Nandito na yung pangalawang Flip phone ng TECNO, ito yung Phantom V Flip 2 5G. Na-review ko rin sa channel yung pinakauna nilang Flip phone na Phantom V Flip.
Price
Specification:
May dalawang color way na pwedeng pagpilian sa Phantom V Flip 2, Moondust Gray at Travertine Green. Ang ire-review natin na unit ay ang color gray.
Unboxing
Pagtanggal ng sleeve ay mare-reveal sa atin yug color white na box. Pagtanggal ng pinakataas ay makikita na natin ang Flip 2 na naka-balot sa paper. Yung balot nito ay may reminders para mas maingatan yung Flip phone. Sa ilalim ng box ay may papel na may mga reminder na huwag gagawin sa phone. Meron din itong 70W charging brick na USB-A ang port, SIM ejector pin, USB-A to USB-C cable. Sa document sleeve ay may documentation, dalawang set ng stickers, at transparent na hard case. Protected ang phone sa case at kita pa rin yung design ng phone. Mas ma-appreciate din natin yung stickers gamit ang case. Sa pinakailalim ay makikita naman yung NFC card.
Pagtanggal sa balot ng Phantom V Flip 2, may pagka-green pa rin ang phone kaya imagine kung gaano ka green yung green colorway. Maganda naman ito, matte finish kaya hindi kapitin ng smudges at fingerprints. Kahit hindi natin lagyan ng case ay pwedeng-pwede na. Para mas may additional protection ay gamitin pa rin natin yung case. Ang laki naman ng display sa may cover screen. Sa unang version nila ng Flip phone ay bilog lang sa gitna pero grabe itong Flip 2, sobrang laki para sa isang cover screen. May sticker na protection ang cover screen at optional kung tatanggalin mo.
Design
196 grams lang itong Phantom V Flip 2 kaya magaan. Kapag naka-unfold naman ay napakanipis din. Comfortable din hawakan kasi kapag naka-fold ay saktong-sakto sa thumb ko. Meron itong fingerprint scanner at volume up and down buttons sa may right side. Wala naman tayong makikita sa left side. Sa bottom side ay may SIM ejector pin, USB-C port, at main speaker. Sa taas naman ang main microphone at ang secondary speaker ay nasa may earpiece. Kapag naka-fold ang phone ay walang gap at talagang flat na flat. Para sa ganitong presyo ay nakakabilib na napaka-premium ng feels, itsura, at build quality nitong phone.
Pinagmamalaki ng Phantom itong hinge na inilagay nila sa V Flip 2. Ang tawag nila dito ay Double-Helical Star-Track Drop-Shape Hinge. At according sa TECNO, na-test nila itong Phantom V Flip 2 ng 400,000 times na pag-fold and un-fold at naka-survive ang phone. Ganun katibay yung hinge kaya talagang reliable. Sa main screen naman kapag naka-unfold ay makikita sa earpiece yung secondary speaker at LED flash. May flash ito kapag folded and un-folded kaya maganda-ganda yung mga photos na makukunan natin sa phone.
Cover Screen
Specification:
Madami na tayong pwedeng magawa sa cover screen pa lang. Pag-unlock ay kita na agad natin yung oras, date, notification, at widgets. Pagka-swipe ay makikita na natin yung mga apps na pwede nating gamitin sa mismong subscreen. Pwede kang mag-games ng mga pre-installed na cute games, mag-set ng stopwatch, record ng sound, check ang weather, mag-TikTok, manood ng YouTube videos, at kahit mag-browse sa browser ay pwedeng-pwede. Maganda rin na kung ano yung ina-access natin sa cover screen, pag-unfold natin sa phone ay yun pa rin yung app na nakabukas. Napaka-seamless ng experience.
Pwede ka rin mag-take ng pictures at videos sa cover screen. Mako-customize mo rin yung sub screen sa Folding Screen Zone sa settings. Pwede kang mamili ng mga cover screen, kagaya na lang ng mga cute pets na sa bawat unlock, iba’t -iba yung behavior na ipapakita sa atin. Sobrang nakakaaliw at nakakadagdag sa magandang experience. Maganda rin mag-vlog kasi may instant stand ka na agad. Maliit lang yung cover screen compared sa mga normal size phone kaya hindi takaw-tingin sa mga public spaces. At dahil main camera ang gamit mo ay masisigurado mong high quality yung vlog at pictures mo. Pwede mo rin i-enable sa camera yung gestures para hindi mo na kailangang mag-set ng timer kapag magsho-shoot.
