Price
Sa presyong Php7,299 ay meron ka nang 50MP na main camera, 8GB of RAM, 120Hz FHD+ display, pero ang pinakamatindi ay ang 7000mAh na battery capacity nito. Gusto natin malaman kung ilang SoT yung napiga natin at kung gaano katagal ko ito na-charge itong Tecno POVA 6 Neo.
Unboxing
Ang mismong package ay maganda ang pagkakabalot, silyado, may mga prima, at may mga fragile tape na ginamit. Pag-open ng box, makikita natin ang unit natin na nakabalot din ng bubble wrap para sa extra protection. Wala naman damage ang unit natin kaya goods na goods.
Yung mismong box nitong Tecno POVA 6 Neo ay green ang accent at may mga discreet na circuit board design tayo na makikita depende sa tama ng ilaw. Yung unit na binili natin ay 8/256GB at ang presyo nito ay Php8,299. Pag-open ay makikita agad natin ang unit at nakalagay ang main specs sa balot. Na-typo lang ata sila sa display specs dahil FHD+H yung nakalagay. Napakaganda ng itsura ng phone, present yung pagka-gaming design pero hindi ganun ka-loud kaya napaka-decent pa rin. Sa ilalim naman ng box makikita yung documentation, jelly case, wired earphones, USB-A to USB-C cable, 33W charger, at SIM ejector pin.
Design
Nasabi ko na kanina na itong phone ay may pagka-gaming ang vibe ng design. Ang isang complain ko lang talaga ay napaka-smudge magnet o fingerprint magnet ng phone. At for sure ay lalagyan naman natin ito ng jelly case kaya hindi naman ito magkaka-smudge. Highly recommend na itong Silver na colorway ang piliin niyo dahil ang ganda talaga at napaka-premium ng itsura. Pero wala itong kahit anong light effects sa likod, which is okay lang dahil mura lang naman ang phone na ito. Pero hindi tayo tinipid ng Tecno pagdating sa overall na design.
Sa taas makikita ang secondary speaker. Sa right side naman ang volume up and down button at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa ilalim naman natin makikita yung main speaker, USB-C port, main mic, at headphone jack. At sa left side naman makikita ang SIM tray. Napansin ko lang na ang buong gilid or frame nitong Tecno POVA 6 Neo ay plastic talaga or feel na feel mo na plastic ito. Marami namang phone na plastic din ang gilid pero kapag kinapa mo ang phone ay alam mo na agad na plastic. Di kagaya ng ibang phone na magdadalawang isip ka kung plastic ba or aluminum.
Good news din dahil ang SIM tray ay pwede natin salpakan ng dalawang SIM + isang micro-SD card. Itong phone ay may IP53 na rating, dust and splash resistance na ito. Hindi lang sa 2.4GHz compatible itong phone pati na rin sa 5GHz na Wi-Fi connection. Dual speakers ang meron tayo dito, which is good para sa presyo. Pagdating sa quality ay okay na okay din. Hindi sabog kahit itodo natin ang volume at ang max volume ay malakas talaga. Naging possible iyan dahil ang dual speakers nito ay naka-Dolby Atmos na.
Display
Meron itong 6.78″ IPS LCD, FHD+ Resolution, 120Hz Max Refresh rate, at 396 naman ang ppi. Ang display nitong Tecno POVA 6 Neo ay meron nang screen protector out of the box. Kung paguusapan naman natin ang quality ng display, hindi tayo dapat mag-expect ng masyadong magandang display para sa presyo. Pero para sa presyo ay maganda na at mage-enjoy na tayo sa media consumption kapag nagii-stream tayo ng movies or TV series.
Good news din dahil ang Widevine Security Level nito ay Level 1 sa DRM Info. Check naman natin sa Netflix, Level 1 din ito at ang max playback resolution ay Full HD. Hindi lang natin masyado matitimpla ang kulay dahil walang color scheme sa settings. Pero pwede naman natin ma-adjust ang color temperature. Napaka-generous din ng Tecno pagdating sa refresh rate setting nitong POVA 6 Neo dahil apat ang option natin: 120Hz, 90Hz, 60Hz, at Auto. Nasa sa atin na kung gusto natin makatipid ng battery pero dito muna tayo sa Auto. Sa test na ginawa ko, ilang segundo lang ay ay bumaba naman ito to 60Hz kaya makakatipid tayo sa battery kapag naka-Auto switch tayo.
Performance
Out of the box ay naka-HIOS14 ito, on top of Android 14, Helio G99 Ultimate ang chipset, 8GB LPDDR4X ang RAM, at 128/256GB UFS 2.2 naman ang storage nito. According sa na-research ko, ang difference ng normal G99 at G99 Ultimate ay binigyan ng liberty ang brand sa G99 Ultimate na i-customize yung frequency ng CPU at GPU. May kaunting improvement tayo makikita.
At upon setting up the device, na-appreciate ko lang na may additional page na itong Get Recommended Apps. Pwede mo tanggihan ang bloatware’s or pre-installed apps na madalas nating makita dati sa mga Tecno phones. Ngayon ay pwede na natin ito i-uncheck upon setup. Meron pa rin itong natirang ilan pero pwede na natin tanggihan ang mga dating pre-installed games.
Meron pa rin itong MemFusion sa phone, up to 8GB na virtual RAM. In total ay para tayong may 16GB of RAM. Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-off ang MemFusion ay 436655, not bad ang score para sa presyo. Kapag naka-on ang MemFusion, nakuhang score ay 442083. Malaki-laki ang jump sa performance compared sa off na MemFusion kaya highly recommend na gamitin ang virtual RAM para may tulong sa performance. Malaking bagay na UFS 2.2 ang storage type dito sa POVA 6 Neo para makaramdam tayo ng ganung tulong sa performance. Pagdating sa thermals, dito sa Wild Life Stress Test result. Nabawasan ito ng 4% sa battery at nadagdagan naman ng 5°C sa temperature, very normal.
Itong POVA 6 Neo ay may Game Space, kapag may game tayo ay automatic nitong ia-add sa Game Library. Pero pwede naman natin manually i-add ang game na in-install natin. Kapag naka-add na ang game, swipe lang natin sa left habang nakabukas ang game at pwede natin i-select ang performance mode para sagad-sagad ang performance na maramdaman natin.
Dito sa Asphalt 9, nakasagad ang graphic settings at pagdating sa gameplay ay napaka-smooth. Ramdam na ramdam natin na hindi hirap itong POVA 6 Neo habang nagga-game. Wala tayong mafe-feel na lag or frame drop. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero pwedeng-pwede na para ma-enjoy natin yung game.
Subukan naman natin ito sa mabigat na game, try natin ito sa Ark Survival. Sa Ark Survival ay sagad yung graphic settings, resolution ay naka-sagad, at ang graphics quality ay naka-epic. Playable naman ito, hindi ganun ka-smooth pero pwedeng-pwede na. At according to game space ay nakaka-21 fps ito, pwede naman natin babaan ang graphics quality para mas maging smooth ang gameplay natin. Kapag sinagad natin ay hindi ganun ka-smooth ang performance. Pwede natin gamitin sa casual games ang phone. Kung mabigat na games ang patatakbuhin natin ay babaan lang natin yung graphic settings para maging playable.
Camera
Ang main shooter nito ay 50MP, ang selfie camera ay 8MP, at ang secondary camera sa likod ay actually, hindi ko po rin alam kung ano ito. Kahit sa Info HW app ay wala itong ma-detect na secondary camera. At according din sa website ng Tecno ay isa lang ang camera nito.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshots:
2K/30fps ang video recording dito sa POVA 6 Neo at nakakatuwa na meron pa rin itong 2K na video recording kahit sa ganitong presyo. Talagang sagad yung quality na makikita natin kapag ito ang naka-set na resolution. Yun lang ay kapag naka-2K ay wala itong kahit anong stabilization pero pwede natin i-on ang Ultra Steady mode. Gagamit ito ng EIS at medyo magzo-zoom ito ngkaunti at magiging 1080p na lang. Pero pwedeng-pwede na ang quality sa 2K, napaka-sharp at okay yung kulay ko, hindi maputal o overly saturated.
Battery
Main highlight ng phone ay ang battery, 7000mAh ang battery capacity nito at capable sa 33W na charging. Ang SoT na nakuha natin dito ay 19 hours and 32 minutes. Talagang very reliable ang phone na ito pagdating sa battery life. Para sa mga mahal naming riders na humahanap ng phone na maasahan ang battery, pwedeng-pwede niyo i-consider itong Tecno POVA 6 Neo. Hindi tayo kailangang palaging naka-charge kaya hindi agad-agad masisira yung battery. Wala talaga akong makita na option para makagamit tayo ng bypass charging.
Conclusion
Bibilhin niyo ba itong Tecno POVA 6 Neo?
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada: https://invol.co/cllekob
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: