalik ito to 120Hz kahit hindi ginagalaw pero mas consistent ang refresh rate kapag naka-lock lang ito to 90Hz. Suggest ko na kung gusto niyo makatipid sa battery pero at the same time ay smooth pa rin ang pag-scroll ay i-lock niyo lang to 90Hz. Pero ang mga SoT mamaya ay naka-lock to 120Hz na refresh rate. Walang settings para timplahin ang kulay pero pwede naman natin ma-adjust yung color temperature. Meron din itong Landscape Display na parang sa iPhone. kapag ini-charge natin ang Spark 30c ay makikita natin yung date, oras, at notification. Magandang addition din ito.
Performance
Naka-HiOS 14.5 na skin ito, on top of Android 14, Helio G81 chipset, 4GB physical RAM + 4GB Virtual RAM, 128GB UFS 2.0/2.1. Ito yung isa sa tiningnan ko ng mabuti sa phone na ito. Kasi meron tayong ZTE Blade A75 ng Smart na maga-add ka lang ng Php1,000 ay 5G na ang phone mo at UFS 3.1 na ang storage.
Ang storage test na galing natin sa AnTuTu, lumitaw na UFS 2.? something. Kaya alin man sa UFS 2.0 or 2.1. Ang points is hindi eMMC 5.1 yung nilagay nilang storage type which is good para sa presyo. Ang AnTuTu score na nakuha natin kapag naka-on yung MemFusion ay 253740. Kapag naka-off naman ay bumaba ang score, naging 251959 na lang. Compliment naman sa performance yung MemFusion kaya I suggest na gamitin niyo. Yung ZTE Blade A75 na 5G, ang AnTuTu score na nakuha natin doon ay nasa almost half million. Kalahati ng performance ng Blade A75 ang Spark 30c. Sa Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 4% sa battery at nadagdagan ng 2°C sa temperature which is good. Maganda yung battery consumption at maganda rin yung thermals.
Pagdating sa gaming, sa Asphalt Unite, hindi nito na-generate lahat ng graphics at from time to time ay meron tayong mapapansin na frame drops. Hindi ganun ka-smooth at siguro mga 80% smoothness lang yung mae-experience natin sa casual gaming sa buong gameplay. Pero at least ay makakapag-games pa rin tayo kung gusto natin.
Camera
Meron itong 50MP na main camera + Auxiliary camera at 8MP na selfie camera. Filler camera lang talaga yung camera sa likod na Auxiliary camera pero kung tutuusin ay isa lang talaga yung camera natin sa phone. Kasi ang bokeh or depth ay pwede naman makuha sa Ai or Software. Siguro for marketing purposes kaya nilagayan pa nila ng extra camera sa likod.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshot:
Pagdating naman sa selfie camera nitong TECNO spark 30c ay hanggang 2K 30fps ang pwede nating ma-record. Hindi na tayo mage-expect na merong stabilization ang phone. Pero at its price ay nakakagulat na pwede pa tayong makapag-record ng lampas 1080p. Sa quality, sobra-sobra na yung makukuha natin para sa presyo at kung gagamit pa tayo ng gimbal ay mas okay pa.
Battery
Meron itong 5000mAh na battery capacity at capable sa 18W fast charging. Nakuhang SoT sa phone ay 10 hours and 20 minutes. Para sa ganitong specs, ine-expect ko na at least 14 hours ang makukuha nating SoT. Kung kaya natin ay gawin nating 90Hz lang yung refresh rate at I’m sure na magi-spike pa yung SoT. Sa charging naman, 19% to 100% ay 1 hour and 52 minutes ko na-charge ang phone. Hindi ganun kabilis at almost 2 hours na talaga.
Conclusion
Worth it ba na tipirin ng Php1000 yung sarili natin para makakuha ng ganitong phone. Kasi kung tutuusin ay isang libo na lang ay meron na tayong ZTE Blade A75 ng Smart. Pero if ever na sakto lang yung budget ay sulit ba ang TECNO Spark 30C? Depende sa user. Kung basic user ka ay pwede na ito pero kung user ka na gusto mo ng snappy na performance ay baka ma-bore ka sa phone na ito. Kung gusto mo ng snappy performance ay piliin mo yung ZTE Blade A75. Kasi yung performance nitong Spark 30c ay may sticky feels. Hindi agad nao-open yung mga apps pero kung hindi bothersome iyang performance ay sulit na itong phone para sa inyo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Tiktok – https://vt.tiktok.com/ZS2sf2Svw/
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: