Pagusapan natin yung pinakabagong entry level phone ng TECNO, ito yung Spark 30.
Price
Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Sa loob ng box nitong Spark 30 ay may hard case. Protected nito yung camera bump pero expose lang yung gilid at ilalim ng phone. May design din ang case dahil sa collaboration ng Hasbro and TECNO para sa Spark 30 at Spark 30 Pro. Meron din itong 18W charging brick na USB-A ang port, USB-A to USB-C cable, SIM ejector pin, at mga documentation.
Design
If ever na hindi natin magustuhan yung colorway ng phone na ito ay meron pa itong Stellar Shadow, Astral Ice, at Magic Skin 3.0. Itong Spark 30 ay may IP64 na protection kaya if ever na matalsikan ito ng tubig, maulanan, o hawakan natin nang basa ang kamay natin ay okay lang. Huwag lang natin ilubog sa tubig at hindi rin ito agad-agad papasukin ng alikabok.
Dual speaker ang meron sa phone, secondary sa taas at main speaker sa ibaba. Meron din itong headphone jack. Kung paguusapan yung quality ng speaker ng phone, maganda. Hindi ako nabitin sa maximum volume at kahit naka-max yung volume ay hindi sabog yung tunog. Maganda yung separation ng left and right kapag naka-landscape mode. Kaya if ever na manonood tayo ng movies or magga-games ay mas immersive yung dating. Para naman sa feels ng haptics, entry level ang feels at halos buong phone nagvi-vibrate so I suggest na i-off niyo na lang. Ang maganda naman sa Spark 30 ay meron itong support sa 2.4GHz Wi-Fi connection at 5GHz Wi-Fi connection kaya magiging mabilis naman ang internet natin.
Display
Specification:
Kung tatanungin niyo ako tungkol sa quality ng display nitong Spark 30, goods na goods para sa presyo. Wala akong nakitang kahit anong issue, napaka-sharp ng image, at sapat na sapat yung peak brightness para makita ang display kahit outdoor. Ang isa pang good news sa Spark 30, sa Netflix application makikita na ang Widevine Security Level nito ay Level 1 at yung max playback resolution ay Full HD.
Sa display settings ay pwede natin ma-adjust yung color temperature pero wala tayong color preset. Sa screen refresh rate ay may tatlong option na 90Hz, 60Hz, or Auto Switch. Tingnan natin yung behavior ng refresh rate sa TestUFO. By default, 60 fps ang display pero kapag ginalaw natin ang display ay tataas ito kaya malaking tipid sa battery.
Present din sa Spark 30 yung Dynamic Port kung saan ang yung punch hole selfie camera ay magiging parang Dynamic Island ng iPhone. Malaking bagay yan para sa ibang notification like face unlock, call, charging, at iba pa.
Performance
Specification:
Sa MemFusion settings ay may tatlo tayong pagpipilian; 3GB, 5GB, or 8GB. Kahit mura lang yung phone ay naka-UFS pa rin yung storage type. Kahit papaano ay mabilis, hindi man UFS 3.1 pero at least ay hindi eMMC.
Ang AnTuTu score na nakuha natin kapag naka-on ang MemFusion ay 275837. Kapag naka-off naman ay naging 276462. Kung sapat na yung 8GB ay huwag na natin gamitin yung MemFusion at bibilis pa yung phone natin. Para sa mga nagpa-plano na bumili ng Spark 30 Pro, naka-G100 na yung chipset nito at 120Hz yung screen refresh rate. Talagang mas mabilis ito sa Spark 30, nasa baba ang link kung gusto mo tingnan ang Spark 30 Pro.
Pagdating sa Wild Life Stress Test, nabawasan ng 6% sa battery after ng test at nadagdagan ng 6°C sa temperature. Masasabi kong average lang yung result na nakuha natin sa phone. Para sa mga nagpa-plano na mag-games sa Spark 30, although hindi ganun kataas yung nakuha nating AnTuTu score sa phone ay kaya pa rin nito yung casual games. Sa Horizon, naka-high graphics ang settings pero smooth naman for the most part. May minsanang lag pero smooth naman for casual gaming.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photo:
Ito ang sample video screenshot:
Sa selfie camera ay 2K 30fps yung pinakasagad na resolution na pwede nating ma-record kagaya sa rear camera. Not bad, maganda yung quality para sa presyo at hindi soft. If ever man na gusto natin i-expand yung memory ng phone para sa mas madaming photos at videos ay pwede. Dahil ang SIM tray nito ay pwedeng lagyan ng micro-SD card + dual SIM. Sa performance ng side mounted fingerprint scanner, mabilis naman at reliable. Gandahan lang natin yung pag-register sa fingerprint para mabasa nito agad.
Battery
Meron itong 5000mAh na capacity at 18W yung fast charging. Ang SoT na nakuha natin ay 9 hours and 56 minutes. Medyo disappointing dahil hindi man lang umabot ng 12 hours. Naka-auto switch yung refresh rate, naka-off yung MemFusion, at 50% ang brightness pero yan ang nakuha nating SoT. Inulit ko yung battery test at mas mababa pa yung nakuha ko, 9 hours and 13 minutes na lang. Ito yung isang bagay na kailangan i-improve ng TECNO sa phone. Sana sa susunod na software update ay mas mapaganda pa nila yung performance ng phone. Mabuti na lang na 18W yung nilagay nila kahit mura lang ang presyo. Mabilis naman nating macha-charge yung phone.
Conclusion
Yan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa Spark 30 ng TECNO. Sa tingin niyo ba sulit ang phone na ito? Sana nakatulong ito para makapag-decide ka kung ito na bang Spark 30 yung bibilhin mo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Tiktok – https://bit.ly/TECNOPhTikTok
Shopee – https://invl.io/cllvyi2
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: