Sa wakas, na-release na din ng Tecno ang kanilang Camon 20 Pro 5G na may presyo na PHP11,999. Gusto ko kayo i-spoil kasi sobrang sulit talaga ng phone na ‘to. Sasabihin ko sa inyo ang reason kung bakit siya sulit at kung bakit siya dapat bilhin. Mababasa niyo din dito ang ilang downside ng phone na ‘to at ilang bagay na dapat i-improve ng Tecno sa mga sususnod na Camon phones nila.
UNBOXING
Meron itong malaking 20 sa gitna ng box at may top specs na nakalagay sa likod. Pagkabukas ng box, unang bubungad ay ang 20 Pro 5G na nakabalot sa printed na plastic. Grabe ‘yung ginawa ng Tecno dito sa design ng likod nya, sobrang ganda! Meron itong geometric blazing pattern at leather ang likod. Sa loob pa din ng box, makikita din ang documentation, manual, warranty card, hard case, 33W charging break, earphones, USB-C to USB-A cable at sim ejector pin.
DESIGN
Gustong-gusto ko talaga ang design na ginawa ng Tecno dito, primarilly, dahil hindi siya glossy, hindi fingerprint magnet at alikabok magnet. Sa likod, meron itong camera module na kakaiba. Flat ang mga sides nito na merong volume up and down buttons sa right side, sim tray na may lalagyanan ng micro SD card at dual sim sa left side, main speaker, USB-C port, main microphone at headphone jack sa ilalim, secondary speaker at secondary microphone sa taas at punch hole selfie camera sa harap. Meron na din itong pre-installed screen protector. Pero alam niyo ba kung ano ang nagpabilib sa akin dito? ‘Yung mga bezels niya ay pantay na pantay kaya nakapagpadagdag ‘yan sa pagiging premium ng itsura.
Pagdating sa haptics, hindi ko siya nagustuhan at ito ang nakapagpa-disappoint sa akin. Sobrang basic lang niya at gusto ko siyang i-off kaagad. Dual speaker na din ang nilagay nila dito at masa-satisfy ka sa maximum volume niya. ‘Yun nga lang kapag naka-maximum volume, may naririnig akong distortion at unnecessary vibration.
DISPLAY
Meron itong 6.67″ Amoled, Full HD+ resolution at 120Hz maximum refresh rate. Pagdating sa color reproduction nitong Tecno Camon Pro 5G, goods na goods kasi napaka-vibrant dahil Amoled. For the most part, accurate ang colors at hindi na-compromise ang display kaya mae-enjoy natin kapag nanonood tayo ng videos at movies. Kung gusto naman natin na i-customize ang color, punta lang kayo sa Display Setting > Color Style at pwede ng ma-adjust ang color temperature o pwede pang gawing vibrant pa ang kulay. Kung sakali naman na nasa labas tayo at gusto natin ng mas malinaw na brightness, pwedeng i-enable ang High Brightness Mode.
Pagdating sa refresh rate setting, meron itong apat na option: Auto, 60Hz, 90Hz at 120Hz. Pero take note lang, kailangan i-improve ng Tecno itong 120Hz kasi bumababa siya to 60Hz, which is dapat naka-lock lang sa 120Hz.
Sa DRM Info, ang kanyang Widevine Security Level ay Level 1 at ang maximum playback resolution sa Netflix ay Full HD kaya makakapag-play dito ng mga HD contents.
PERFORMANCE
Naka-Android 13 na ito out of the box, Dimensity 8050 chipset, 8GB RAM, 8GB Extended RAM at 256GB internal storage.
Nakakuha tayo ng 684196 Antutu Score kapag naka-on ang MemFusion. Kapag naka-off naman, nakakuha naman tayo ng 685219 Antutu Score. Alinman sa dalawa na ‘yan, mataas talaga ang score at maganda ang maibibigay sa atin nitong performance.
Pagdating sa high refresh rate setting, hindi pa siya ganun ka-optimize kasi nakaka-60Hz lang ito sa game play. Sana dumating ang time na magiging compatible na siya sa mga high refresh rate gaming. Pero maganda naman ang performance overall, ‘yun nga lang 60fps lang. Kahit sa mas mabigat na game ay kayang-kaya niya. Wala tayong struggle na mafi-feel sa kanya at lahat ng graphics ay na-generate niya.
CAMERA
Meron itong 64MP main shooter na may OIS, 2MP depth sensor at 32MP selfie camera. Ito ang mga sample photos:
Sa selfie video recording, ang maximum resolution ay 2K 30fps pero wala itong stabilization. Kapag gusto niyo naman ng ultra-steady mode, masi-switch ito to 1080p at mas tight ang framing.
BATTERY
Meron itong 5000mAh at 33W ang charging speed. After ng Wild Life Stress Test, from 61%, naging 48% na lang ang battery. Ang medyo alarming pa dito ang ay kanyang thermals kasi from 35°C, umabot ito ng 52°C. Kaya hinay hinay pa din sa paggamit ng phone na ‘to lalo na sa games.
‘Yan na lahat ‘yung gusto kong i-share dito sa Tecno Camon Pro 5G. Kung kayo ang tatanungin, sulit ba talaga ang phone na ‘to? Kung ako ang tatanungin, sulit itong phone na ‘to. Talagang nagandahan ako dito sa almost lahat ng aspect. Meron lang kailangan i-improve ang Tecno dito sa mga susunod na software updates tulad ng thermals.
Kung gusto niyo itong bilhin, click niyo lang ang link na ‘to:
TECNO Mobile PH Official Store in Shopee https://invl.io/cliwzxo
TECNO Mobile PH Flagship Store in Lazada https://invol.co/cliya07
TECNO partner retail stores nationwide http://bit.ly/TecnoStoresPH