Nandito sa atin ngayon ang Tecno Camon 20 Pro pero 4G version. Kung gusto niyong panoorin ang unboxing at full review ng 5G version nito, click niyo lang ang link na ‘to: https://www.youtube.com/watch?v=VhqY63f4lmw
Ang price nitong Tecno Camon 20 Pro 4G ay worth PHP9,229 as of making this blog. ‘Yung mga phones ng Tecno ay madalas mag-fluctuate kaya mas maganda kung i-click niyo na lang ang link na ‘to para sa updated pricing: https://invol.co/cljcuy5
UNBOXING
Una nating mapapansin sa box niya ay same din sa box ng 5G version. Kulay blue pa din ang accent, may malaking 20 sa gitna at present pa din ang sticker sa top right corner na may nakalagay na AMOLED, 256GB internal storage, 8GB physical RAM at 8GB virtual RAM. Kapag tinignan naman natin ang likod, makikita naman natin ang top specs gaya ng 64MP main shooter, 120Hz AMOLED, chipset, battery at charging speed.
‘Pag open natin ng box, ang una nating makikita ay ang mismong Camon 20 Pro 4G na nakabalot sa printed na plastic. Ang nasa atin ngayon ay ang Predawn Black. Sobrang ganda, sobrang unique at napaka-premium ng itsura niya! Hindi mo aakalain na less than PHP9,000 lang ito. Flat pa din ang sides niya at glossy ang frame kaya mas maganda ang grip niya compared sa mga naka-curve na sides.
Sa loob pa din ng box, meron itong warranty card, documentations, hard case na frosted, 33W charging break na may USB-A port, sim ejector pin, charging cable at earphones.
DESIGN
Sa may taas makikita ang secondary speaker. Sa may baba naman makikita ang USB-C port, main microphone, headphone jack at main speaker. Sa may left side, makikita naman ang sim tray na may dual sim slot at micro SD card slot. Sa may right side, andito naman ang powerlock button at volume up and down button. Sa may harap naman ay punch hole selfie camera. Ang una din nating maa-appreciate dito sa display ng Camon 20 Pro 4G ay symmetrical o proportioned ang kanyang bezels. ‘Yun nga lang, wala itong kahit na anong IP Rating kaya ingat lang kayo sa paggamit nito.
Meron itong 6.67″ FHD+ AMOLED, 120Hz maximum refresh rate at 395 ppi. Walang dineclare na kahit anong protection ang Tecno dito pero mabuti na lang ay meron na itong naka-install na screen protector out of the box. So, ingat ingat pa din tayo.
Pagdating sa quality ng display, masasabi ko na maganda siya, hindi ganun ka-accurate pero maganda ang color reproduction, hindi maputla at hindi din sobrang vibrant.
Sa screen refresh rate setting, meron itong apat na option: 120Hz, 90Hz, 60Hz at Auto-switch. Good news naman na kapag sinelect natin ang Auto-switch ay talagang bumababa siya from 120Hz to 60Hz kaya matipid siya sa battery consumption. Meron din itong dalawang option pagdating sa color style: Bright Colored at Original Colored at pwede pa nating timplahin ang color temperature niya. Good news din sa mga gustong mag-stream ng movie sa TV series kasi ang Widevine Security Level niya ay Level 1. Chineck ko na din sa Netflix at ang Maximum Playback Resolution niya ay Full HD.
PERFORMANCE
Naka-Android 13 na ito, HIOS 13, Helio G99 chipset, 8GB physical RAM at 256GB internal storage. Pagdating sa Antutu Score, ito ang pinakamataas na score na nakuha natin: 411,641. Keep in mind na naka-off ang MemFusion natin dito para makuha ang score na ‘to. Kaya kung gusto niyo talaga na optimal ang performance niya, i-off niyo na lang ang MemFusion kung hindi niyo naman kailangan.
Pagdating sa Wildlife Stress Test, ang ganda din ng data na nakuha natin. After ng test, ang nabawas lang sa battery ay 3% at ang nadagdag na temperature ay 7°C.
Sa games naman, naka-Ultra ang setting natin pero kaya naman niya patakbuhin ang game. Hindi siya nahihirapan, walang struggle na na-feel at smooth ang game play. Sa Real Racing 3, smooth pa din naman kaso hindi umaabot ng 120fps ang game play. Sa CarX Rally naman, medyo hirap siya kapag naka-high ang graphic settings.
CAMERA
Meron itong 64MP main shooter, 2MP depth sensor QVGA at 32MP selfie camera. Okay naman ang quality ng mga sample images, hindi siya masyadong impressive. Actually mas mababa pa ang quality niya compared sa price ng phone na ‘to kasi medyo maputla siya sa paningin ko at may mga times na hindi ganun ka-sharp.
Pagdating sa video recording, kaya niyang mag-record ng up to 2K 30fps pero walang stabilization. Kung gusto niyo ng mas stable, masi-switch ito to 1080p 30fps.
BATTERY
Meron itong 5000mAh battery capacity at 33W charging speed. Hindi din sobrang impressive ang nakuha nating SOT pero good enough naman na: 12 hours and 41 minutes. Pagdating naman sa charging, 20-100% ay 1 hour and 13 minutes ang inabot.
Sa tingin niyo ba ay sulit ang phone na ‘to? Bibilhin niyo ba ito sa presyong PHP9,229? Comment kayo diyan sa baba.
Kung ako ang tatanungin ninyo, para sa akin sulit siya. Meron lang tayong napansin na kailangan i-improve ng Tecno sa phone na ‘to lalo na sa mga susunod na software updates. Pero pagdating sa display, performance at design out of the box, panalong-panalo ang phone na ‘to! Kung interesado kayong bilhin ang phone na ‘to, click niyo itong link: https://invol.co/cljcuy5