Price
Yung paguusapan nating flip phone sa ngayon, kung hindi man yung pinakamura ay isa sa pinakamurang flip phone na mabibili natin sa ngayon. Kung ico-consider natin ang presyo ng mga Samsung Galaxy Flip o Motorola Flip Phone, napakamahal ng mga iyun. Pero itong PHANTOM V Flip ng Tecno ay Pph29,999.00 lang ang regular price. As of writing this article, ang current price naman nito ay Php24,999.00, nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
White ang box nitong V Flip. May makikita rin na malaking V sa gitnang harap. Sa ilalim naman makikita ang full specs ng V Flip. Pag-open ng box, unang makikita ang V Flip na may balot na plastic. Nakalagay sa plastic ang safety reminders, kasama na ang safety protector na build in sa phone, bawal daw ito tatangalin. Napaka-elegante ng itsura nitong V Flip. Sa ilalim ng box ay may mahabang sleeve na may stickers, user manual, warranty card, at case. Ang case ay halos ka-texture ng likod ng V Flip. Sa isang box ay may SIM ejector pin at USB-C cable for charging. Sa isang box naman ay may charging brick na 45W na USB-A ang port. More than a month na rin nasa akin itong phone at mga ilang araw ko na rin ito ginagamit ng tuloy-tuloy.
Design
Leather texture ang likod ng phone. Kapag naka-unfold naman ang phone, ang hinge at secondary display ay medyo glossy kaya fingerprint at smudge magnet ito. Ang secondary display ay may built-in na screen protector. May mga stitches din na design ang likod ng phone. May isa pang colorway itong V Flip na Mystic Dawn na may pagka-purple ang kulay. Iba ang pagkaka-design sa Mystic Dawn compared sa Iconic Black kaya depende nalang ito preference. Kung gusto natin ng neutral color ay okay itong black sa atin pero kung medyo fashionista naman tayo ay pwede naman ang Mystic Dawn.
Sa hinge naman ng phone, according to Tecno ay tatagal ito ng 200K+ cycles. Isang cycle ang pagbukas at pagsara. Rough estimate ko na bago masira ang hinge, sabihin natin na flat 200K ang cycles ng hinge at sabihin natin na 50 cycles ang ginagawa natin every day, tatagal ito ng 10 taon. Malamang sa loob ng 10 taon na iyun ay iba na ang daily driver natin. Ganun katibay ang hinge at maasahan na rin. Sa paggamit ko naman ng phone ay wala naman akong naging issue dito dahil kung ano ang feels ng hinge nito ay ganun pa rin.
Makikita niyo rin na wala pa ring gap. Reminder din na ito ang first gen ng mga flip phone ng Tecno. Yung ilang brand like Samsung ay ilang generation ang inabot nila para ma-achieve yung flip phone na walang gap. Pero sa Tecno ay unang flip phone pero wala ng gap kaya thumbs up sa Tecno. Sa right side ng phone makikita ang fingerprint scanner na power lock button na rin at ang volume up and down buttons. Sa kabilang side naman ang SIM tray. Sa ibaba naman ang USB-C port, main mic, main speaker, at secondary mic sa kabilang part.
Yung earpiece nitong V Flip ay yung secondary speaker nito kaya dual speaker ang meron dito. Tungkol naman sa quality ng dual speaker ay pasado sa akin, hindi ako nabitin sa max volume, hindi distorted, at hindi compromise ang quality kahit na manipis ang phone. Good job sa Techno.
Display
Specification:
Pagdating sa color reproduction ay maganda itong Tecno PHANTOM V Flip. According to Tecno ay 100% P3 ang color coverage nito kaya talagang accurate naman ang kulay at mae-enjoy natin yung panonood natin dito ng movies at videos. Yung crease nito o lukot sa gitna ay kita pa din pero compared sa previous generation ng mga flip phone ay hindi na ito ganun ka-obvious. Sana dumating ang time na ang crease sa mga folding phone ay halos wala na talaga.
Ang protection natin sa main display nitong V Flip ay SCHOTT UTG or Ultra Tin Glass. May mapapansin kayo na additional layer of protection kahit na fo-fold ang phone ay may protection pa rin at hindi madali magasgas o mabasag. Sa harap naman na display ay kahit may built-in na screen protector ay meron pa rin itong Corning Gorilla Glass Victus protection. Kung ayaw natin ng screen protector sa harap ng phone at tinangal natin ay may protection pa rin. Pero I suggests na huwag niyo nang tangalin dahil sayang naman.
Ang Widevine Security Level nito ay Level 1 kaya makakapag-play tayo dito ng HD content sa mga streaming services. Sa display settings ay may apat na option na 120Hz, 90Hz, 60Hz, at Auto. LTPO AMOLED ang meron tayo dito at according sa Tecno, ang main display ay pwedeng bumaba from 120Hz to 10Hz. Pero sa experience ko ay hindi ko talaga nagawang paabutin ng 10Hz yung main display kahit wala na akong ginagawa sa display. Pinakamababa na refresh rate lang dito ay 60Hz. Kahit sa Always on Display ay 120Hz pa rin ang refresh rate at siguro mafi-fix ito ng Tecno sa susunod na software update. Pero sa secondary display ay naka-60Hz naman ito.
Marami na tayong pwede magawa sa secondary display pa lang. Pwede natin makita yung time, date, at battery remaining ng V Flip. Kapag nag-double tap tayo or in-unlock ang V Flip sa fingerprint ay meron itong animation or pet na pwedeng piliin. May parrot, aso, pusa, at iba pa depende sa preference natin. Pwede tayo mag-check ng notification, weather, camera activation, stopwatch, alarm, record, at iba na pwede natin i-customize sa settings. Kung ayaw naman natin ma-activate ang pets ay pwede naman tayo mamili sa watch faces.
Kapag nag-charge naman tayo sa Phantom V Flip ng naka-close ay makikita natin ang battery percentage at ang ganda ng animation. Kapag may nag-call sa atin ay pwede na rin natin i-answer ang call or mag-reply gamit ang quick reply. Pwede tayo mag-take ng selfie dito or ng TikTok video kung gustso natin. May instant phone stand tayo agad dahil pwede ito i-open lang ng half na parang maliit na laptop. Kaya kahit na hindi na tayo gumamit ng tri pod at gusto natin mag-shoot ng vlog ay pwedeng-pwede dito sa PHANTOM V Flip.
Hindi rin nakakaasiwa na ilagay ang phone sa pocket natin lalo nakapag nakapantalon tayo or naka-short. Hindi kasi ito ganun kalaki at hindi rin ganun kakapal.
Performance
Specification:
By default, ay naka-on ang MemFusion natin sa phone. Ang Antutu score natin kapag naka-on ang MemFusion at naka-auto ang refresh rate, 555342 at not bad. Kapag naka-off naman ang virtual RAM ay naging 602668, medyo malaki ang difference ng performance kapag hindi natin ginamit ang virtual RAM. Sinubukan ko naman na habang naka-off ang virtual RAM nitong V Flip ay naka-60Hz ang refresh rate. Ang Antutu score ay naging 803571, sobrang laki ng na-jump sa performance. If ever na gusto natin ng optimal performance sa phone ay pwede niyo i-lock to 120Hz ang refresh rate.
Hindi ko nire-recommend na mag-games kayo dito sa PHANTOM V Flip pero if ever na maisip niyo itong gawin ay kayang-kaya talaga ng phone. Dito sa Grid Autosport, compatible ang phone sa game at kayang-kaya ito i-run. Napakaganda rin ng graphic, walang hiccup, walang frame drops, at buong game ay napaka-smooth. Kahit ano pang application ang patakbuhin natin dito sa PHANTOM V Flip ay kakayanin nito.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshots:
Mapapansin niyo sa mga sample photos na okay ang quality. Hindi naman super impressive pero pwede na para sa presyo. Ang night photos ay okay din. Sa video naman ng main camera ay naka-1080P/30fps. Ang isa sa gusto ko sanang ma-imrpove ng Tecno sa susunod na software update nila, ang max resolution na pwede natin i-record sa main camera ay 1080p kapag naka-close ang V Flip. Kahit i-set natin to 4K sa settings before mag-shoot ay mako-convert pa rin ito to 1080p. Mas maganda sana kung 4K kahit pa naka-close ang v flip. Siguro, isang reason kung bakit nila ginawa iyun ay dahil sa thermals. Sana sa susunod na software update ay ma-set ang specific resolution sa main camera kapag naka- close ang V Flip.
Pagdating sa quality ay okay naman lalo na kung outdoor. Mas mganda yung magiging quality dahil main camera ito. 2K/30fps naman ang video recording sa selfie camera ng V Flip. Kung gusto natin ng stabilization ay magdo-dwonscale ito to 1080p. Okay naman ang quality, mas gusto ko ang quality ng main camera pero pwede na dahil 2K naman na.
Battery
Sa mga foldable phones, compromise talaga ang battery dahil nga manipis ito. Itong PHANTOM V Flip ang isa sa mga flip phone sa ngayon na may pinakamalaking battery capacity, 4000mAh ang capacity at 45W ang charging speed. Ang mga Flip phone ng Samsung sa ngayon ay less than 4000mAh ang battery capcity. Although hindi naman nalalyo sa real life performance yung battery ng Samsung Flip 5 at sa PHANTOM V Flip.
Ang SoT kapag naka-auto refresh rate at naka-on ang MemFusion ay 9 hours and 4 minutes lang. Kapag naka-off naman ang MemFusion pero auto pa rin ang refresh rate, nag-improve naman kahit papaano at naging 9 hours and 20 minutes. Kapag naka-lock lang to 60Hz ang refresh rate ay naging 8 hours and 47 minutes nalang at bumaba pa lalo. Hindi ko nire-recommend na gawin nating 60Hz ang refresh rate ng V Flip. Ang pinakamalaking SoT na nakuha natin sa V Flip kapag naka-lock to 90Hz ang refresh rate ay 9 hours and 41 minutes. Kapag naka-lock naman to 120Hz ay pinakamababa namann ang nakuha natin, 7 hours and 49 minutes.
Pagdating naman sa charging speed, 14% to 100% ay 53 minutes naman ang inabot. Not bad at mabilis na rin iyun. Kung tatanugnin niyo naman ako kung ilan ang tinatagal ng phone sa isang charge kapag ginamti ko ito ng normal, 1 and half day. Iyun ay kapag naka-wifi at kapag naka-data naman ay kaya na nito ang 1 whole day. Hindi tayo mage-expect ng napakagandang battery life sa isang flip phone ngayon. Pero darating ang time na ang mga flip phone ay magiging kapantay na ang battery life ng mga bar phone.
Verdict
Sa tingin niyo ba sulit itong Tecno PHANTOM V FLIP para sa presyo? Kung ako ang tatanungin, nagustuhan ko ang phone. Halos wala talaga akong reklamo sa flip phone ng Tecno, napaka-smooth ng performance, napakaganda ng display. Okay naman sa akin yung secondary display. Yung battery life ay makakasanayan din at okay na rin para sa presyo. Considering na half the price ang V Flip sa mga malalaking brands ngayon na mga Flip phone ay okay na okay itong Tecno PHANTOM V Flip. Kung talagang gusto natin ng Flip phone experience. Tapos ang hinge nito ay maganda ang promise ng Tecno. Pero depende pa rin ito sa kung papaano natin gagamitin.
May dalawang bagay lang ako na gusto makita sa susunod na alteration nila ng flip phone. Sana hindi na bilog ang secondary display, pwedeng pahaba or square na kagaya ng Oppo Flip na napakaganda ng secondary display. Sana sa susunod ay meron nang IP rating dahil kung hindi ako nagkakamali ay wala talagang IP rating ang phone na ito. Hindi na masama ang phone na ito para sa presyo. Makakasanayan nalang natin ang phone na ito. Mare-recommend ko ang phone na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clk91re
Shopee – https://invl.io/clk91rm
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: