Sa presyong Php28,999.00 ay paguusapan natin kung anong pros and cons ang pwede nating asahan dito sa Tecno Camon 30 Premier 5G.
Unboxing
Kagaya ito ng box ng Tecno Camon 30 series, may malaking 30 ito sa harap ng box at ilan sa mga specs na paguusapan natin mamaya. Pag-open ng box, ang phone agad ang makikita natin na nakabalot sa printed plastic na may top specs. Meron din itong document sleeve na may warranty card, documentation, tempered glass, at hard case. Sa ilalim ng box ay may 70W na charger, SIM ejector pin, at charging cable.
Ang case ay may copper or gold accent sa ring ng camera module. Tapos ang texture ng likod ng 30 Premier ay na-mimic sa texture ng hard case. Balot naman ang mga gilid maliban sa ibaba.
Design
Ang nasa ating colorway ay Lava Black. May pagka-leather like ang texture ng likod nito. Hindi naman ito kapitin ng smudges at fingerprint. Pero kung oily ang kamay natin, maiiwan ito sa part ng phone na walang leather texture.
Ang weight ng phone na ito ay 210 grams to be exact. Almost kasing bigat ito ng iPhone 15 Pro Max na 221 grams. Ito ang una kong napansin nung ginamit ko ito, medyo may kabigatan ang phone na ito.
Mapapansin niyo rin na ang camera module ay nakaumbok talaga sa likuran. Dahil na rin siguro sa malaking sensor na meron itong Tecno Camon 30 Premier 5G. Ang bezel nitong Premier ay napakanipis at proportioned talaga sa bawat side. IP54 na rin ang rating dito kaya okay lang kahit matalsikan ito ng ulan or tubig habang naghuhugas ng plato. Hindi rin ito basta-basta papasukan ng alikabok.
Ang haptics ng phone ay hindi naman flagship level pero panalo na para sa presyo. Hindi ko ito ini-off dahil na-enjoy ko ang vibration. Dahil Dolby Atmos ang dual speakers ay maganda ang tunog at hindi ako nabitin kahit i-max ang volume.
Display
Ang display nito ay 6.77″, LTPO AMOLED, 120Hz max refresh rate, 1.5K ang resolution, at 450 ang ppi. Protected din ito ng Corning Gorilla Glass 5. Ang resolution ng phone na ay nasa gitna ng Full HD at ng 2K or 1440p display. May additional itong pixels from 1080p. Mas malinaw ito compared sa typical na 1080p display ng mga phone pero hindi kasing linaw ng mga 2K display na phone.
Pero kung paguusapan ang overall quality ng kulay ng display, sharpness, at brightness. Panalong-panalo ang phone at wala akong mareklamo dito. 10-bit ang kulay nito, 100% P3 ang color coverage, at 1400 nits ang peak brightness. Kahit outdoor ay wala tayong magiging problema sa display. Level 1 ang Widevine Security Level nito kaya makakapag-play tayo ng Full HD content sa Netflix.
Performance
Naka-HiOS 14 na ito out of the box on top of Android 14. Dimensity 8200 Ultimate ang Chipset, 12GB LPDDR5 ang RAM, at 512GB UFS 3.1 ang storage.
Sinabi sa Facebook page ng Tecno na aabot ng 3 years ang Android Updates ng Tecno Camon series. At aabot din daw ito ng Android 16 kaya ganun kaganda ang promise ng Tecno sa phone.
Kagaya pa rin ng ibang phones ng Tecno, meron din itong MemFusion or virtual RAM. Ang Antutu score kapag naka-off ang MemFusion ay 945109. Kapag naka-on naman ay 944469 nalang. May naging bawas sa performance kapag ginamit natin ang MemFusion nito. I suggest, enough naman na ang 12GB na physical RAM sa everyday na application, kaya kung hindi naman kailangan ay huwag niyo na i-on ang MemFusion dahil makakaapekto pa ito sa performance.