Sa pinakadulong page nitong cover screen ay pwede pa tayong mag-add ng iba pang mga apps na compatible sa size ng cover screen. Malaking advantage na andami na nating pwedeng gawin sa cover screen ng phone. Makakatipid tayo sa battery dahil hindi natin kailangan gamitin yung malaking main screen.
Main Screen
Specification:
Good news, para sa mga nagpa-plano manood ng movies or TV series sa mga streaming services, dahil sa Netflix, ang Widevine Security ay Level 1 at makakapag-play tayo ng Full HD na resolution. Kagaya ng lagi kong sinasabi sa mga Flip phone, medyo ultrawide yung aspect ratio nito kaya kapag nanood tayo ng 16×9 na mga videos ay malaki yung black bars sa dalawang gilid kapag naka-landscape. Kapag naka-zoom naman ay marami-rami yung details na mawawala. Isa sa palagi tinitingnan ng mga tao sa mga Flip phone ay ang crease or yung lukot nito sa gitna. Sa Phantom V Flip 2, halos hindi na natin makita yung crease. Meron pa rin at kita depende sa tama ng ilaw. Madali rin mapansin kapag nagii-scroll tayo.
Sa Test UFO, 60Hz by default kapag hindi ginagalaw ang screen pero sa oras na galawin ito ay magi-increase yung refresh rate to 90Hz. Pero 120Hz yung pinakamataas at pwede itong bumaba to 60Hz kung kinakailangan para makatipid sa battery.
Performance
Specification:
Ang AnTuTu score na nakuha kapag naka-off ang MemFusion ay 774113. Not bad, mataas na iyan. Kapag naka-on naman ang MemFusion ay malaki-laki yung itinaas, 781452. I suggest na gamitin niyo yung MemFusion para maging at least 16GB yung RAM in total.
Pero yung mga lagi kong nakikita sa mga Flip phone, yung compromise talaga ay yung thermals. Sa Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 12% sa battery at ang laki niyan. Sa thermals naman ay mula 28°C ay umabot ito ng 44°C, 16°C ang nadagdag at medyo alarming na yung heat kapag na-feel niyo sa likod ng phone. Karamihan sa mga cooling system sa ngayon ay straight sa likod ng phone kaso nafi-flip itong phone. Wala pang cooling system na kayang mag-utilize nang ganitong form factor.
Hindi ko ito mare-recommend sa gaming kasi mabilis itong uminit. Pero if ever na mag-games tayo, sa Asphalt Unite ay nakatodo yung graphic pero hindi nito na-generate lahat. Smooth, walang frame drops at hiccups na mafe-feel kaya kayang-kaya ng phone. Pero hinay-hinay pa rin tayo kasi baka maka-experience tayo ng alarming heat kahit casual game.
Camera
Specification:
Kapag hinawakan natin yung Phantom V Flip nang naka-half fold ay pwede nating i-enable yung DV Mode. Magiging parang classic na Video Cam Recorder ang phone at pwede tayo pumili ng ibat-ibang filter. Astig at parang may Camcorder tayong hawak. Para makadagdag ng nostalgia ay may dedicated case na ginawa ang TECNO para sa DV Mode, ito yung DV Mode Case. Meron itong panghawak sa gilid para mas ma-feel natin yung nostalgia ng camcorder.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshot:
Battery
Specification:
Maganda-ganda yung SoT na nakuha natin kasi almost 12 hours. Yung ini-test ko ito ay naka-unfold ang phone pero gagamitin din natin ang phone kahit unfolded kaya mas malaking SoT pa yung makukuha natin sa real usage. Sobrang bilis lang din i-charge nitong Phantom V Flip, from 14% to 100% ay 48 minutes lang yung itinagal.
Conclusion
Sa tingin niyo ba ay sulit para sa presyo itong TECNO Phantom V Flip 2 5G? Yan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa phone. Salamat sa pagbasa.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clm2exs
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: