Price
Itong Tecno Pova 6 Pro 5G ay may presyong Php11,999.00. May promo ang Tecno hangang March 15, 2024, nasa baba ang link para ma-check mo.
Unbox
Updated ang design ng box, may circuit board design na pang-gaming ang dating. Comet green ang color way na nasa atin at 12/256GB ang variant. Pero may isa pang color way na Meteorite Grey. Pag-open ng box makikita agad ang phone na nakabalot sa plastic na may top specs. Sa loob ng box ang documentation, warranty information, manual, at case na may green accent. Transparent and hard ang likod ng case kaya makikita pa rin ang design, malambot naman ang gilid. Covered ang phone at may added protection sa camera module. May 70W na charging brick na USB-A ang port, SIM ejector pin, USB-C to USB-A cable, wired earphones na 3.5mm jack.
Design
Ang likod ng phone ay super smudge and fingerprint magnet. Sakto lang din ang kapal ng camera module, kapag nilagay natin ang case ay protected pa rin. Sa taas makikita ang IR Blaster, secondary microphone, at secondary speaker. Sa right side naman ay ang volume up and down button at power lock button. Sa left side, ang sim tray na pwede salpakan ng micro-SD card at dalawang SIM cards. Sa ilalim naman ang main mic, headphone jack, USB-C port, at main speaker. Sa harap naman ang punch hole selfie camera at may pre-installed na screen protector. Proportioned din ang mga bezel ng phone na ito. Itong phone ay may IP53 dust and splash resistance, kaya kung matalsikan ng tubig o nasa maalikabok na lugar tayo, hindi ito agad papasukin.
Sa likod ng phone ay merong Dynamic-Light MiniLED effect, kapag may notification ay iilaw ang likuran. Isa lang din ang kulay nito, pero sa susunod sana RGB light na ang meron. Meron ding Dynamic Port na parang Dynamic Island ng iPhone, makikita natin ‘yan kapag nag-call tayo, charge at iba pa. First time ko rin makita na may IR Blaster na ang Tecno Pova phone. Okay naman ang haptics ng phone, I recommend na gamitin niyo. Naka In-display fingerprint scanner na rin ito, okay naman at nababasa. Naka Dolby Atmos narin ang speakers dito kaya maganda ang tunog at separation ng left and right. Mas immersive kapag nanonood tayo dito ng movies and videos. Ang problema lang ay matatakapan natin ang secondary speaker kapag naka-landscape mode. Overall, maliban sa smudge magnet ang phone, nagandahan talaga ako sa design nito.
Display
Specification:
Para sa akin, totoo ‘yung sinabi ng Tecno na napaka-vivid ng color reproduction nito. Ang vibrant ng kulay ng display, pop na pop ang kulay, at pwede pa matimpla ang kulay sa settings. Sa Screen Refresh Rate may 4 na options: 120Hz, 90Hz, 60Hz, at Auto. Nakakatuwa rin na may 90Hz na option kasi marami sa atin ang nasosobrahan sa 120Hz. After ilang seconds, bumaba din ang refresh rate nito. May Always-on Display din ito, pero 120Hz pa rin ang refresh rate. Sana maayos ito sa susunod na software update. Ang Widevine Security Level ay Level 1, Makakapag-play tayo ng HD content sa mga streaming services. Kung gagamitin natin ito sa outdoor, asahan na makikita pa rin ang display kahit tirik na tirik ang araw.
Performance
Specification:
May 12GB of RAM na dito pero may MemFusion or virtual RAM na up to 12GB. Ang Antutu score kapag naka-on ang MemFusion ay 440326, not bad, pero nag-expect ako ng mas mataas na score, mga 500k+ sana. Kapag naka-off naman, ang score ay 441832. Tumaas naman ng kaunti pero kung ako sa inyo, huwag niyo na i-on ang MemFusion kasi sapat at malaki na ‘yang 12GB. Sa Wild Life Stress Test, 2 degrees lang ang nadagdag sa thermals at 3% lang ang nabawas sa battery. Maganda ang thermals ng phone at consumption sa battery. Actually, habang sine-set up ko ang phone na ito, mula 48% may natira pa na 38%. Ganun kaganda ang battery life ng phone na ito.
Sa NBA Infinite, karamihan sa graphic settings ay naka-super lang at hindi tayo makapag ultra or max setting. Above normal naman ang settings na kayang i-handle nitong phone. Pagdating sa gameplay, nakaka-60fps tayo na max at na-handle naman nito ang graphics. Sa SpongeBob: Cosmic Shake, hindi kaya ang epic na resolution kaya sa medium lang. Pero kapag medium settings, naka-ultra naman lahat ng details. Nakaka-23fps lang sa gameplay at hindi lang ganun ka smooth. Sa Asphalt 9, halos na generate naman nito lahat ng graphics. Hindi naman hirap at motion blur nalang ang kulang para makumpleto ang graphics. Capable naman ang phone na ito pagdating sa mabigat na game, pero huwag natin asahan na kaya nito ang sagad na graphics.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshots:
Sa video ng selfie camera, 2k 30fps ang pinakasagad na resolution dito, walang stabilization pero malinaw. Okay naman ang kulay. May stabilization naman pero magdo-downscale ito into 1080p. Sa photos naman ng rear camera na naka 108MP na mode, sakto lang ang kulay para sa presyo nito at may 3x zoom. Pagdating sa video sample, 2k 30fps din ang pinakasagad. Okay din ang quality, may depth pero walang stabilization. Pero kapag naka 1080p, stable naman pero nabawasan nga lang ng quality. Pagdating sa camera nitong phone, sakto lang, hindi ako na-impress at hindi rin naman ako na-disappoint.
Battery
Specification:
According to Tecno, ang battery ay tatagal ng 11 hours of straight gaming at 15 hours of Facebook. Hindi natin alam kung anong game ang sinasabi ng Tecno, pero considering na 6000mAh ang capacity ng phone, talagang aabot sa ganung katagal ang phone na ito. Meron din itong 1% Super Endurance na power, kapag 1% nalang ang battery, pwede natin i-on ang Super Endurance at makakapagbigay pa ito ng 20 minutes na call time. May control din tayo sa Charging Speed ng phone: Hyper Charge, max speed na 70W. Pwede namang Smart Charge, ang phone ang magde-decide kung gaano kabilis ang charging. Low Temp Charge, pinakamabagal pero maganda para sa battery health ng phone. May Bypass Charging din ito, pwede tayo mag-charge habang naglalaro. Na-charge natin ang phone from 31% to 100%, 40 mins lang tinagal sa Hyper charge setting.
Verdict
Sulit ba itong Tecno POVA 6 Pro 5G? Kung ang hanap mo sa isang phone ay for gaming, pero pwede ka mag-enjoy sa media consumption, okay sayo ang phone na ito. Kasi makakapag-play tayo dito ng full HD, AMOLED, 10-Bit, at 120Hz ang refresh rate. Pagdating sa gaming, although hindi kaya ng phone na ito ma-generate lahat ng graphics, kahit ilang oras ka maglaro okay lang at maiingatan natin ang battery health. Meron itong Bypass Charging, option kung gaano kabilis magcharge ang phone, at 6000mAh pa ang battery.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Tiktok Shop – https://bit.ly/TECNOPhTikTok
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: