Ito ang second time na magre-review tayo ng Folding Phone, ito ang Tecno Phantom V Fold. May presyo ito na PHP59,999. Yes, malaking presyo iyan pero maniwala kayo’t sa hindi, ito ang pinakamurang folding phone sa ngayon. Ito din ang pinakaunang folding phone ng Tecno at sa lahat ng folding phones sa ngayon, ito ang may pinakamalaking battery capacity. Pero gusto pa din natin ma-check kung ano ang aasahan natin sa performance at features.
UNBOXING
Sa harap ng box, may makikita tayong malaking letter V at may text na Phantom V Fold. Ang unang makikita sa loob ng box ay ang cover na may “Beyond The Extraordinary” na text. Kapag tinanggal natin ang cover, ‘yung Phantom V Fold na ang makikita natin na nakabalot sa plastic. Sobrang ganda ng likod niya, hindi siya leather pero matte-finished siya. Sa loob ng box, meron pa itong document sleeve na may sim ejector pin, warranty card at back cover na naka-carbon fiber design, 45W charger at charging cable.
DESIGN
Sa unang kita ko dito, nagandahan talaga ako kasi ang simple at ang likod ay mukhang leather. Kapag kinapa naman ang hinge, meron itong texture na vertical lines. Meron lang maliit na gap sa magkabilang gilid ng hindge na inaalala ko kasi kapag napunta tayo sa medyo maalikabok na lugar, possible na maipon doon ang mga alikabok. Wala kasing IP Rating itong Tecno Phantom V Fold. Kapag naka-fold naman itong phone, wala talaga siyang gap at close na close siya.
Kapag naka-fold sa may right side, makikita ang volume up and down buttons at powerlock button na fingerprint scanner na din. Sa taas naman makikita ang secondary speaker at secondary microphone. Sa ilalim ay ang USB-C port, main microphone, sim tray at main speaker. Sa harap kapag naka-fold, makikita naman ang punch hole selfie camera na nasa gitna. Tapos, ang shape niya ay medyo matalas ang edge sa left side at mas curved naman sa right side.
Kapag naka-unfold naman, meron ulit itong punch hole selfie camera at pantay na pantay ang kanyang bezels. Plastic frames lang siya pero magnetic kaya kapag finold natin, close na close talaga siya at walang gap. Para sa akin, wala lang ‘yung screen protector niya sa harap kapag naka-fold. Ang reason ay sobrang higpit ng magnet niya kaya kapag gusto kong i-unfold, dumudulas talaga ang kamay ko sa may curve at nababakbak ko ‘yung screen protector.
Pagdating naman sa hinge niya, for the most part ay okay naman siya. Ang problem niya lang ay hindi katulad ng ibang mga phones sa ngayon na pwedeng gawing laptop style kasi hindi adaptive ang kanyang display. At gusto ko ding maging transparent sa inyo kasi may mga time na kapag hawak ko itong phone, may langitngit ng kaunti o nagkikiskisan ang dalawang half ng display sa may hinge niya. Pero hindi naman siya alarming for me.
DISPLAY
Kapag naka-fold, meron itong 6.42″ LTPO Amoled 1080p, 1B colors ang kaya niyang i-produce, 120Hz maximum refresh rate at 431 ppi. Pagdating sa brightness, aabot ito ng 1100 nits, protected pa ito ng Corning Gorilla Glass Victus at ang kanyang aspect ratio ay 21.3:9.
Kapag unfolded naman, meron itong 7.85″ LTPO Amoled 2K resolution, 1B colors din ang kaya niyang i-produce, 120Hz din ang maximum refresh rate, 338 ppi, 1100 din ng peak brightness at hindi ito protected ng Corning Gorilla Glass Victus pero meron itong napakanipis na screen protector.
Kung babalikan niyo ng balot nitong Phantom V Fold, meron doong warning na huwag na huwag tatanggalin ang screen protector kapag naka-unfold. At kung nagbabalak kayo na kabitan ng screen protector ito o tempered glass, hindi niyo iyan magagawa dito. Kung ano ang protection niya out of the box, ‘yan na ‘yun forever. Kung sakali na mabakbak o matanggal ninyo ang screen protector, pupunta talaga kayo sa service center ng Tecno.
Isa din sa mga pinag-uusapan sa mga folding phone ay ang crease or ‘yung lukot sa gitna. Lahat naman ng folding phone sa ngayon ay may crease. Dito sa Phantom V Fold ay hindi malala ang crease niya. Pero kapag nag-i-scroll ay mararamdaman niyo ‘yung crease sa gitna.
Kapag naka-fold at unfold, Level 1 ang kanyang Widevine Security Level at Full HD ang maximum resolution sa Netflix.
Pagdating sa linaw at color reproduction, napakaganda nitong Phantom V Fold. Kapag naka-fold, meron lang itong black bars sa gilid kapag nagpe-play ng videos at malaking black bar naman sa taas at baba kapag naka-unfold.
FEATURES
Kapag gusto nating mag-split screen, mag-open lang tayo ng isang app tapos swipe lang natin ‘yung gitna mula sa taas pababa. Tapos, pwede na tayong makapag-open ng isa pang app. Pwede ring i-resize kung gusto niyo.
Kapag gusto naman nating i-pop up ang isang application, meron kayong makikitang tatlong dots sa taas, click niyo lang iyon tapos i-click niyo yung last icon. Pwede niyong ilagay sa kahit saan ‘yung naka-pop up na app at pwede ding i-resize. Kapag gusto niyo naman ibalik sa dating size, click niyo lang ang maximize button.
Kung gusto niyo naman i-fold ang phone habang gumagamit ng isang app, pwedeng-pwede din. Pero kung halimbawa ay gusto nating ma-lock ang phone kapag finold natin, pwede din. Punta lang kayo sa Settings > Main Screen > Screen Relay. Mapipili niyo kung gusto niyo ng Smart Relay, Slide to Keep Using, Keep Using Directly at Screen Off.
PERFORMANCE
Naka-HIOS 13 Fold, Android 13, Dimensity 9000+ chipset, 12GB RAM, 512GB UFS 3.1 internal storage.
Kapag naka-fold, nakakuha tayo ng 1102543 Antutu Score. Kapag naka-unfold naman, nakakuha naman tayo ng 1072161. Bumaba siya ng kaunti kapag naka-unfold, baka dahil malaki ang resources na nagagamit niya at malaki ang display.
Ngayon, kahit anong games ang ibato dito sa phone na ‘to, kakayanin niya kasi malaki ang Antutu Score na nakuha natin dito, maganda ang chipset at ang laki ng RAM at storage. Pero hindi ko pa din siya maire-recommend sa games kasi madali siyang uminit. Mararamdaman mo talaga kahit ilang minutes ka pa lang nagge-games dito.
CAMERA
Meron itong 50MP Main Shooter, 50MP Telephoto Lens 2x Optical Zoom, 13MP Ultrawide, 16MP Selfie camera if unfolded at 32MP Selfie camera if folded. In short, meron itong dalawang selfie camera pero pwede din nating pang-take ng groupie ang main camera. Ang gagawin lang ay buksan ang camera application. Tapos may makikita kayong icon sa may right side, tap niyo lang then i-flip niyo ang phone at pwede na kayong kumuha ng selfie gamit ang main camera. Ito ang mga sample photos:
BATTERY
At dahil ginamit ko for almost 3 weeks itong Phantom V Fold as my daily driver, ang ibibigay kong SOT ay based sa real usage ko. Halimbawa, meron pa akong 4% left, pero ang SOT ko ay 10 hours and 47 minutes. Meron din isang araw na may 38% pa akong natitira at ang SOT ko ay 5 hours and 25 minutes.
Iyon na lahat ng data na gusto kong i-share dito sa Phantom V Fold. For PHP60,000 bibilhin niyo ba ito? Comment kayo diyan sa baba.
Overall, nagustuhan ko talaga siya kasi napaka-praktikal niya kaysa gumastos kayo ng PHP100,000 para sa Samsung Galaxy Fold. Pero ito ang ilan sa mga hindi ko nagustuhan dito sa Phantom V Fold.
- Kapag meron kang folding phone, hindi siya kasya sa car mount.
- Hindi din siya kasya sa mga cellphone stand na nabibili sa ngayon kasi manipis lang ang grip nun.
- Kapag nilapag natin itong Phantom V Fold sa flat surface, hindi siya flat.
- Hindi ko din nagustuhan ang Always on-display kasi hindi bumababa ang refresh rate from 120Hz.
- Meron talaga siyang langitngit o nagkikiskisan ‘yung dalawang display.
- Wala itong support sa mga HDR na videos o kahit Dolby Vision videos.
If ever na interested kayo sa phone na ‘to, ito ang link: https://invol.co/cljmde7