Sa wakas mapag-uusapan na natin ngayon itong Tecno Pova Pro 5G. Ang official price nito at PHP9,999 pero mas maganda kung i-check niyo na lang itong link para sa updated price: Lazada – https://invol.co/cljta3q Shopee – https://invl.io/cljta42
Ang nandito sa atin ngayon ay ang 8/256GB variant at Silver Fantasy na kulay. Pero if ever na ayaw niyo itong Silver Fantasy, meron pa itong Dark Illusion na parang Navy Blue ang kulay.
UNBOXING
Ganun pa din ang box nito, kagaya sa Tecno Pova 5 na pa-triangle. Pag-open ng box, makikita kaagad ang Tecno Pova 5 Pro 5G na nakabalot sa plastic na may nakalagay na top specs. Ang ganda ng likod nitong phone na ‘to kasi ang futuristic ng itsura at meron pa itong light effects. Sa loob pa din ng box, meron itong sim ejector pin, documentation, jelly case, USB-C to USB-A cable, wired earphones at 68W charging break.
DESIGN
Meron itong light effect sa likod pero plastic lang ang frame. Para makita natin ang light effect, punta lang tayo sa Settings > Special Function > Backlight Effect tapos may makikita na kayong options para sa light effects. Pagdating sa mga sides niya, meron itong secondary speaker sa taas at main speaker sa baba. Pagdating sa speaker niya, hindi naman ako nabitin sa maximum volume niya. Napakasmooth din ng fingerprint scanner niya kasi isang dampi lang ay nag-o-open na siya kaagad.
DISPLAY
Meorn itong 6.78″ IPS LCD FHD+ 396ppi, 120Hz maximum refresh rate at aabot ng 580 nits ang peak brightness kaya hindi tayo magkakaroon ng issue kapag nasa labas tayo kapag gamit ang phone na ‘to.
Kapag pumunta naman tayo sa Display Setting, meron din itong option para matimpla ang color temperature kung sakaling ayaw natin ng default. Level 1 din ang kanyang Widevine Security Level at Full HD ang Maximum Playback Resolution sa Netflix kaya makakapag-play tayo dito ng mga Full HD content sa mga streaming services.
Pagdating sa refresh rate settings, meron itong apat na options: 120Hz, 90Hz, 60Hz at Auto-switch. ‘Yung kanyang Auto-switch ay bumababa naman to 60Hz kung kinakailangan kaya malaking tipid siya sa battery. Pero kung gusto natin siyang i-lock to 120Hz, ganun pa di ang behavior niya kagaya sa Auto-switch, bumababa pa din siya to 60Hz kapag hindi ginagalaw ang display.
PERFORMANCE
Naka-Android 13 na ito out of the box, HIOS13, Dimensity 6080 chipset, 8GB RAM at 128/256GB internal storage. Nakakuha tayo ng 427386 Antutu Score kapag naka-on ang Virual RAM at 430150 naman kapag naka-off ang Virtual RAM.
Pagdating sa thermals, nabawasan ito ng 3% na battery percentage after the test at nadagdagan ng 6°C. Kaya walang alarming heat ang na-generate ang phone na ‘to.
Sa CarX Rally, umaabot siya ng 60fps kasi naka-low setting lang tayo kaya nakakaya niya ‘yan. Pero kung gusto niyo na maglaro ng high refresh rate, punta lang kayo sa Settings tapos i-change niyo to 120Hz ang refresh rate.
CAMERA
Meron itong 50MP, f/1.6 main shooter, 0.08MP depth sensor at 16MP selfie camera. Ito ang mga sample shots:
BATTERY
5000mAh ang battery capacity nito na capable sa 68W charging speed. Grabe ‘yun para sa isang PHP9,999 na phone! Nakakuha tayo ng 12 hours and 10 minutes na SOT. Ang setting natin diyan ay naka-Auto switch ang refresh rate, 50% brightness at patay ang WiFi. Not bad naman iyan, hindi siya ganun ka-impressive pero good enough para sa ganitong presyo ng phone. Pagdating sa charging, from 24-100%, 39 minutes ko lang siya na-charge. Ang tindi talaga!
Sulit na sulit talaga ang phone na ‘to at mairerekomenda ko talaga kasi sa ilang araw na paggamit ko dito, wala akong naencounter na deal breaker na issue. Siguro kung meron lang dapat ma-improve dito ang Tecno ay ang bloatware kasi marami-rami pa din. Pero pwede naman iyan i-disable o i-uninstall. Other than that, wala na akong makitang issue dito sa phone na ‘to.
Kayo, anong masasabi niyo sa phone na ‘to? Comment lang kayo diyan. Kung gusto niyong bilhin ang phone na ‘to, click niyo lang ang link na ‘to:
Lazada – https://invol.co/cljta3q Shopee – https://invl.io/cljta42