So, finally meron ng tablet ang UMIDIGI. Ito ang kanilang kauna-unahang android tablet, ito ang A11 Tab. Pero kung titingnan ninyo ang kanilang website ina-advertise nila ito as Audiovisual Feast. So ibig sabihin maganda daw ang tunog ng speaker nito at maganda din daw ang display nito na kung tutuusin yun yung kauna-unahang nako-compromise sa mga budget friendly android tablet sa ngayon. So alamin natin kung nagsasabi ng totoo yung UMIDIGI pagdating sa bagay na iyan.
Dito muna tayo presyo ng UMIDIGI A11 Tab. Sa kanilang flagship store sa Lazada, mabibili natin ang tablet na ‘to for 9,600 pesos, iyan ay kung tablet lang talaga ang o-orderin natin pero kung sasamahan natin yan ng keyboard case, 10,500 pesos na ang magiging presyo niya. Pero kung ako sa inyo, basahin niyo muna ang buong article na ito bago kayo mag-order para malaman ninyo kung talagang kailangan ba ninyo ng keyboard case.
Ito ang box ng UMIDIGI A11 Tab. Uulitin ko, ito yung first time ng Umidigi na mag-re-release ng android tablet. Makikita natin dito yung parang blueprint ng A11 tab so magkakaroon tayo ng idea sa kanyang itsura at design. Meron tayo ditong UMIDIGI logo, A11 tab na text sa baba at Umidigi logo din sa gitna na may “Beyond Dreams” na text.
Out of the Box
Pag-open natin, makikita natin agad na meron ng case ang A11 Tab kapag binili natin. Kita niyo naman guys ang lakas maka-Ipad ‘di ba? Maganda ang quality ng kanyang case kasi yung buong tablet kahit yung mga gilid niya, lahat ng sides ay covered, walang naka expose, so maganda! Yung mga naka-expose lang syempre yung speaker at USB-C port pero yung mga buttons talagang covered din. Tsaka maganda yung itsura ‘di ba kulay gray din. So kung ako sa inyo, gaya ng nabasa niyo kanina, pag-isipan ninyo kung kailangan niyo ba talagang umorder ng keyboard case kasama nito kasi nga meron ng case out of the box.
Meron tayo ditong instruction manual, sim ejector pin at USB-C to USB-A cable na kulay pula, palaging ganito ang mga kable ng UMIDIGI. Ito ang medyo nakakalungkot, first compromise na nakita natin is 10W lang yung charger. Para sa taong 2022, kahit nga 2021, mabagal na talaga ang 10W kahit sa mga phones, paano pa kaya sa tablet?
Design and Construction
Simple lang ang design nitong A11 Tab, matte finish ang kaniyang likod, meron tayong single camera na merong flash at meron ding UMIDIGI logo sa likod. Kapag naka-landscape mode tayo, sa taas meron tayong makikitang microphone at volume buttons. Sa baba naman, nandito ang sim tray at mga pogo pins para sa keyboard case. Sa kanang part naman kapag naka-landscape mode tayo, makikita natin ang unang pares ng speakers at sa gitna niyan ay may power lock button na fingerprint scanner na din. Sa kaliwa naman, meron ding isang pares ng speakers at sa gitna ay ang USB-C port. Sa harap, meron tayong selfie camera sa loob ng bezel.
Kagaya ng nabasa niyo kanina, nagandahan talaga ako sa cover case na kasama sa box. Ang lakas maka-Ipad ng itsura at pwede nating ma-turn on at turn off ang display sa bawat bukas at bawat sara ng cover case.
Kagaya ng sinabi ng UMIDIGI sa kanilang website, Audiovisual Feast ang tablet na ‘to. So pagdating sa audio, kagaya ng nabasa niyo kanina, apat ang speakers natin dito at isa iyan sa mga kinagulat ko. Legit talaga na gumagana yung apat na speakers niya. Pagdating sa quality, okay ang maximum volume niya, hindi ako nabitin. Pagdating sa mismong tunog, sakto lang, normal lang kasi minsan flat at hindi ganun kalakas ang base. Pero para sa presyo niya, hindi na ako magrereklamo kasi nga apat yung speakers niya.
Isa pa sa mga ikinatuwa ko dito sa UMIDIGI A11 Tab, meron itong fingerprint scanner na kung tutuusin kahit sa medyo mahal na XIAOMI Pad 5, wala tayong fingerprint scanner. Pero dito sa less than 10,000 pesos na android tablet ay meron, so nakakatuwa talaga!
Medyo weird lang ang positioning o layout ng tablet na ‘to kasi kapag naka-portrait mode tayo, yung kaniyang fingerprint scanner ay mapupunta sa bandang baba at nasa maling positioning din ang pagbukas natin sa cover. Magiging tama lang ang lahat at magkakaroon ng sense ang lahat kapag inilagay na natin sa landscape mode itong A11 Tab. Kaya itong A11 Tab nitong UMIDIGI ay designed talaga for landscape mode para maging tama lahat ng positioning ng kaniyang mga buttons pati na rin ng USB-C port.
Pero kung sakali na left-handed kayo, matutuwa kayo dito sa A11 Tab kasi kapag binuksan niyo ang tablet sa normal positioning at nagbukas kayo ng isang application, babaliktad ang display kasi designed talaga ang A11 Tab na nasa right side ang kaniyang cover. Kaya para sa mga left-handed, matutuwa kayo rito.
Pagdating sa speed ng kaniyang fingerprint scanner, normal lang naman, hindi naman sobrang bilis at kung minsan may mga sablay din.
Display and Performance
Sa display, meron tayong 10.4” TFT display na merong 2000 x 1200 resolution na merong 225 PPI. Kung iisipin natin, ano ba talaga ang mas maganda, IPS LCD o TFT Panel? Well, pagdating sa color production, mas maganda pa rin ang IPS LCD. Pero ang inilagay nilang TFT Panel dito sa A11 Tab ay hindi na masama, maganda na yung kulay at maganda rin ang quality. Wala tayo ditong mapapansin na yellowish tint, walang mga noticeable light leaks at hindi din malala ang ghosting kapag nag-i-scroll tayo. Masarap din gamitin kapag tayo ay nagbabasa, lalo na sa mga student na nagre-research, ma-e-enjoy niyo talaga ‘to. Ang modern din ng kaniyang itsura kasi proportion ang kaniyang bezel at hindi ganun kakapal. So, again, ang lakas maka-Ipad nitong A11 Tab.
Nakakalungkot lang na Level 3 ang kaniyang Widevine Security so hindi natin ma-ma-maximize ang kaniyang 2K display. Pero again, overall, wala naman akong mareklamo sa display nitong A11 Tab, maganda talaga. Again, pagdating sa ina-advertise nilang Audiovisual Feast daw itong A11 Tab, mag-a-agree ako!
Pagdating naman sa performance, naka-Android 11 na tayo dito out of the box. MediaTek Helio P22 ang kaniyang chipset. 4GB ang kaniyang RAM at 128GB ang kaniyang internal storage. Yes, mag-a-agree ako sa inyo na hindi na ganun kalakas yung P22, sobrang hina na ng chipset na yan lalo na sa taong 2022. Pero para sa presyo niya, tapos 128GB ang kaniyang internal storage at maganda ang kaniyang display, hindi na ako magrereklamo kasi hindi ko naman gagamitin sa games itong A11 Tab.
Benchmarks
Para sa Antutu scores, nung una nakakuha tayo ng 97,198 pero ang kaniyang GPU score ay 0, ibig sabihin hindi na naman nagamit ang ating GPU sa benchmark test. So gumamit tayo ng GPL Tool at sa pangalawang test natin, 113,720 na ang nakuha natin so malaki-laki ang na-improve na score. Pero kagaya ng nabasa niyo kanina, mababa iyan para sa taong 2022 pero hindi na ako masyadong magrereklamo.
Kagaya ng nabasa niyo kanina, huwag natin itong susubukan sa games kasi hindi rin talaga tayo mag-e-enjoy. Gaya dito sa Asphalt 9, potato quality na ang na-generate niyang graphics.
Camera Quality
Ito naman ang kaniyang video sample ng selfie camera. 1080P ang pwede nating sagad na resolution na ma-set dito. Ang kagandahan dito sa UMIDIGI A11 Tab, nasa gitna na ang ating selfie camera kapag naka-landscape mode tayo which is ito ang pinaka-normal na positioning kapag tayo ay nasa video conference.
So talagang naka-gitna yung tingin natin palagi kapag meron tayong kausap, so advantage iyon. Pagdating sa quality, nagulat ako ng kaunti kasi hindi ko in-expect na magiging ganito kalinaw at kaliwanag ang ating quality kasi karamihan ng mga budget friendly na mga android tablet sa ngayon ay nako-compromise ang selfie camera. Pero dito, hindi siya na-compromise dahil maliwanag ang kuha natin at 1080P pa ang resolution na pwede nating i-set, so panalong panalo sa mga video conferencing.
Battery Life and Charging Speed
Pagdating sa kaniyang battery, 8000mAh ang kaniyang capacity so napaka-decent. Pero capable lang iyang sa 10W na charging. Sa SOT naman, ang nakuha natin ay 8 hours and 8 minutes lang. Hindi ganun ka-impressive pero pwede na para sa isang android tablet. Sa charging, 23-100%, sobrang lala kasi 4 hours and 14 minutes ang nakuha natin.
Ito na lahat ang mga data na nakuha ko dito sa A11 Tab. Para sa akin, yung sinasabi na Audiovisual Feast daw itong A11 Tab, mukha namang totoo kasi nga kagaya ng nabasa niyo kanina, maganda ang kaniyang display, maganda ang tunog ng kaniyang speaker, hindi sobrang ganda pero sakto na siya para sa kaniyang presyo, may kasama pang case out of the box, 128GB na ang kaniyang internal storage at maganda ang selfie camera para sa mga video conferencing so eksaktong-eksakto siya para sa akin para sa 9,600 pesos na presyo.
Sana nakatulong ang article na ‘to!
Kung gusto niyong bilhin ang tablet na ‘to, click niyo lang ito; UMIDIGI A11 TAB Audiovisual Feast
-
The Highly Anticipated OnePlus 13 & 13R Flagship Smartphones Have Arrived!
Manila, Philippines – Level Up Your World in 2025 with the OnePlus 13 & 13R. More than just smartphones, they
-
REDMAGIC 10 Pro – SOBRANG BILIS, SOBRANG INIT?!
Pagusapan natin ngayon ang bagong REDMAGIC 10 Pro. Napakasimple na ng box nitong REDMAGIC 10 Pro at may mak…
-
Ang TOP 10 Entry Level Phones ng 2024!
Patapos na ang 2024 kaya pagusapan natin ngayon ang Top 10 Entry Level Phones. Ang #10 sa listahan ay ang…