Price
Itong Camon 30S ng Tecno ay nabili namin for Php9,499 lang. Yun nga lang, peak season kapag December dahil madaming bumibili ng mga phones kaya medyo tumaas ang presyo. Naging Php10,999 na ang presyo. I suggest, if ever na magustuhan niyo ang phone ay hintayin niyo na bumalik ito sa regular price dahil malaki ang itinaas ng presyo. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing
Makikita natin sa box ang sticker na TECNO Ai at ang configuration na 8/256GB. May tatlong ipinagmamalaki ang Tecno sa phone; Sony IMX 896 50MP sensor, may up to 100MP na mode, at chipset na G100. Pag-open ng box ay makikita agad natin ang document sleeve na may texture at nakasulat ang Camon. Sa loob ay may documentation, jelly case, at tempered glass.
Sunod naman ang 30S na nakabalot sa plastic na may top specs. Ang kulay na nasa atin ay ang Dawn Gold. Ang ganda ng design, mas nangingibabaw yung pagiging yellow nito sa personal. Medyo kakaiba rin yung design kasi nasa gilid yung camera module. At imbes na yung mga text sa camera ay nandun mismo sa camera module, ang text ay nasa palibot nito. Unique yung design nito para sa akin, yung texture ay matte at makinis lang. Sa ilalim ng box ay meron tayong 33W na charging brick na USB-A ang port at USB-A to USB-C cable.
Design
Kagaya ng sinabi ko kanina, matte ang likod nito kaya hindi kapitin ng fingerprints or ng dumi. Yung camera module ay medyo naka-protrude ng kaunti kaya maganda talaga na gamitin natin yung jelly case na kasama sa box. Sa taas ay makikita natin yung secondary speaker at secondary microphone. Sa ilalim naman yung ating main speaker, USB-C port, main mic, at SIM tray. Yung SIM tray ay pwedeng lagyan ng dalawang SIM pero hindi expandable ang storage. Mabuti na lang ay 256GB na yung storage ng phone. Sa right naman makikita yung volume up and down buttons at power lock button, sa left side ay malinis. Makikita naman natin sa harap yung punch hole selfie camera.
Kailangan niyo lang tandaan na itong Camon 30S ay walang pre-installed na screen protector. Meron naman ng tempered glass sa document sleeve kanina pero tayo na mismo yung magi-install. Pagdating sa bezels ay pantay na pantay sa taas, baba, at dalawang gilid kaya napaka-premium ng itsura. Idagdag mo pa na curve and display nito. Alam ko na marami sa inyo yung hindi gustong curve ang display ng phone pero kapag curved ang display ay nakakadagdag daw kasi ng pagka-premium ng phone. Mabuti na lang ay may tempered glass kasi mahirap makahanap ng tempered glass sa mga curved display kagaya nito.
Itong Camon 30S ay may IP53 na rating kaya dust and splash resistant na ang phone. Matalsikan ng tubig ay okay lang pero huwag natin ilulubog kasi papasukin ang phone. Sa mga curious sa haptics ng phone, okay lang naman at entry level ang feels kaya hindi ko na gagamitin.
Display
Specs:
Para sa peace of mind natin ay lagay niyo rin agad-agad yung tempered glass sa phone para hindi magkaroon ng micro scratches at pagsisihan natin sa huli. Pagdating sa media consumption ay mage-enjoy tayo kasi Level 1 ang Widevine Security kaya makakapag-play tayo ng HD content sa mga streaming services. Pagdating sa behavior ng screen refresh rate, makikita niyo sa Test UFO na kapag ginagalaw natin ang display ay tataas ito ng up to 120Hz. Pero kapag hindi natin ginagalaw ay babalik ito to 60Hz.
Malaki yung matitipid natin sa battery kung iiwanan lang natin sa default setting yung refresh rate. Pero if ever man na gusto natin baguhin ang setting ay meron itong 120Hz option, 60Hz, at Auto switch na palagi kong ginagamit. Good news din dahil pwede natin ma-customize ng kaunti yung kulay sa display. May dalawa itong preset na Bright-colored at Original color. Pwede rin natin mabago yung temperature. Sa special function ay meron pa rin itong Dynamic Port na kagaya sa iPhone na Dynamic Island.
Performance
Specs:
Sa Special Function ay may MemFusion or Virtural RAM na pwedeng i-enable, up to 8GB. In total ay pwede tayong magkaroon ng up to 16GB of RAM. Ang AnTuTu score na nakuha natin ay 446991, iyan ay kapag naka-off ang MemFusion or virtual RAM. Kapag naka-on naman ay naging 448918 yung score, tumaas ng kaunti kapag ginamit natin yung MemFusion. Dahil iyan sa mataas na storage na UFS 2.2. Good news din sa Wild Life Stress Test dahil 3% lang nag nabawas sa battery at 6°C lang ang nadagdag sa temperature.
Sa CarX Rally ay makikita ninyo yung Graphic settings natin na naka-ultra ito, ang frame rate limit ay nakasagad sa 120Hz, at yung resolution ay naka-default. Sa gameplay, nakaka-25fps lang ito at hindi nito kaya yung sobrang bigat na graphic sa mga games. Although yung 25fps ay acceptable na at playable pa rin naman pero hindi ganun ka-smooth. Kung minsan ay medyo complicated yung pinapakitang graphics sa CarX Rally kaya bumababa pa ito to 15fps at nag-warning na hindi kaya ng phone. I-reduce natin ang quality at check natin kung magi-improve, nag-improve naman ng kaunti. Kung isasagad natin ang graphics ay hindi talaga kakayanin ng phone.
Kahit sa Asphalt 9 ay hindi rin nito na-generate lahat ng graphics as expected kahit pa nakasagad yung settings. Pero okay lang kasi mas playable ito. Kung casual gaming ang gagawin natin sa phone ay walang problema. Huwag niyo rin kalimutan na i-add sa game management yung game para makapamili tayo ng performance profile.
Battery
Specs:
Ang nakuha nating SoT ay 12 hours and 36 minutes. Not bad pero hindi naman impressive. Baka sakaling ma-improve pa ito ng Tecno sa mga susunod na software updates. Itong SoT na nakuha natin ay pwede na natin magamit ng buong araw. Pagdating naman sa charging ay 17% to 100%, 1 hour and 46 minutes ko na-charge ang phone na ito.
Camera
Specs:
Ang pinakasagad na resolution sa selfie video ay 2K 30fps. Meron itong EIS pero magdo-downscale ito to 1080p 30fps na lang. Kung kailangan natin ng sobrang stable na selfie video recording ay i-enable natin ito. Pero kung gusto natin ng highest quality possible ay huwag natin i-enable at gumamit tayo ng gimbal. Pagdating sa overall quality ng 2K 30fps ay okay naman at satisfied ako. Para sa ganitong presyo ay sapat na sapat na yung quality, yung kulay natin ay hindi naman sobrang maputla, hindi rin naman sobrang vibrant at saktong-sakto lang. Yung skin texture natin ay realistic at talagang kitang-kita yung wrinkles ko pati ang balbas ko, sharp naman ang phone. Kahit 2K lang ang quality ay pasok na for vlogging.
Ito ang sample video screenshots:
Ito ang mga sample photos:
Sa video recording naman sa rear camera ay 2K 30fps rin ang sagad. Kapag nagpa-pan tayo ay smooth naman dahil meron itong OIS. Pwede natin samahan ng EIS ang OIS pero magdo-downscale ito to 1080p 30fps.
Conclusion
Iyan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa Tecno Camon 30S. Sa tingin niyo ba ay sulit ito? Kung ako ang tatanungin, okay sa akin itong phone para sa Php9,499 na presyo. Pero kung bibilhin ko ito sa mas mataas na halaga ay hindi na siguro. Hindi rin ito nalalayo sa specs ng Tecno Spark 30 Pro na Optimus Prime Edition. Kung mas mataas ang presyo nitong Camon ay mas pipiliin ko ang Spark 30 Pro. Maganda lang siguro ang display nito in terms of curve.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clm4rxh
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: