Na-launch na ng Tecno ang pinakabago nilang Camon 30 series. Ang pag-uusapan natin ngayon ay itong Camon 30 Pro 5G.
Price
TikTok exclusive ang phone na ito, nasa ibaba ang link kung gusto mo bumili.
May collaboration ang phone sa DJI Osmo Mobile SE. Ita-try rin natin ang gimbal na ito mamaya kasama ang Tecno Camon 30 Pro 5G. Tingnan natin ang difference kapag nagba-vlog at video recording.
Unboxing
Ang box ng Tecno Camon 30 Pro 5G ay typical naman. Ganito talaga ang nakasanayan nating box ng mga Camon series nila. Makikita sa box ang ilan sa top specs ng phone. Pag-open, unang makikita ang phone na nakabalot. Ang balot ay meron ding top specs. Sa ilalim ng box makikita ang document sleeve na may documentation, pang-apply ng tempered glass, warranty card, tempered glass, at case. Sunod naman ang 70W na charging brick na USB-A ang port, SIM ejector pin, at USB-C to USB-A cable.
Hard case ang kasamang case nito at ang ganda. Balot naman ang phone maliban sa ilalim. Ang texture ng case ay parang leather at mas gumanda ang phone.
Design
Ang nasa ating colorway ay ang Basaltic Dark pero meron pa naman itong lighter color. Ang ganda ng design ng likod. Matte finish ang malaking part nito. May ilang part na glossy kasama na ang camera module. Napakaganda at napakasimple lang ng itsura nito. Hindi ito kapitin ng smudges at fingerprint.
Flat naman ang bawat sides ng phone at may pagka-glossy. Sa right side makikita ang volume up and down buttons at power lock button. Sa left side naman ay malinis. Sa top part makikita ang secondary microphone, secondary speaker, at IR Blaster. Sa ilalim naman makikita ang main speaker, USB-C port, main mic, at ang SIM tray. Dual SIM lang ang pwede ilagay sa SIM tray. Good thing na 512GB na ang internal storage nito kaya hindi tayo kakapusin. Sa harap makikita ang punch hole selfie camera. Ang bezels ng phone ay pantay at napakanipis. Sa likod naman makikita ang Camera module. May makikita rin dito na pula sa taas ng LED flash. Ito ang Breathing Light. Pwede natin ito i-on kapag nagte-take tayo ng video recording, iilaw ito na indication na nagbi-video tayo.
Itong Tecno Camon 30 Pro 5G ay may pre-installed na screen protector. Hindi natin kailangan i-install agad ang kasamang tempered glass sa loob ng box. Pagdating naman sa haptic feedback ng phone, maganda ang feels at hindi mukhang cheap. I suggest na gamitin niyo para ma-feel ang bawat pindot ng keyboard. Tungkol naman sa dual speaker ng phone, naka-Dolby Atmos na ito kaya maganda ang sounds, timpla, at separation ng left and right. Hindi naman sobrang lakas ng max volume pero hindi naman ako nabitin. Kahit pa naka-max volume ay hindi distorted ang sound na maririnig natin kaya mage-enjoy tayo lalo na sa media consumption.
Display
Specification:
Hindi sinabi ng Tecno kung ilan ang peak brightness ng phone. Pero nag-test ako sa labas at okay naman. Hindi sobrang liwanag pero hindi rin naman ako nabitin sa max brightness. Sa Settings > Display, may option na High Brightness Mode. Kung i-enable natin ito ay mas magiging bright pa ang screen kapag outdoors.
Ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Sa Netflix, Full HD ang max playback resolution.
Sa behavior naman ng refresh rate ay may option na; 144Hz, 120hz, 60Hz, at Auto. Sa Auto ay from 144Hz ay baba ito to 60hz. Kung minsan ay hanggang 120hz lang ang baba nito kaya nakakatipid ito sa battery. Pwede rin natin timplahin ang kulay ng display. May dalawang preset: bright colored or original colored. Pwede rin natin i-adjust ang color temperature.
Performance
Specification:
Meron itong MemFusion or virtual RAM. Pwede tayo mamili between 12GB, 9GB, or 6GB. Ini-off ko nalang dahil malaki na ang 12GB at kasyang-kasya na sa everyday applications natin. Para sa akin, medyo excessive na kung dadagdagan pa ito ng additional 12GB na virtual RAM. Nakakaapekto rin sa performance ang virtual RAM.
Kapag naka-on ang MemFusion, 929805 ang Antutu score na nakuha. Kapag naka-off naman ay 937889. Malaki-laki ang jump sa performance kapag naka-off ang MemFusion. May epekto rin sa battery performance ang MemFusion, mamaya titingnan natin. Ang 900k+ na Antutu score ng phone ay malaki-laki ang sinasabi niyan sa atin. Ibig sabihin, kahit anong mga application or games ang ibato natin dito ay, for the most part, kakayanin ng phone na ito.
Sa thermals ng phone, after ng Wild Life Stress Test, ang nabawas sa battery ay 11%. Sa temperature naman, from 32°C ay nadagdagan ng 17°C, kaya naging 49°C. Maganda ang starting temperature natin kaya hindi ko ine-expect na aabot ito ng alarming heat. Ang phone na ito ay mabilis at performer talaga pero reminder lang na hindi pa rin ito gaming phone. Hinay-hinay pa rin tayo sa paggamit nito kasi pwede itong mag-generate ng alarming heat. Pero kung mga everyday application lang naman ay walang problema.
Sa Asphalt 9, na-generate nito lahat ng graphics at napaka-smooth din ng performance. Naka-high settings tayo dito pero lahat na-generate nito, walang frame drops at lag. Sa Ark Survival, sagad din ang graphic settings at sagad din ang resolution. Pagdating sa gameplay, kayang-kaya nitong Tecno Camon 30 Pro 5G. Lastly, dito sa SpongeBob Cosmic Shake, sagad na sagad din ang graphics setting at nakaya ng phone na ito.
Pero after ko ito i-test ng 15 minutes na gameplay, naka-feel na talaga ako ng init. Again, ingat pa rin tayo sa pag-games sa phone. Siguro ay mai-improve pa ng Tecno ang heating issue ng phone. Pero kung everyday na application ay walang problema.
Camera
Specification:
Sa camera application > settings > at Indicator light, kapag naka-on ito at nag-record tayo ng video, iilaw ito ng red light sa likod. Kung may kinukuhanan tayo ay alam nila nagre-record ang phone.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshots:
Battery
Specification:
Dalawang test ang ginawa ko para magka-idea kayo kung ano ang magiging effect dito sa phone naka-on ang MemFusion at naka-off. Yung dalawang test na ginawa ko ay same lang settings nito, 50% brightness at naka-auto switch ang screen refresh rate.
Ang SoT kapag naka-on ang MemFusion ay 9 hours and 47 minutes. Kapag naka-off ay 11 hours and 25 minutes. Ang laki ng difference at malaki pa ang matitipid natin kung pipiliin natin ang Auto-refresh rate.
Verdict
Sulit ba itong Tecno Camon 30 Pro 5G? Kung ikaw yung user na ang hinahanap sa isang phone ay magandang display, mabilis na charging speed, magandang camera performance, at magandang performance overall? Swak sayo ang phone na ito! Sa laki na rin ng RAM at storage ay matagal-tagal mo talaga mo itong magagamit.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
TikTok: https://bit.ly/CAMON30Pro5G
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: