Sa halagang Php45,290.00 ay makakabili ka na ng MacBook? Ito ang MacBook Air M1 na 8/256GB ang configuration. Mabibili iyan sa beyond the box. Nasa baba ang link kung gusto mo ma-check ang updated price at discount.
Itong M1 ay 4 years old, noong 2020 ito na-release. Mula noong 2020 ay nakagamit na ako ng M1 ng Apple. Ang gamit ko noon ay Mac Mini na 8/512GB na configuration. Ginamit ko ito the whole pandemic, ginamit ko sa editing, gaming, at sa halos lahat ng scenario. May mga times din na bumalik ako sa Windows pero ngayon ay naka-Apple na naman ako at ilang months na rin. Ginagamit ko ngayon ay Mac Mini pero 16/1TB naman na configuration. Subok na subok ko na Apple M1 at madali para sa akin na i-recommend ang MacBook Air M1 kasi alam ko na ang performance ng M1.
Unboxing
Sa bandang likod, ang original price nito ay Php64,990.00. Kaya talagang sobrang layo na ng binaba ng presyo. Pupunitin lang natin ang plastic para mabuksan ang box. Upon opening the box, MacBook Air agad ang bubungad sa atin. Sa ilalim makikita ang USB-C to USB-C cable. Meron din itong document sleeve at sa loob ay may manual at sticker. Sunod naman ay ang 30W na charger.
Sa itsura ng MacBook Air M1, napaka-modern pa rin at sasabay pa rin sa mga laptops ngayong 2024. Sobrang nipis nito at kayang-kaya i-open ang laptop ng isang finger lang. Para sa mga nagpaplano na bumili ng case para sa mga MacBook, mas maganda na wag kayong bumili ng case at sleeve ang bilhin ninyo. Kung hindi naman natin lagi ginagamit ang laptop natin na bukas-sara o kaya hindi naman tayo lagi nagta-travel, mas maganda ang sleeve kasi kapag case ay maapektuhan ang weight ng laptop. Makakaapekto ito ng malaki sa hinge at eventually, yun ang magiging reason kung bakit masisira ang hinge.
Itong MacBook Air M1 ay sobrang gaan, 1.29kg to be exact. Kung magta-travel tayo ay halos walang nadagdag na weight sa bag natin. Manipis na at hindi pa ganun kabigat.
Specs
Itong MacBook Air M1 ay may 13.3″ Retina Display na 1680 x 1050 ang resolution. Ang max brightness ay 400 nits. Ang color coverage ay P3 at may True Tone para mas maging natural ang kulay ng display sa anumang lighting situation. Tapos itong M1 chip ay may 8 cores CPU at 7 core GPU. Meron din itong 8GB Unified Memory at 256GB na SSD storage.
Display
Isa ito sa may pinakamagandang quality ng display sa ganitong presyo, for less than Php50,000. Pagnaghanap ka ng mga laptop ngayon sa ganitong presyo, mapagiiwanan ang display ng iba. Malaking bagay iyan lalo na sa mga nagpo-photo editing at video editing. Kagaya ng sinabi ko kanina, the whole pandemic ang gamit ko ay 8GB rin na Mac Mini. Almost same sa configuration nito pero 512GB ang SSD na ginamit ko nun. Ito ay 256GB pero hindi naman ganun kalayo pagdating sa storage, pero sa RAM ay same lang. Hindi pa ako naka-MacOS Sonoma noon pero ito ngayon ay Sonoma na. Mas maganda ang performance nito compared sa una ko na ginamit.
Kahit sa gaming ay na-test ko na itong M1. Kahit mga medyo mabibigat na game ay pwedeng-pwede. Talagang nag-enjoy ako sa performance. Altough hindi nito supported ang high refresh rate na gaming. Itong MacBook Air M1 ay naka-Touch ID na rin. May fingerprint scanner ito at napakalaking convenience.
Ang webcam nito ay 720p, yes hindi pa rin 1080p pero makikita niyo na maganda pa rin ang quality at pwedeng-pwede sa mga video conference. Meron din itong dalawang speaker sa may taas at very satisfied ako sa sound. Kahit pa nakasaksak ito habang ginagamit natin, full speed na ibinibigay ng laptop na ito ay walang noise. Kung hahanap tayo ng laptop na napakahina lang ng sound kahit na ang bigat ng application na pinapatakbo natin, sakto itong laptop dahil wala itong fan sa loob.
Battery
Meron din itong 49.9-watt-hour na battery at 30W ang charging speed. Pagdating sa battery performance, isa itong MacBook Air M1sa may pinakamatagal na battery life sa lahat ng laptop sa ngayon. Hindi ito ka-power hungry kapag hindi nakasaksak sa power outlet. Tapos naka M1 unified chip pa ito kaya talagang magtatagal ito in one charge. If ever na naka-full charge itong MacBook Air M1, tapos nag-travel tayo at nakalimutan ang charger. Meron itong 100% at ginamit natin the whole day, possible na may 50% na battery life ka pa. Depende rin yan kung anong klaseng usage ang ginawa natin.
Kagaya ng nasabi ko, subok na subok ko ang Apple M1 sa video editing. Hindi naman ito super bilis mag-render, kung dalawang 4K video ang magkapatong sa timeline, medyo may hiccup ng kaunti. Other than that, wala na akong nakitang issue. Lalo na ngayon, ang Davinci Resolve na ginagamit ko sa pag-edit ng video ay compatible na sa Apple M1. Hindi na ito gagamit ng Rosetta para patakbuhin ang software na iyun. Talagang full speed ang mae-experience natin sa editing.
Verdict
Yan lang ang gusto ko i-share sa inyo. Samantalahin niyo na ang sale sa Beyond the Box, kasi ito na ang chance niyo na makabili ng murang MacBook. Alam naman natin na kapag Apple product, lalo na ang mga laptop ay quality talaga. matagal na matagal nating gagamitin ito. Isa pang gusto ko i-advice sa inyo kung bibili kayo nito, dahil 256GB lang ang storage nito ay bumili kayo ng external SSD. Madaling maubos ang 256GB sa isang laptop. Pwede naman kayo mag-DIY ng external SSD, pwede kayong bumili lang ng Enclosure sa UGREEN, kung may ginagamit na kayo dating NVM SSD tapos gusto mo gawing external SSD. Kung gusto niyo talaga ng external SSD na ready to use na, maganda ang SanDisk at Samsung.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
BUY HERE: https://invol.co/cll18ty
External SSD: https://invol.co/cll18tz
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: