Unboxing
Itong TECNO SPARK 20 Pro ay may presyong Php8,599.00. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price kung gusto mo bumili. Ang box nitong phone ay same pa rin sa previous generation. Meron itong apat na color options: Moonlit Black, Frosty Ivory, Sunset Blush, at Magic Skin Green. Ang iu-unbox natin ay ang Moonlit Black na colorway. Pag-open ng box, ang unang makikita ay ang phone na nakabalot sa printed plastic na may full specs. Sa ilalim ng box ay may warranty card, documentation, at jelly case. Okay naman ang jelly case, malambot lang pero may added protection para sa camera module. Meron din itong 33W na charging brick na USB-A ang port, SIM ejector pin, at USB-A to USB-C cable.
Design
Smooth ang likod ng phone pero wavy ang design nito. Medyo glossy rin pero for the most part ay matte finish pa rin. Ang laki ng camera module at flat ang mga sides nito. Sa right side ng phone ay ang volume button at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa kabila naman ay ang SIM tray at sa taas ang secondary speaker. Sa ilalim ang USB-C port, main mic, headphone jack, at main speaker.
Nagustuhan ko ang overall na itsura ng phone. Hindi naman ito kapitin ng smudges pero nang naging oily ng kaunti ang daliri ko ay meron ng naiwan na fingerprint. Hindi naman natin ito gagamitin ng walang jelly case. Hindi ko lang din nagustuhan na ang power lock button ay kapantay ng frame ng phone. Pagdating sa bilis ng fingerprint scanner ay okay naman. Kung pag-uusapan ang dual speaker, malakas ito at na-impress ako. Hindi ako nabitin sa max volume at effective ang DTS Audio kasi hindi distorted ang sound kahit max volume. Matatakpan lang natin ang secondary speaker kapag naka-landscape ang phone. May pre-installed na screen protector na rin ito at naka-punch hole selfie camera. Sa bezel naman ng phone ay may kakapalan sa bandang chin pero pwede na para sa presyo. Tungkol naman sa haptic feedback ng phone ay entry level lang ang feels.
Display
Specification:
Sa color reproduction, maganda pa rin kahit budget friendly ang phone. Hindi na rin masama ang viewing angles nito. Natitimpla naman natin ang color temperature ng phone pero walang color presets. May apat na option naman tayo sa Screen Refresh Rate settings. Naka-Auto lang ako habang ginagamit ang phone kasi sinabi ng TECNO na meron itong Adaptive Display. From 120Hz ay bababa naman to 60Hz kung kinakailangan. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Sa Netflix, ang Max Playback Resolution ay Full HD. May Dynamic Port din ang phone sa bandang camera na lilitaw sa specific na action.
Performance
Specification:
May MemFusion ito or Virtual RAM ng up to 8GB. Ang Antutu score kapag naka-on ang MemFusion ay 425736. Hindi naman nakaka-dissapoint iyan para sa presyo. Kapag naka-off naman ang MemFusion, ang nakuhang score ay 423952. Mas maganda dito sa phone na naka-on ang MemFusion.
Nagulat ako na compatible ang phone na ito sa GRID Autosport. Wala namang hiccups, hindi hirap, at very decent ang na-generate na graphics. Napakabigat ng game na ito pero kinaya ng phone. Naglaro din ako ng NBA Live, at smooth pa rin, walang problema sa graphics at performance. Pag dating sa Asphalt 9, compatible ang phone sa 60fps na gameplay. Decent ang graphics, walang frame drops, at walang lag. Kayang-kaya ng phone ang pagga-games dito.
Camera
Ang main shooter nito ay 108MP at 32MP sa front-facing camera.
Ito ang mga sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshots:
2k/30fps ang kayang makuha sa rear camera ng phone. Okay naman ang pag-pan dito at hindi malala ang ghosting. May digital zoom din ito ng up to 10x. Mababasa pa rin ang text sa keyboard na kinuhaan ko at hindi pa rin blurry. Walang kahit anong stabilization dito. Ang pinakasagad na video recording sa selfie camera ay 2k/30fps. Nakakabilib iyan para sa presyo dahil usually 1080p lang ang pwede ma-record. Pagdating sa quality ay okay naman.
Battery
Specification:
Sa Wild Life Stress Test, nabawasan ng 4% sa battery. Sa temperature, from 27 degrees Celsius ay tumaas sa 38 degrees Celsius. Hindi alarming ito. Mababa rin kasi ang starting point at almost 10 degrees Celsius ang nadagdag. Hinay-hinay pa rin tayo sa paggamit lalo na sa mabibigat na application.
Verdict
Sulit ba itong TECNO SPARK 20 Pro? Para sa akin ay sulit itong phone. Kasi meron na itong 256GB na storage, 5000mAh na battery capacity, 120Hz and 1080p ang display, at 108MP na ang main camera. Dahil sobrang mura ng phone, ie-expect sana natin na madami ang bloatware pero kaunting-kaunti lang ang pre-installed apps dito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkq79u
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: