Another phone ng Tecno nag pag-uusapan natin ngayon. Ito ang kanilang flagship phone na Tecno Phantom X2 Pro 5G. Sa kanilang Shopee Store, mabibili natin ito for PHP42,999 as of making this blog. Para sa updated pricing, click niyo lang ang link na ‘to: https://invl.io/cli8b6y
UNBOXING
Malapad pero manipis ang box nitong X2 Pro 5G. Very premium at malayo ang itsura ng box compared sa iba pang box ng Tecno phones sa ngayon. Ang andito sa atin ngayon ay ang 12/265GB na variant at may colorway na Mars Orange. Hatakin lang natin ‘yung tela na nakalitaw para ma-open natin ‘yung mismong box. Sobrang ganda nitong Mars Orange. Kung bibili kayo nitong X2 Pro, make sure na itong Mars Orange ang bibilhin niyo.
Sa loob ng box, meron itong document sleeve na may laman na sim ejector pin, documentation at hard case na merong stand. Kapag nilagyan natin ng hard case ‘yung X2 Pro, medyo expose lang ‘yung gilid pero napaka-elegante niya tignan. ‘Yung stand niya ay nasa camera module at magagamit natin ito sa panonood ng videos or movies. Sa loob pa din ng box, makikita din ang 45W na charger, charing cable at wired earphones na USB-C ang dulo.
DESIGN
Masasabi kong nasa unique side ang design nitong Phantom X2 Pro 5G at nag-stand out siya sa iba pang phones ngayon. Napakalaki ng camera module at meron silang reason bakit nila ginawa iyan. Katulad ng sinabi ko kanina, napakaganda nitong Mars Orange. Aakalain mo sa una ay naka-leather siya pero plastic lang talaga siya. Magaspang siya at gawa siya sa recycled materials. Meron din itong aluminum frame at talagang napakanipis ng phone na ‘to. Sobrang premium talaga!
Sa bandang taas, ‘yung secondary microphone lang ang makikita natin. Sa right side naman, ‘yung volume up and down buttons at powerlock buttons. Sa left side, malinis na malinis at wala tayong makikitang kahit na ano. Sa ilalim, andito ang speakers, USB-C port, main microphone at sim tray. Nakakalingkot lang kasi wala tayong Micro SD Card slot dito, dual sim lang talaga siya. Mabuti na lang, 256GB ang ating storage.
Makikita din natin sa likod ang Phantom na branding at ang napakalaking camera module. ‘Yung punch hole selfie camera naman ay nasa gitna ng display. At napakanipis din ng bezels ng phone na ‘to! Talagang proportioned at pantay na pantay. In-display din ang fingerprint scanner nito at wala akong nakitang problema. Mabilis naman pati na din ang animation.
Ang problem lang na nakita ko dito sa display nitong Phantom X2 Pro ay ‘yung kanyang haptics. Ang pangit ng vibration at nagpo-produce pa siya ng unnecessary vibrating sound kapag pumipindot ka. As in dinig na dinig mo ang hapyic engine sa loob na talagang nakaka-annoy. Mas maganda kung patayin na lang ang haptics ng phone na ‘to.
Pero overall, napakaganda ng design ng phone na ‘to. Talagang maipagmamalaki ‘to ng Tecno.
DISPLAY
Meron itong 6.8″ 1080 x 2400 Curved AMOLED 120Hz na protected ng Corning Gorilla Glass Victus at 505 nits ang kanyang max brightness.
Para sa akin, hindi super accurate ang color reproduction nitong Phantom X2 Pro pero very pleasing naman sa mata. Vibrant naman siya at higit sa lahat, sharp naman siya at hindi annoying manood dito ng mga videos or movies.
Meron din itong tatlong refresh rate option na pwede nating piliin: Auto-switch, 60Hz at 120Hz. Bumababa ba ng kusa ang refresh rate kapag naka-Auto Switch tayo? Yes, pero hindi siya ganun ka-sensitive. For example, dito sa Playstore, kapag binuksan mo dapat naka-60Hz na siya pero nag-stay pa din siya sa 120Hz. Pero kapag binuksan naman natin ang Chrome Browser, 60Hz naman siya all the time. Ganun din sa YouTube application, 60Hz lang din siya agad-agad. Kahit hindi din natin ginagalaw ang Home Screen, nag-stay pa din siya sa 120Hz. Para sa akin, hindi talaga ‘yan ganun katipid sa battery.
Sa Color Settings naman, Bright at Original lang ang option natin pero mababago naman natin ang color temperature kaya goods pa din.
Good news din dahil ang kanyang Widevine Security Level ay Level 1 kaya makakapanood tayo dito ng HD Content sa mga Streaming Services. Dinouble check ko din siya sa Netflix application at confirmed naman na Level 1 ang kanyang Widevine Security.
Infairness naman sa curve display nitong Phantom X2 Pro kasi hindi malala ang discoloration. Syempre, meron pa din kahit kaunti pero hindi ganun ka-obvious, very subtle lang.
PERFORMANCE
Meron itong HIOS 12 on top of Android 12, Dimensity 9000 ang chipset, 12GB LPDDR5 ang RAM at 256GB UFS 3.1 ang storage. Meron din itong MemFusion o virtual RAM up to 5GB. Dahil 12GB na ang RAM nitong phone na ‘to, hindi ko na nirerecommend na gamitin niyo pa ang kanyang Virtual RAM.
Mataas din ang Antutu Score na nakuha natin dito sa Phantom X2 Pro. Almost 1M kaya talagang flagship ang performance nito. Pero hindi siya kasingbilis ng mga bagong Snapdragon chipset sa ngayon.
Hindi din natin magiging problema sa games ang phone na ‘to kasi nga flagship phone siya. Kahit anong game ang ibato natin dito, sobrang smooth lang. Exmple, dito sa Asphalt 9, sobrang optimized na siya. Maliban sa compatible na siya sa 60fps na gaming, na-generate pa niya lahat ng graphics.
Pero magiging problema natin dito sa Phantom X2 Pro, pagdating sa performance, ay ang kanyang Thermals. Sa kanyang Wildlife Stress Test, umabot ito ng 45 degree celcius. Take note, 26 degrees ang starting temperature natin diyan. So, sobrang layo ng itinaas ng kanyang temperature. Malaki din ang bawas niya sa battery after ng test which is 14%. Para sa akin, hindi ideal na mag-run tayo dito ng sobrang demanding na games or application.
CAMERA
Take note lang, lahat ng sensor na ginamit dito sa Phantom X2 Pro ay puro Samsung. Meron itong 50MP, f/1.9 Main Shooter, 50MP, f/1.5 Telephoto Lens na may 2.5x na optical zoom, 13MP f/2.2 Ultrawide at Selfie Camera na 32MP.
Pag-usapan naman natin itong retractable lens. Ito ‘yung sinasabi ng Tecno na World’s First Retractable Lens sa kahit na anong phone ngayon. Totoo naman kasi kapag nag-switch tayo sa 2.5x zoom, talagang aangat na parang DSLR ‘yung camera nitong Phantom X2 Pro. Mind you guys, hindi ‘to dinesign para mag-switch tayo from main camera to 2.5x zoom seamlessly. For example, nagte-take tayo ng videos tapos nasa 1x zoom or main camera, tapos nag-zoom tayo, digital zoom lang ang makukuha natin. Hindi siya automatically nagsi-switch to 2.5x optical zoom. Ang reason is ayon sa Tecno, yung 2.5x zoom o retractable lens ay dinesign talaga para sa mga portrait shots. Yes, pwede pa din natin siyang gamitin sa pag-take ng photos at videos pero kailangan pa din nating magswitch sa retractable lens o 2.5x optical zoom bago tayo mag-record at mag-shoot ng photo. Ulitin ko, portrait zoom ito, hindi ito zoom lens.
Pagdating sa mga photos, nagustuhan ko naman. Maayos namn siya overall pero hindi pa din siya flagship level quality.
Talagang nag-excel itong Phantom X2 Pro sa video. Sa 4K 30fps gamit ang main camera, napaka-stable niya kasi kahit pa i-on natin ang Ultra Steady Mode, 4K pa din ang sagad na resolution na makukuhanan natin. Kapag sinelect naman natin yung 4K 60fps, ma-o-off na ‘yung Ultra Steady. Pero bihira akong makakita ng ganito na 4K 30fps pero naka-on pa din ang Ultra Steady Mode. Kahit na i-zoom natin siya ng 10, stable pa din. Hindi na super sharp pero atleast, visible pa din kahit papano. Ang catch lang dito sa Phantom X2 Pro ay ‘yung retractable lens ay hindi automatically masi-switch kapag magzu-zoom tayo. Kailangan mo muna siyang i-switch bago ka mag-video para magamit mo siya.
Pero personal opinion ko lang, kahit hindi nagre-retract ‘yung optical camera na ‘yun, magzu-zoom pa din naman siya eh, magagamit pa din natin as 2.5x optical zoom ang camera na ‘yun. Kaya para sa akin, gimik siya. Aware naman ako na pang-portrait ang camera na ‘yun pero para sa akin mas maganda kung seamless, from main camera masi-switch automatically sa 2.5x zoom kapag ginagamit natin ang zoom.
Anong masasabi niyo sa camera? Comment kayo diyan sa baba.
BATTERY
Pagdating sa battery, meron itong 5160mAh battery capacity at 45W charging speed. Hindi masyadong maganda ang SOT na nakuha dito sa Phantom X2 Pro kasi naka-set lang ako sa Auto Switch na refresh rate. At nakita niyo naman kanina na ‘yung display niya ay hindi kusang bababa sa 60Hz. Kaya ang makuha lang natin dito ay 7 hours and 48 minutes, almost 8 hours lang. Pagdating sa charging time, from 7% to 100%, inabot ng 1 hour and 28 minutes. Mabilis na ‘yan kasi nga mahigit 5000mAh ang battery capacity nito.
Anong verdict natin dito sa Tecno Phantom X2 Pro? Kung ako ang tatanungin ninyo, hindi ako ganun ka-convince na worth ito for PHP43,000. Pero again, good job sa Tecno for innovating, for stepping up kasi nag-try sila ng bago sa phone na ‘to. Abangan natin ang susunod na model ng Phantom line up nila. Sana maging seamless ang pagpapalit ng lens, from main camera to optical retractable lens para mas maging useful ang pagiging retractable lens ng kanyang camera.