Pagdating sa thermals, makikita sa Wild Life Stress Test na nabawasan ng 10% sa battery. Pero mas malala na nadagdagan ito ng 18°C sa temperature. Hinay-hinay pa rin tayo dito, ang chipset nito ay medyo aggressive kaya kailangan pa ng software updates para ma-optimize pa ito ng Tecno.
Pagdating sa gaming, sa Ark Survival, naka-epic ang Graphics Quality at naka-sagad ang resolution. Sa mismong gameplay, smooth ito at na-generate nito lahat ng graphics. Nakasagad tayo dito pero walang makikitang obvious na lag at frame drops. Sa Asphalt 9, na-generate din nito lahat ng graphics kasama ang motion blur, smooth ang edges ng mga kotse, at kuhang-kuha lahat ng details. Pagdating sa gaming ay maasahan talaga itong Tecno Camon 30 Premier 5G. Pero hinay-hinay pa rin tayo dahil pwede ito mag-generate ng alarming heat.
Camera
Meron itong 4 na 50MP na camera. Ang main camera ay 50MP f/1.9 na may OIS at naka-Sony IMX890 na sensor. Meron din itong 3x Optical Zoom Periscope Telephoto na 50MP f/2.2 na naka-Samsung ISOCELL GN1 na sensor. Ang Ultrawide nito ay 50MP f2.2 na naka-Samsung ISOCELL GN1 din na sensor. Ang selfie camera naman nito ay 50MP f/2.5 na naka-hynix sensor.
Ito ang mga sample photos:
Nagustuhan ko ang overall quality ng mga photos. Maganda ang dynamic range, sakto lang ang pagka-saturated, natural pa rin at hindi naman maputla. Kapag tinabi naman ang ultrawide sa main camera at periscope telephoto ay almost same ang timpla sa kulay. Medyo saturated ang ultrawide pero mafi-fix naman ito sa mga susunod na software update.
Ito ang mga sample video screenshots:
Sa 4K/30 fps ay may stabilization. Stable naman kapag nagpa-pan at naglalakad. Pero napansin ko lang na hindi ito pwede i-zoom. Kapag nag-zoom ito ay mag-switch ito sa digital zoom ng main camera. Hindi ito nagbago ng lens ng camera. Kung gusto natin gamitin ang 3x camera ng telephoto ay lilipat pa tayo ng mode ng camera. Pero kahit ganun ay stable naman at malinaw. Pero sayang lang na hindi tayo makapagpalit ng camera seamlessly.
Sa 4K selfie video camera ay walang stabilization. Okay naman ang dynamic range nito. Kahit against the light or nakatapat sa araw ay okay pa rin pero maalog. Kapag may stabilization, magzo-zoom ito dahil EIS lang pero stable naman ito. Malinaw ito at may natural depth of field. Kung gagaminitin natin ito sa vlog habang naglalakad ay walang problema.
Battery
Itong Tecno Camon 30 Premier 5G ay may 5000mAh na battery capacity na 70W ang charging speed.
9 hours and 47 minutes ang nakuha natin na SoT sa unang test. Ang setting niyan ay 50% brightness pero naka-on ang MemFusion. Sa pangalawang test, nakuha natin ay 11 hours and 8 minutes. Yan ay kapag naka-off naman ang MemFusion. Inulit ko ulit, 9 hours and 37 minutes naman ang nakuha. 10 minutes less sa una nating nakuhang test at naka-on ang MemFusion. Kapag naka-on ang MemFusion ay mas mababa ang makukuha nating SoT pero kung naka-off ay mas mataas.
Charging
Specification:
Hindi ko nakuha ang hangang 100% dahil kapag naka-90% na ito ay ino-off ng phone ang app na ginagamit ko para sa battery test.
Verdict
For Php28,000.00, sa tingin niyo ba ay sulit ang makukuha nating value dito sa Tecno Camon 30 Premier 5G? Baka gumawa ako ng comparison between V30 Pro ng vivo at dito sa Tecno Camon 30 Premier 5G camera.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
TikTok: https://invol.co/cll5zqg
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: