Pag-uusapan naman natin ngayon itong TCL 20R 5G na worth PHP4,990 at nabili ko ito sa flagship store ng Memo Express sa Lazada. Para sa mga nagpa-planong bumili ng phone na ‘to, tapusin niyong basahin itong article para magkaroon kayo ng idea.
UNBOXING
Makikita sa mismong harap ng box ‘yung kulay na napili ko nung nag-order ako. Meron itong dalawang kulay: grey at blue. Ang i-a-unbox natin ngayon ay color blue. Pagkabukas natin ng box, ang unang bubungad sa atin ay ang mismong phone na nakabalot ng plastic. Ang ganda ng pagka-blue nito at matte finish kaya hindi siya magiging kapitin ng fingerprint at smudges. Ang iba pang laman ng box ay sim ejector pin, documentation, extra screen protector, jelly case na medyo makapal, USB-C to USB-A charging cable, wired earphones at 10W charging break.
BATTERY
From 30%-100%, 1 hour and 49 minutes ang inabot ng charging nitong TCL 20R. Yes, matagal siyang magcharge kahit pa 4500 lang ang battery capacity nito. ‘Yan ‘yung isa sa mga kailangan nating i-expect sa phone na ‘to.
DISPLAY
Meron itong 6.52″ IPS LCD 720 x 1600 resolution 269 ppi, 90Hz refresh rate at 500 nits peak brightness. Nung una naming nakita ‘yung specs ng phone na ‘to lalo na ‘yung display, nabilib talaga kami kasi 90Hz na for PHP5,000 tapos ganito kaganda ang itsura. At dahil TCL ang brand ng phone na ‘to, mae-expect natin na maganda talaga ang display nito. Sa ilang oras na pag-observe ko sa display niya, napansin ko na walang issue, walang lightings na malala at walang yellowish tint. Ang hindi ko lang nagustuhan sa display nitong TCL 20R 5G ay wala tayong color profile na pwedeng pagpilian o hindi natin pwedeng i-customize ang kanyang temperature. Hindi natin matitimpla ang kulay by default. Pero pagdating sa overall quality, okay na okay naman.
Kung titignan natin ang refresh rate niya, meron tayong tatlong option: Smart, 90Hz at 60Hz. Sa behavior naman niya, naka-90Hz tayo by default at hindi siya bumababa sa 60Hz kahit pa nasa Home Screen lang tayo. Pero kapag magbubukas tayo ng application na hindi pwede sa 90Hz katulad ng Play Store, Google Chrome at Gallery, kusa siyang bababa sa 60hz. Kaya makakatipid tayo ng battery kapag naka-Smart refresh rate tayo.
PERFORMANCE
Naka-Android 11 na ito out of the box. Dimensity 700 ang chipset, 128GB ang internal storage at 4GB ang RAM. Katulad ng reaction namin sa display nung bumili kami nito, ganun din ang reaction namin sa performance. Isipin niyo naka-Dimensity 700 na siya, 5G na din tapos 128GB pa ang internal storage for PHP5,000. Sa ganitong presyo, okay na ang 64GB pero itong TCL 20R, meron itong 128GB. Okay lang din na 4GB lang ang RAM kasi nga PHP5,000 lang itong phone na ‘to. Wala namang gagamit sa phone na ‘to para sa mabibigat na application.
Kapag naka-Smart ang refresh rate, nakakuha tayo ng 296313 Antutu Score. Kapag naka-Game Mode naman at Smart refresh rate, nakakuha naman tayo ng 298324 Antutu Score. So nakita natin na merong boost sa performance kapag nilagay natin sa Game Mode ang isang laro o application. Pero ayun nga, almost 300000 lang ang nakuha nating score pero hindi na din ako magrereklamo kasi nga PHP5,000 lang ang phone na ‘to.
Para sa peace of mind nating lahat, chineck ko na din siya dito sa Wildlife Stress Test at makikita ninyo na 1°C lang ang nadagdag after ng 20 minutes na stress test.
Sa Asphalt 9, hindi naman ganun kalala ang graphics at hindi din 100% na potato quality. Hindi natin ie-expect na mage-generate niya lahat ng graphics dito kasi maliban sa Dimensity 700 lang ang chipset nito, 4GB lang din ang RAM nito. Pero very playable pa din siya, halos wala akong framedrops na naexperience dito at very smooth pa din siya overall.
Sa mga gagamit naman ng phone na ‘to para sa media consumption, lalo na sa mga movies sa mga streaming services, sad to say na Level 3 lang kanyang Widevine Security kaya hindi tayo makakapag-play ng mga HD content.
CAMERA
Meron itong triple camera setup: 13MP, f/2.2 main shooter, 2MP, f/2.4 depth sensor at 2MP, f/2.4 macro lens. Ang kanyang selfie camera naman ay 8MP, f2.0. Sa madaling salita, ‘yung camera niya sa likod ay isa lang talaga which is 13MP.
Sa selfie video recording, 1080p 30fps ang pinakasagad na resolution ang pwede nating i-set dito. Wala din tayong kahit na anong stabilization dito which is expected naman. Pagdating sa quality, hindi ganun ka-sharp pero acceptable na para sa presyo niya. Mahirap kasi talaga magreklamo para sa PHP5,000 na phone pero ganito ang specs. Para sa akin, okay na okay na talaga ‘to. Pero kung kayo ang tatanungin, ano ang masasabi ninyo? Comment kayo diyan sa baba!
Para sa akin, first impression ko lang, nagustuhan ko talaga ang kanyang display at performance kasi okay na okay siya para sa presyo niya. meron lang tayong mga compromises katulad ng 10W na charging speed which is napakabagal niyan para sa taong 2023. Isa pa, ‘yung 720p na display at ‘yung kanyang Widevine Security Level ay Level 3 lang. Again, para sa presyong PHP4,990, sulit na sulit ang phone na ‘to lalo na sa mga naghahanap ng backup phone o murang Android phone na sulit ang performance para sa presyo.
Sa mga gustong bilhin ang phone na ‘to, click niyo lang ‘tong link: https://invol.co/clfxxix