Price
Itong Techlife Pad na pag-uusapan natin ngayon ay isa na siguro sa pinakamurang Android tablet na mabibili natin ngayon. Sa presyo nito ay meron ka nang 128GB storage, 7000mAh na battery capacity, at 2K display.
Hindi tayo dapat ma-overwhelm sa specs nito dahil gusto pa rin natin i-double check kung sulit ba ang tablet na ito para sa presyong Php8,999.
Unboxing
Sa box ng Techlife Pad ay makikita ang itsura ng tablet. May dalawa itong colorway: Graphite Blue at Graphite Gray, nasa atin naman ngayon ang Graphite Gray. Sa likod ng box ay wala namang masyadong makikita maliban sa top specs nito. Kung hindi ako nagkakamali, itong Techlife ay subsidiary ng realme. Technically, sa lineup ng products ng Techlife ay ito yung pinakauna nilang Android tablet.
Pag-open ng box, una nating makikita ang mismong tablet na nakabalot sa plastic. Ito ang itsura ng Graphite Blue, depende sa tama ng ilaw ay mahahalata natin na yung secondary color nito ay blue. Okay naman ito at maganda naman ang kulay nito overall. Hindi naman ito mukhang cheap na Android tablet at napaka-premium naman ng itsura. Meron itong maliit na box, sa loob ay may 10W charger, USB-A to USB-C cable, at SIM ejector pin. Sa ilalim ng box makikita yung documentation.
Design
Dual tone ang tablet, ang maliit na part ay matte pero mas may texture ito compared sa mas malaking part. Napaka-comfortable naman not hawakan dahil hindi naman ito ganun kabigat. Pwedeng-pwede natin ito magamit ng matagal-tagal di gaya ng mga Android tablet na may kabigatan.
Meron itong Techlife branding sa may bandang ibaba. Sa taas makikita ang unang pair ng speaker at meron din sa ilalim. Sa gitna ng speakers ay may USB-C port, SIM tray, at audio jack sa kanto. Good news dahil hybrid ang SIM tray, pwedeng dalawang SIM or isang SIM+ micro-SD card. According sa Techlife ay kaya nitong mag-handle ng up to 1TB na SD card. Sa right side naman makikita ang power lock button at volume up and down button. Sa harap, makikita ang selfie camera sa gitna kapag naka-landscape ang tablet.
Meron na rin itong pre-installed na screen protector. Ang overall na form factor ng tablet na ito ay pasadong-pasado para sa presyo. Hindi ito mukhang cheap, premium pa rin ang itsura, at magaan din. Kahit bata or adult ang gagamit at matagal-tagal ang paggamit ay hindi mangangalay agad. Yung bezel nito ay proportioned naman, medyo may kakapalan kaunti pero expected na iyan para sa presyo.
Display
Meron itong 10.36″ na 2K display, 60Hz daw na refresh rate, at 450 nits naman ang peak brightness nito. Sa product page ng Techlife Pad sa Lazada, makikita na ang refresh rate nito ay 60Hz pero i-double check natin ito. Sa Device Info HW, ang refresh nito ay 58Hz lang. Dito naman sa Test UFO, makikita na 58Hz pa rin ang refresh rate nito. Hindi ito 60Hz at never ko itong na-feel na nag-60Hz. Kapag ginagamit ko ang tablet ay lagi kong naiisip bakit parang ang laggy at hindi ganun ka-smooth ang pag-scroll ko. Ang dahilan pala ay 58Hz lang ang fps nito.
Medyo nakakalungkot lang na para sa presyo ay sana i-make sure nila na talagang 60Hz ang refresh rate. Isa pa sa nakakalungkot sa tablet na ito ay ang Widevine Security Level. Sa DRM Info, makikita na ang Security Level nito ay Level 1. Natuwa ako dahil makakapag-play tayo dito ng at least HD na mga video, movies, or TV series. Pero nung tiningnan ko ito sa Netlfix, ang Widevine Security nito ay naging Level 3 at ang max playback resolution ay Standard Definition na lang. Para sa mga nakabili ng Techlife Pad ay ganun din ba sa Netlfix niyo na Standard Definition lang din ang pwedeng i-play? Sa part ko kasi ay medyo confusing dahil sa DRM Info ay Level 1 pero sa Netflix ay Level 3.
Dahil budget friendly Android tablet itong Techlife Pad ay expect niyo pa rin na meron itong discoloration or yellowish tint na mapapansin. Lalo na kung pure white ang naka-display dito. Meron din itong minor light leaks sa mga edges. Dahil mura lang ay expected naman na ito. Talagang sayang dahil hindi naging 60Hz ang refresh rate nito.
Performance
Itong Techlife Pad ay naka-Android 14 na out of the box, Unisoc T606 yung chipset, 4GB LPDDR4X ang RAM, at 128GB ang internal storage. Baka may magsabi sa inyo na 8GB talaga ang RAM nitong Techlife Pad. Magiging 8GB lang ito kapag in-on natin ang Memory Extension. Pwede tayo mag-set ng RAM up to 4GB, pwede madagdagan ng 4GB of virtual RAM ang 4GB physical RAM. Hindi naman lahat sa atin ay gagamit nito kaya 4GB lang talaga ang physical RAM nito.
Ang Antutu score na nakuha natin dito ay 273457. Check natin ito sa Asphalt 9, napatakbo naman nito nang maayos ang game at naka-high settings din ito. Hindi ko talaga ma-feel yung smoothness ng gameplay, dahil na rin siguro sa 58Hz lang ang refresh rate nito. Expected naman na natin na hindi nito na-generate lahat ng graphics pero hindi talaga ito smooth.
Battery
Sa battery capacity naman nito ay 7000mAh at 10W lang ang charging speed. Wala akong mapakita sa inyo na SoT galing sa PCMark dahil hindi gumagana ng maayos ang PCMark. Bubukas naman ang PCMark pero hindi nito ma-download yung kailangan ko na pang-test. Pero bibigyan ko kayo ng idea, ginawa ko ay mag-play ng mahabang YouTube video na 1080, from 100% ay nag-run ako ng 3 hours and 38 minutes na video sa YouTube, ang natira sa akin ay 10%. Technically, mga 4 hours ang kayang ibigay sa atin nito na SoT kung media consumption yung gagawin natin. For me, hindi ito ganun ka-impressive. Sana ay kaya nito magbigay sa atin ng 8 hours or 10 hours na screen on time.
Camera
Ito ang sample video screenshot:
5MP ang selfie camera nito at 8MP naman yung camera sa likod. Sana dumating ang time na kapag tablet, dapat na mas maganda yung selfie camera compared sa likod. Pagdating sa quality, medyo nakakalungkot na 720p/30fps lang ang pinakasagad na resolution na pwedeng ma-record sa selfie camera. 1080p naman sa rear camera. Acceptable naman na para sa video conference pero sayang lang.
Conclusion
Sulit ba itong Techlife Pad para sa presyo? Kayo pa rin ang magde-decide kung okay ba ito sa inyo or hindi. Kung ako naman ang tatanungin, yes may mga good sides itong tablet. Kagaya na lang ng design, ang design nito ay maganda para sa presyo at napaka-premium naman. Ang quad stereo speaker nito ay maganda naman dahil malakas pero pagdating sa quality ay hindi ako na-satisfy ng husto, dahil hindi ganun ka-clear ang quality kapag naka-max volume. Ang resolution nito na 2K ay goods para sa presyo. Ang Android operating system ay updated naman dahil Android 14 na ito.
Meron pa rin tayo nakitang downside kanina kagaya ng 58Hz na refresh rate, ang battery life ay hindi ganun katagal ang SoT, at charging speed ay matagal dahil 10W lang. Para sa akin ay hindi ako na-satisfy sa tablet na ito pero para sa inyo sulit ba ito?
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllcrdz
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: